Di naman pwede umiyak nalang ako dito, tumayo ako at pinagpatuloy ang paglalakad nang may nakita akong rainbow sa dulo nito.
" Rai-rainbow !? dba dapat puti yan "
Naglakad ako patungo sa kulay rainbow pumasok ako dito at.
*Boogsh*
Ok na kaya sya
kailan ka sya magigising
ilan araw naba sya dyan
nasaan naba ang doctorAng dami ko naririnig na bulungan sa paligid ko sinubukan ko idilat ang mata ko at nagawa ko ito, umupo ako mula sa pagkakahiga.
" Ba-bat nasa Ospital ako !? " Gulat na tanong ko, pagkakaalala ko pumasok ako sa rainb---.
" 5 araw kana natutulog kaya dinala ka nanamin sa Ospital dahil nagising kana pwede na tayo umuwi" Sabi nang tita ko, natulog? edi panaginip lang ang lahat ?
si Suho
yung Unggoy
yung mga pagsubok
yung sisiw na malaki at may ngipinGinulo ko ang aking buhok, lahat yun totoo naramdaman ko yun lalo na ang luto ni Suho, tinignan ko ang aking suot.
Suot ko ang damit ni suho, paano nangyari to?
Humiga nalang ako muli at pumikit baka sakali makita ko si Suho sa panaginip.
End---
4/8/15
