Kabanata apat

90 23 19
                                    

Nang makababa na sya sa Tree House agad na rin ako bumaba, wait hindi ko alam ang pasikot sikot sa lugar nato wala man lang bang map sa lugar nato, naglakad lakad ako hangang kung saan ako makakarating napahinto ako sa pagod at sumandal sa puno tinignan ko ang paligid ang ganda.

Malalaking puno at sa gitna nito ay malaking bilog siguro dito nakatira ang reyna nila ilang sandali pa may narinig akong kakaibang tunog napatingin ako sa bilog na nasa gitna nag crack hindi kaya itlog to, kinuwa ko ang bagahe ko bago paman ako makatakbo naka labas na ang kung anong hayop man ang nasa itlog.

Tumakbo ako nang hindi nililingon ang nasa likod ko basta ang alam ko hinahabol ako nito pinagdadasal ko lang nasana hindi ipis juskoo kadiri pag iiniisip kong ipis ang humahabol sakin, napatid ako nang isang malaking bato kaya napadapa ako napatingin ako sa humahabol.

sakin isang malaking ibon, sumigaw ito at kitang kita ko na ang kanyang mga ngipin jusko mahal ko pa ang katawan ko bat ako pa hindi pwede dumede muna yang ibon nayan palapit nang palapit sakin ang ibon nang.

/bugssssh/

Bu---buhay ako hinawakan ko ang katawan ko nandito pa kamay, leegs at mukha ko, yes buhay pa ako napatingin ako sa ibon bulagta ito at nakabukas ang dalawang mata ewwww, siguro sa sobrang ganda ko kaya namatay sya tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagpag ang damit ko, napalingon ako sa likod.

Si Suho na nakatayo habang hawak hawak ang isang matalim na dagger naka tutok ba sakin ang dagger ?

" Su--suho papatayin mo ba ako ? "

" Sana, kaso yung ibon ang natamaan "

" sus... sabihin mo nalang niligtas mo ako thank you "

Umalis na sya ka agad hindi man lang ako niyaya ay wait galit pala ako sa kanya kaya sa kabila ako naglakad, habang naglalakad parang may nakalimutan ako wait yung bagahe ko hayst ayaw ko naman bumalik ilang oras narin ako naglalakad kaya hinayaan ko nalang napadpad ako kung saan lugar, napa upo ako sa gilid dahil sa pagod narin nang nakarinig ako na parang pag galaw napalingon ako sa likod ko at nakakita nang isang gorilya.

Tinitignan ako nito na parang may ginawa akong masama, ilang minuto ang nakalipas na dagdagan ang isang gorilya lima na sila, nakatingin sila sakin nang biglang umatake ang isa sa kanila pinulot ko ang kahoy na nasa gilid ko at pinang harang ito sa bunganga nang gorilya tinusok ko sa ngalangala nya ito na kinamatay nya.

Napatakbo ako sa takot hinahabol nila ako, sa mga sanga na humaharang sakin ay binabato ko sa likod ko pero hindi natitinag ang mga gorilya, may nakita akong dagat sa dulo nito napag pasyahan kong pumunta duon nang makarating ako napahinto ang mga gorilya at hindi na ako sinundan, nakahinga ako nang maluwag at napa upo.

Napakaganda nang dagat light blue at ang mga buhangin durog na durog at brownish, sa dulo nang dagat may gubat rin kung iisipin mo napaka lawak nitong lugar nato napatingin ako sa kamay ko may tumutulong likido, dugo pinahiran ko nang tubig mula sa dagat at kumuha ako nang piraso nang halaman gamot at inilagay ko ito sa sugat ko, ipinikit ko ang aking mga mata.

Umaga na pala, tumayo ako at naghanap nang makakain kaya ko mabuhay mag isa dito sa lugar nato, pumunta ako sa kabilang dulo nang isla at nag hanap nang prutas, nakakita ako nang puno nang saging inakyat ko ito at inilaglag ang saging sa ibaba, nang pababa na ako nakaramdam ako nang parang may tumititig sa akin siguro dahil sa pagod lang to, bumaba na ako sa puno at bumalik kung saan ako nang galing.

Pa upo na sana ako sa buhangin nang makaramdam ako nang kalabit sa kanang paa ko nilingon ko ito at isang maliit na unggoy ang nakita ko parang baby palang sya, kinarga ko sya sa mga kamay ko at natulog ito parang syang bata talaga inilapag ko muna sya sa gilid at kumuha nang malaking dahon mula sa gilid at duon ko sya hiniga at kinumutan ko sya gamit ang mga dahon kinain ko na ang saging nag tira ako nang tatlo para sa kasama ko nilingon ko ito at napangiti, ano kaya ginagawa ngayon ni suho.

Formosa ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon