Kabanata Lima

39 9 6
                                        

Ginusot ko ang aking mga mata, gutom na ako lumingon ako sa aking kanan kaso wala na sya dito, nasaan kaya yung unggoy nayun.

Ta-tayo na sana ako nang bigla sya dumating may kagat kagat itong papel kinuha ko ito at tinignan isa syang bangka.

Hmmm ano naman gagawin ko dito, tama gagawa ako nang bangka para makaalis dito, hayst bat di ko ka agad na isip yun. Kumuha ako nang mga bagay na kailangan para makabuo nang bangka pinagkakabit kabit ko ito, nang matapos itinulak namin sya sa dagat at sumakay hinahawakan ko ang tela na nag cocontrol sa bangkang gamit namin at ang unggoy namin ay naka upo itinali ko ang tela sa magkabilang dulo upang maka upo rin.

Mga ilang sandali biglang umulan nang malakas, naka upo ako nang may nakita akong pirana na papunta sa amin, kinakabahan ako dahil palapit na ito sa amin.

Nakakita ako nang kahoy sa gilid nang bangka kinuha ko ito at pinang hampas sa pirana, magaling pala ako sa hampasan, kumuha rin nang kahoy ang unggoy at pinaghampas hampas ang mga piranang pupunta sa amin.

Mga ilang sandali may isang hayop na galing sa dagat ang umangat at pinagkakain ang mga pirana, itinaas ko ang kahoy ko para matakot ang hayop na malaki kaso hindi man lang ako nilingon nito, siguro ang mga pirana lamang ang gusto nila.

Napatingin ako sa unggoy na kasama ko malalaglag na sya napalingon naman ako sa kanan ko yung tela nang bangka matatangal na, hindi ko alam gagawin ko hindi ko alam sino uunahin ko hinatak ko ang unggoy, inilipad nang hangin ang tela sinundan ko nalamang nang tingin ang tela.

*booogsh*

Nagising nalang ako na nasa lugar ako na walang tao, ang lupa ay tuyot na tuyot na at ang paligid kulay brown wala kang ibang kulay na makikita napalingon ako sa tabi ko bakit wala sya dito inikot ko ang aking paningin kaso hindi ko parin makita ang unggoy.

Naglakad lakad ako para hanapin ang unggoy at maghanap nang pagkain, gutom na gutom na ako palingon lingon ako sa paligid na baka makakita nang kahit isang puno.

Kasi naman Akemi ang tanga tanga mo grrr kung hindi ka naman baliw at umalis sa bahay ni suho parang sinabihan kalang na puno.

pinaghahampas ko ang ulo ko gamit ang dalawang kamay ko nang bigla ako nahulog sa kung saan.

Na unang nauntog ang pwet ko kaya ok pa, tumayo ako at pinagpag ang suot ko nasaan ako? Naglakad lakad ako hindi ito katulad nang kaninang lugar na napuntahan ko parang 1645 na lugar parang ganun napahinto ako sa paglalakad nang may narinig akong mga yapak, napatago ako sa isang malaking bato.

Malapit na ito sa akin, sinilip ko ito w-wait yung unggoy yun ha. Lumabas na ako sa tinataguan ko lumingon ang unggoy kung nasaan ako.
tumakbo ito papunta sa akin na parang bang matagal kaming hindi nag kita hinimas ko ang ulo nito na parang aso.

Naglakad ito, sinundan ko naman napunta kami sa lugar na puro hagdan pababa sya na pa zigzag at ang hagdan ay gawa sa kahoy at parang pag umapak ka malalag ka sa kawalan. Nagsimula maglakad ang unggoy papuntang hagdan dahil ayaw ko naman maiwan dito kaya sinundan ko sya, medyo nakakalayo na kami nang biglang nag crack ang inaapakan nang unggoy na kasama ko at nasira na ito nang tuluyan parang napako ako sa nakikita ko nakaka kapit ang unggoy sa isang kahoy na malapit narin matangal.

Di ko alam pero bigla nalang dinukot ang puso ko at di na binalik sa sumunod na nangyari nalaglag ang unggoy sa kawalan at duon lang ako parang nabuhay may tumulong luha mula sa aking mata, bat hindi ko sya tinulungan ang tanga ko talaga napaupo ako at nakaramdam ako nang pag crack napatayo at napatakbo parang hinahabol ako nito.

Nang namalayan ko nalang na nasa ibaba na ako hinanap ko kaagad ang unggoy naka hilata sya sa sahig ang balat nyang brown at nababalot na nang pula. Kinarga ko ito at yinakap.

" S-sorry sa katangahan ko kung tinulungan lang kita edi sana humi-humihinga kapa sana mapatawad mo ako "

At tuluyuan nang kumawala ang namumuong luha sa mga mata ko.

Formosa ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon