Chapter Seventeen -- OMG!!! Late na talaga ako!!!

13.4K 100 10
                                    

CHAPTER 17

JARED’s POV

 

“Now I may consider La Salle as my option. No… Dun na pala ako mag-aaral and it’s final.”

“Teka, may sinasabi ka ba?” Whew… Lusot… buti hindi nya narinig. Ma-susurpresa na lang siya pag dating ng takdang panahon. ^^

At hindi ko na nga namalayan yung oras. Kung hindi pa nakaramdam ng gutom si Mico hindi ko rin maaalala na gabi na pala at kailangan na namin umuwi. Pagkahatid namin kay Mico, ihahatid ko na din si Anne, kaso mapilit, ayaw magpahatid… Alam ko na!

“Wag na, mag-pepedicab na lang ako. Lalo ka pang gagabihin eeh…. ^^ I’m good.”

 “Alright.” Tinakbuhan ko siya. Alam ko namang hindi nya pababayaan si Mico mag-isa sa clubhouse at ihahatid nya rin. Di naman talaga ako lumabas ng subdivision eh, lumiko din ako sa pinakamalapit na kanto na pwede kong pag-ikutan pabalik sa bahay nina Mico.

Teka, napalayo ata ako. Naku naman, sa gilid nga lang pala ng clubhouse yung bahay nila. Sana naman hindi muna nya maisipang mag-walk out pagkahatid nya kay Mico. I’ll explain everything to her later, sa ngayon, kailangan ko munang makatakbo ng mabilis. Iikot na nga lang napalayo pa…

Oh great! I’m too late… or maybe not… Di pa rin pala sila natitinag sa kinatatayuan nila. Ganun ba ako kabilis tumakbo? Or I just really pissed her off? Lagot!

Nandito na ko sa tapat ng bahay. Nakita naman ako ni Mico kaya sinenyasan ko na siya. Muntik pa nga akong mabisto kasi natawa na lang siya bigla eh. Pero mukhang gumana na naman ang pagka-genius nitong batang ‘to at mukhang nadali nya yung iniisip ko. Mana talaga sakin. ^^

Ayan na… Papalapit na sila sakin… dito muna ko sa likod ng halaman… XD. Para naman makabawi, ako na rin ang nag-door bell para sa kanila. What would you expect? Malamang gulat na gulat siya. Nasigawan pa nga ako eh. Di ko na mapigilan yung sarili kong tumawa nun. Marunong din pala siyang mainis. Haha!!! Nakakatuwa… She’s still cute even if she’s mad.

After nang mahabang diskusyon, thanks to tita dahil napapayag niya si Anne na ihatid ko siya. Sayang nga lang kasi hindi ko na siya napakilala ng maayos kay tita. Tama ba naman kasing paghinalaan siya agad na, alam mo na… ’Nice meeting you hija. What a pretty girl… Are you Red’s…’—sino ba namang hindi mahihiya nyan. Alam ko namang ang salitang “girlfriend” ang kasunod nun. Medyo matagal pa yun. Hindi naman ako nagmamadali, malapit na rin naman kaming mag-college. Sa ngayon, gusto ko munang magkapalagayan kami ng loob. Tulad ngayon, nagalit na nga siya sakin eh. Isang sign yun na we’re not strangers anymore, we’re completely close to close.

Nag-side car na kami pauwi, mapilit eh. Mas gusto ko sanang maglakad na lang kami para atleast masulit ko yung oras. But since gabi na rin at may point siya na baka pareho pa kaming mapagalitan, sumunod na ko. Mahirap na baka hindi na ko makaulit nyan. ^^

Papapasukin pa sana nya ako sa kanila kaya lang bigla akong inatake ng hiya at ng kaba. Bakit nga pala ako kakabahan? Eh mommy at daddy nya lang naman yung makakaharap ko sa loob. Next time na lang kapag prepared na ko. ^^

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon