DANIEL'S POV
DANIEL KELAN KA BA TITINO?! Sigaw saken ni lola Eva.
Ma, tama na nakakahiya na sa mga bisita naten. Ako na po ang bahala dyan sa bata na 'yan. Sabi naman ni Mama Karla. Danilo go to your room. Now!. Dugtong pa ni mama. Kaya pumunta na lang ako sa room ko. Pagkapasok ko sa room ko tinanggal ko na kagad yung coat ko. Maya maya dumating na si Mama
Danilo ano nanamang ginawa mo? Ha?! Tanong kagad ni mama
Wala. Sagot ko at humiga na sa kama ko ng basta basta.
Anong wala? Hindi basta basta magagalit yung lola mo kung wala kang ginawa. Sabi ni mama ng nakapamewang pa.
Natabig ko lang yung cake. Tapos! Sabi ko ng nakatingin sa kisame
Paano? Tanong ni Mama
Ha?
Paano mo natabig yung cake?
Nagkukulitan kame ng mga pinsan ko. Sabi ko
Eh bat parang ang babaw naman nung dahilan na yun para magalit si Mamá. Sabihin mo nga saken ano pa yung ibang dahilan? Sabi ni Mama
Eto na eto na sasabihin na nga ehh... nasapak ko si Mark. Ang kulet na bibwiset na ko sa kanya. Isip bata samantalang mas matanda lang naman ako ng isang taon sakanya. Pagpapaliwanag ko
Hindi ka na talaga nag bago. Bahala ka sa buhay mo. Pero please lang magtino ka naman. Sabi ni Mama at lumabas na ng kwarto ko.... Tumayo na ko at kumuha ng bag tapos nilagay ng konting damit. Kinuha ko na rin yung car key ko at lumabas na ng kwarto... Sumakay na kagad ako sa kotse ko at pinaandar pa puntang condo.
Nandito na ko sa condo ko, I mean ng barkada. Pumasok na ko at umupo sa sofa. Mukang wala sila ahh. Kaya pumunta ako sa mga kwarto nila may 5 rooms kase ito kaya malaki talaga.wala nga sila baka gumala nanaman yung mga yun. Text ko na lang.
To: Neil
San kayo? Dito ako condo.
Sent...
Maya maya
Fr: Neil
Dito kame sa Resto Bar naten. Kasama namen sila Yen. Punta ka kanta tau. Yung mga ka banda mo nandito na, kumakanta na.
Pagkabasa ko sa text ni Neil naligo na ulit ako. Tapos nag suot ng maong pants, v neck shirt, van at cap. Sumakay na ko kagad sa kotse ko at nag maneho papunta sa Resto Bar namen. Kame kase nag patayo nun. Kame lahat gumastos. I mean yung aken si lolo ang nag bigay. Sya lang kase nakakaintimdi sa aken eh. Kaya may pagka spoiled ako sakanya lahat ng kelangan ko binibigay nya. Yung kotse ko na two door galing sa kanya. Ayaw pa nga nila Mama yun eh. Pero mapilit si lolo kaya pumayag na din sila.
After 10 minutes nandito na ko sa resto. Hindi naman kase kalayuan ung resto sa condo namen.
Resto Bar
Pinark ko na kagad yung kotse ko at bumaba na.
Hi Sir. Good evening po bati saakin nung guard. Tumango na lang ako. Hinanap ko na kagad sina Neil. Nahanap ko naman kagad sila, nasa may counter at umiinom ng wine may kasama na yung mga girls... Lumapit na ko sa kanila.
Bro, musta? Tagal hindi nagpakita ahh. Bungad na sabe ni Neil saken at nag manly hug kame
Bro, matagal ba yun? Isang linggo lang hindi nagkita matagal na? Baka naman nababakla ka na kay Dj? Sabi naman ni Diego ng natatawa at nag manly hug din kame

BINABASA MO ANG
MY AMNESIA BOY
Fanfictionsa mga istoryang nabasa ko unang pahina pa lang alam mo na kagad ang mangyayari unang pahina palang alam mo na kung paano tatakbo ang storya sa mga fairytales na nabasa ko lahat sila nagkatuluyan naging sila... yung sa amin kaya, ano mangyayari?