DANIEL'S POV
Pagmulat ng mata ko puti kaagad ang nakita ko.
Bro, gising ka na. Sabi ni Neil. Naalala ko na nahimatay pala ako.
Si Kath. Kailangan ko siyang puntahan. Sabi ko. Pero pinigilan nila ako.
Bro, magpahinga ka muna. Sabi ni Diego. Kaya wala akong nagawa kundi humiga ulit
Si Kath, kailangan ko siyang puntahan. Kailangan ko mag sorry sa kanya.
May tama ka na ata kay Kath eh. First time mong magsorry sa isang babae. Sabi ni Neil
Hindi ko din alam eh. Basta parang may nagtutulak sa akin na kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.
Bro, iba na yan. Sabi ni Diego ng pang asar ang tono
Ewan ko sayo. Pero yung totoo bro, unang kita ko pa lang sa kanya parang kilala ko na sya.
Alam mo itulog mo na lang yan. Bukas pwede ka ng umuwi. Sabi ni Diego at natulog na ulit ako.
KINABUKASAN
Nakauwi na ko hinatid ako nila Diego. Dito sa bahay, bahay ng magulang ko. Tanong sila ng tanong kung ano ang nangyari. Pero hindi ko sila sinasagot. I need my grandfather. Sya lang nakakaintindi sa akin. Siya lang ang gusto kong makausap ngayon. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Lolo
Hello Lolo
Oh. Danilo bakit?
Nasaan ka po?
Bakit?
I need you Lolo
Nandito ako sa bahay namen ng Lola mo
Punta po ako dyan
Sige antayin kita apo.
Bye
Binaba ko na. Tumayo na ko at kinuha ang car keys ko
Saan ka pupunta? Tanong ni Mama. Kalalabas mo pa lang ng ospital. Lalapit sana si Mama sa akin pero pinigilan sya ni Papa
Pupunta yan sa Lolo nya. Hayaan na muna natin sya. Sabi ni Papa.
Umalis na ko. Dumiretso kagad ako sa bahay nila Lolo.
Good afternoon Sir Daniel. Sabi nung katulong
Si Lolo?
Nasa kwarto nya po. Sabi nya habang nakatungo. Dumiretso na ko sa kwarto ni Lolo. Pagpasok ko nakita ko kagad si Lola na papalabas na ng kwarto. Si Lolo naman nakaupo sa kama. Nagmano ako kay Lola
Okay ka na ba? Tanong ni Lola. Kaya tumango na lang ako. At lumabas na sya.
Lolo. Sabi ko sabay mano sa kanya
Oh anong problema? Tanong ni Lolo at umayos ng upo.
Lo. Nakasakit nanaman ako. Sabi ko. Lahat kase ng pinaggagagawa ko sinasabi ko kay Lolo.
Nakasakit? Kanino? Paano? Tanong nya na parang naguguluhan.
Nasabihan ko ng masasakit na salita. Corny man pero ganito ako eh. Pagdating kay Lolo
Ang babaw naman nun.
Babae po kase eh. Sabi ko sabay tungo
Babae? Diba sabi ko 'wag kang papatol sa mga babae. Madali silang mainis. Mababa ang pasensya. Ano bang pinag sasabi mo?
Kaya kinwento ko yung nangyari
Hayyy nako Danilo. Sinabi ko na sayong ayusin mo ang buhay mo, pero hindi mo pa din ginagawa. Respeto lang, alam mo namang babae yun eh... Teka ano bang pangalan nung babae? Sabi ni Lolo habang pailing iling. Ma respeto kasu si Lolo sa mga babae eh. Kaya ganun na lang ang reaksyon nya. Ewan ko ba kung bakit iyon ang hindi ko namana sa kanya. Kasi ang namana ko lang sakanya ay ang pagiging makulit nung kabataan pa.
Si Kathryn po.
K-kathryn? Kathryn a-ano? Parang kabadong tanong ni Lolo.
Anong ano po? Naguguluhan kong tanong?
Ano ang surname nya?
Bernardo po. Kathryn Bernardo. Sabi ko
Bernardo? Tumango ako Kung ako sayo. Humingi ka ng paumanhin sa kanya. Mag sorry ka
Parang hindi ko po kayang mag sorry sa kanya. Sabi ko sabay tungo
Yan. Yan ang PRIDE na tinatawag. Diba nga pag nakagawa ng kasalanan kaylangan mag sorry
Pero Lolo-
Walang pero pero Bernardo yun. Kaya ayusin mo. Sabi ni Lolo sabay tayo. Ano namang pake ko kung Bernardo sya? Parang may alam si Lolo na hindi ko alam.....
Kailangan kong malaman yun.
------
Sorry late update. Busy eh
By the way
COMMENT YOUR REACTIONS ON MY UPDATES
VOTE IF YOU LOVE THE CHAPTER THAT I UPDATED
THANKS.
PS:
FOLLOW ME PLEASE...
THANKS FOR READING
BINABASA MO ANG
MY AMNESIA BOY
Fanfictionsa mga istoryang nabasa ko unang pahina pa lang alam mo na kagad ang mangyayari unang pahina palang alam mo na kung paano tatakbo ang storya sa mga fairytales na nabasa ko lahat sila nagkatuluyan naging sila... yung sa amin kaya, ano mangyayari?
