Cinco

17 2 2
                                    

MULI ko binalikan ang mga kwentuhan namin ni Asher. Wala! Wala siyang niisa nabanggit sa'kin.

Napaka masikreto naman ng lalaking 'to.

"Hindi mo talaga alam?" Tanong ni azaleah kaya napaharap ako sa kaniya.

"Hindi, e." sumimangot ako at muling pinagmasdan sina Asher.

Nasa hindi kalayuan kami ni Azalea pero kita ko ang iritado ni Asher dahil magkasalubong ang kilay niya habang daretso lang ang tingin sa'kin. Nagagawa niya pa'ko bantayan kahit panay ang daldal ng babae sa harap niya.

"Hindi talaga niya nabanggit?" Bumalik ang tingin ko kay Azaleah.

"Hindi talaga Azaleah," sagot ko.

She pouted.

"Tawagin mo pa'ko Azaleah tatawagin kitang Kennedy. Zyle nalang." Hinampas niya pa'ko. Tumabi ito sa'kin, nakasandal kami sa malaking van.

"Okay, Zyle."

She chuckled.

"B-Bakit?" Nagaalala ko tanong ng umiwas siya tingin at bumimangot.

"Sorry talaga."

"Sorry saan?"

she smirked then ngumuso siyang itinuro sina Asher pero napalunok din siya ng makita nasa akin ang paningin ni Asher. Muling bumalik ang tingin niya sa'kin, binigyan niya 'ko nang makahulugan tingin.

"Pero 'wag kang magaaalala, sis." Masigla aniya pero mabuti nalang busy pa ang mga kasama namin nag pipicture.

Pabalik balik ang paningin ko kay Asher at kay Zyle.

"Matagal na silang wala."

Bumuntong hininga ako.

"Pero bakit ganiya parin si Zoe makaasta kay Asher?" Tinuro ko ang babae dada ng dada at hawak ng hawak kay Asher pero umiiwas siya.

"Hindi pa naka move on, gurl!"

"Ha? Sabi mo matagal ng wala."

"Aba! Sino bang makaka move on agad diyan kay Asher? Gurl, bulag nalang ang hindi magkakagusto sa kaniya." Aniya, muli niyang sinulyapan si Asher at Zoe.

Sabagay, tama siya. Masarap magmahal si Asher.

"Bat sila nag break?"

" Zoe is Asher first. First kiss, first love and everything."

Napaisip tuloy ako. Binalikan ko ang na kwento ni Asher sa'kin na babae. May natitipuhan daw siya, e. Si Zoe kaya 'yon? Well, maganda naman siya, hindi ko lang alam kung mabait talaga. Pero mukhang imposible kasi ang sabi niya may iba siyang gusto tas hindi daw siya kasi sa mga napapakita ng babae sa kaniya. May communication pa kaya si Zoe at Asher?

But. I can't help but to feel jealous and awkward.

Matindi ang kaba ko, muli ko silang sinulyapan tas puro pa hawak ni Zoe sa braso ni Asher para pansinin pero malalim lamang nakatitig sa'kin si Asher.

Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mata namin. Humarap ako kay Zyle.

"Ganuon ba," tumawa ako.

Umakbay namn siya sa'kin kaya gulatan ako napatingin sa kaniya. Kumindat siya.

"Bakuran mo gurl. Hindi naman sa sinisiraan ko yung pinsan ko pero magaling mang akit 'yan." Binolong niya 'yon habang ang mata ay nasa pinsan at kay Asher.

"Bakit naman? Ayos lang naman sa'kin, e."

Zyle smirked.

"Ayos lang ba kay Asher? Kung sabagay, hindi mo na pala kailangan bakuran kasi ikaw mismo ang babakuran niya," humalakhak naman siya.

The Most Painful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon