Chapter Twenty Nine -- Anong pipiliin ko?

12.6K 114 25
                                    

VOTE kayo ah.... ^^

_____________________________________________________________________________

CHAPTER 29

“We’re here!” Bumaba na kami nun sa bike, tama nga ako at ang gulo na ng buhok ko. Nakita ko kasi yung reflection ko sa salamin na suot nya eh. “Anong nangyari sayo?”

“Kagagawan mo lang naman kasi… Sobrang bilis mo kayang magpatakbo… Mukha na tuloy akong bruha.” Hinawi nya naman yung buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.

“Bakit ganyan? Mukhang mas napagod ka pa sakin ah?” Sinabi nya yan ng nakangiti siya. Mukha na ba akong haggard? OMG… Nakakahiya!

“Ah eh… Bakit? Senxa na, wala akong dalang suklay.”

“Hindi yun. Ok pa rin naman yung buhok mo. Namumula ka lang… Dinaig mo pa ko samantalang ako yung may angkas sayo. At ako ang nagba-bike.” What?! Bakit naman ganun maka-react yung mukha ko? Hindi naman niya ako intentionally na niyakap eh. Di naman sadya yun… Teka… Kalma kalma… bumalik ka na sa dati please…

“Ah kasi… Kakatili ko yan… Masyado kasi akong ninenerbyos sayo eh…” Whew… sana lumusot…

“Hehe… Sorry…” Sabay kurot sa pisngi ko… mapula na nga kukurutin pa… “Ok lang… cute ka pa rin naman. Mas cute nga eh. Di na kailangan ng blush-on.” Tama na… baka hindi na bumalik yan sa dati nyang kulay eh… naman…

Bumukas naman yung gate nung isa pang mansion na hinintuan namin…

“Hey! Nandito na pala kayo. Oh?! Si Vince? Teka babe, nag blush-on ka ba?” Lumabas nga si Zeke, at naka-apron pa… tapos yung usual hair-do niya kapag may practice sila na naka pony yung bangs niya. Ang cute!

“Ah… hi-hi-hindi ah… napagod lang.” Yung ngiti ko sa kanya nun para bang nahihiya… Bakit ba ang daming nilang mag tanong? Sunod sunod pa. Trend na ba yan ngayon?

“Tara, pasok na kayo. Hinihintay na kayo dun ni bratzy, ah I mean Ate Mae.”

Pumasok na nga kami sa loob…  Maganda rin yung bahay nila… Malaki rin at mukhang mansion… Nandito kami ngayon sa sala si Zeke naman bumalik sa kusina. Nakakatuwa yung sala nila kasi puro picture frame, kadalasan silang dalawa ng Ate niya pero sobrang bata pa nila dito.

Iniwan kong nakaupo sa sofa si Jared kasi gusto kong magtingin tingin ng pictures. Meron pa nga akong nakitang isang picture frame dun, dalawang babae at dalawang lalaki. Yung isang pair dun na babae at lalaki mukhang mas matanda sa isa pang pair. Familiar yung mga mukha nila kasi yung mas batang lalaki dun si Jared, yung mas matandang babae, si Mae siguro, yung mas matandang lalaki may hawig kay Jared, kaanu-ano niya kaya? Kuya niya? Teka, bakit wala dito si Zeke?

“ANNE!!!” May bigla namang dumamba sakin. Akala ko kung sino, si Ate Mae pala. “It’s good to see you again!” Nagbeso naman siya sakin. Parang kanina lang naman nagkita kami sa school nung bumisita siya eh.

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon