My Soul Saver Ep. 5

910 62 23
                                    


We're on our way to starbucks kasama ko ngayon si Andrea, Gusto niyang magkape sana sa isang branch namin kaso sabi ko sa iba nalang.

the other day kasi na nagkasalubong kami sa store niyaya niya akong magkape but i refuse for some reason.

nakonsensya naman ako ng mapaharurot ko na ang sasakyan. Kaya ng gabing yun napag pasyahan ko na bumawi sa kanya at tinawagan siya para yayain kong mag kape.

"Alam mo we can have coffee naman sa cafe mo, i really love your Piccolo Latte, it's really hard to find in local cafe"

piccolo latte is one of our best seller, it is a ristretto shot around 15-20ml topped with warm, silky milk served in 100ml glass.

"You want piccolo? pwede naman tayo gumawa non sa condo, pambawi ko na rin sa pagiging tour guide mo sa akin sa la union" sabi ko while smiling at her , tela nagustohan niya ang sinabi ko kaya napa tango nalang agad siya.

I already cleared everything to andrea na hanggang magkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

but i guess hindi ko ma e aalis sa kanya ang pagiging caring at sweet niya sa akin.

"Pero is it okay for you nandun si Aereka ngayon sa condo eh" pag aalinlangan kong sabi sa kanya.

hindi sa hindi ko gusto na nandun si ekay i just want to make sure na she's comfortable

masyadong defensive Sarah Garcia

"Ano kaba it's okay, ako na nga tong nag cocondo raid eh" sagot niya habang paakyat kami ng condo.

Ng marating na namin ang unit ko ay agad bumungad sa amin ang bestfriend ko na minatahan kaagad ako. i know that looks of her.

"ah Drei, upo ka muna i'll just prepare your piccolo latte, and please feel at home"

sambit ko dito na agad naman niyang tinanguan. Pilit kong iniiwas ang mga tingin ng kaibigan ko. pero tila yata sadyang di ako tatantanan neto. Hanggang sa kusina ay sinundan ako.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko ng hindi siya kinikibo, ilang sandali pa ng maramdaman niya wala ako plano mag salita ay sinimulan na niya ako intregahin.

"Can you explain what's going on ? kung bakit nandito yan? after what you said last time? "

i stop what im doing at hinarap siya.

"Let it go ekay, it was just a friendly thing, and please wag mo lagyan ng malisya kung anong meron sa amin ni andrea, nag usap na kami" pagpapaliwanag ko at tinuloy na ang paggawa ko ng kape.

pero tila hindi ako titigalan ng kaibigan ko hanggat hindi niya nakukuha ang tamang sagot na gusto niyang marining.

"I know what's Andrea doing Sj, hindi ako bulag para hindi makita yun, the way she looks at you? that girl likes you! and you're dropping hints!" naiinis niyang sambit sa akin, hindi ko rin siya masisisi dahil im taking advantage na makasama si andrea kasi wala akong iniisip masyado. Feeling hanggat kasama ko siya safe ako, in different way.

"Oh come on! what are you trying to prove? may pilit ka talaga iniiwasan. pag nalaman to ni tanchellie talaga" nagsalubong bigla ang kilay ko.

"Bakit napasok si tanchellie dito? pwede ba tantanan mo ko aereka!"

"Alam mo ang background ng babaeng yan, sinabi na ni tanch sayo yun diba?" medyo may kalakasang pagkasabi niya.

"Low down your tone! mahiya ka nga andiyan lang yung taong pinag-uusapan natin, at isa pa labas si tanch sa personal kong buhay, bakit? pinapakailaman ko ba sya sa Miguel niya?" inis kong sambit sa kanya, wala na kasi sa lugar ang mga binibintang niya sa tao.

My Soul SaverWhere stories live. Discover now