MAB: 9 BACK TO SCHOOL

18 0 0
                                    

DJ'S POV

Nandito na kame sa room namen kasama ang barkada. Dumating na si Ms. Ortega

Good morning class. May ergent meeting kame. So class may activity kayo, pairing toh kaya kayo na rin bahala mamili ng kapartner nyo. Any questions? Tanong ni Ms. Ortega

Ms. Ortega, what kind of activity? Tanong ni Julia

You have to perform a song. Bale ang pairing is boy and girl. Next week kayo magpe-perform.okay? Sabi ni Ms.

Okay po. Sabi namin

Class dismiss. Sabi ni Ms.Ortega at lumabas na ng room namen. Nagtanungan na kaagad ang mga kaklase namin kung sino pede nilang maging partner. Sinong magiging partner ko? Nakita ko ang barkada mgakakapartner ang magg-gf at fb. Nakita ko si Kath nakaupo lang at nakatuon ang buong atensyon sa notebook at nagsusulat. May lumapit sa kanya at kinalabit sya, pero nakatuon pa din ang atensyon nya sa notebook.

Kath, pwede ba tayo na lang partner? Tanong ni John. Pero hindi pa din sya pinapansin. Kath.ulit pa nya.

Ha?! Ano yun? Tanong ni Kath

Pwede ba ikaw na lang partner ko. Sabi ni John.

Ha? Saan? Tanong ni Kath na halatang hindi nakinig kay Ms.

Kung pwede ba- hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya.

Hindi pwede eh. Kami partner ng girlfriend ko. Diba Babe? Sabi ko. Kase nga diba ang alam nila kame ni Kath. Tyng sa babe naman para maniwala sya... pgkasabi ko ng babe kinurot ko sya sa tagiliran kaya napa AWWW sya. At tumango na lang. Saka umalis na si John at nagkamot ng ulo... nakita ko naman si Kath na nakatingin saakin at teary eye sya. Pagkatingin ko sa kanya nahagip ng mata ko ang notebook na pigkakaabalahan nya. At ang tanging nabasa ko lang ay Dear DIE,
Nakakasama nga kita, pero parang wala lang din. Mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon. Hindi ko alam pero biglang bumilis tibok ng puso ko.

DJ, ano ba yung sinasabi nyong partner partner na yan? At bakit mo sinabi na G-girlfriend mo ko at lalong lalo na yung b-babe? Sabi nya. Nakita ko naman na tumulo na yung luha nya sa kaliwang mata pero pinunasan nya din kaagad.

Wala lang yun. Para hindi ka nila pagtripan. Kilala ko mga tao dito. Pati hindi naman pwedeng maging tayo, pagpapanggap lang yun Kath. Okay lang ba sayo?

Oo nga pala may hinihintay ka.... s-sige o-okay lang.... A-alis muna ako. Sabi nya ng tumutulo na ang mga luha nya. Na offend ko ata sya. Sng tanga mo talaga DANIEL. Inayos kaagad ni Kath ang gamit nya at umalis na.

KATH!! DJ anong pinagsasabi mo kay Kath? Bakit sya umiiyak? Sabi ni Yen.

Ha? Wala naman ako sinabi ah? Sabi ko.

DJ! ANONG WALA KANG SINABI? NARINIG KO PINAG USAPAN NYO! KUNG ALAM MO LANG NANGYARI SA KANYA 2 YEARS AGO! KUNG ALAM MO LANG! OO NGA PALA WALA KANG ALAM. KASE HINDI MO INAALAM. HINDI MO MAALALA. Sigaw ni Nadine sa akin at lumuha na. Sinampal nya ko ng malakas. Kinuha nya yung bag nya para umalis na pero may binulong sya saakin. Alam ko matalino ka, pero hindi ka tanga. Kaya alalahanin mo ang lahat. Ang utak nakakalimot pero ang puso hindi. Then she left me hangging. ang lakas ng impact saakin ng mga sinabi nya. Sumakit na lang ang ulo ko

Then everything went black.

NADINE'S POV

Umalis kagad ako, para puntahan si Kath. Alam ko nasasaktan sya. Nasasaktan sa mga nangyari. Mga pangyayaring hindi inaasahan. Kilalang kilala ko na si Kath. Lalong lalo na kapag umiiyak sya. Gusto nya pumunta sa matataas na lugar at gusto nya din mapag isa. Pero alam ko hindi nya kayang mapag isa ngayon. Kailangan nya ko. Kailangan nya si DIE na kinalimutan sya.... Nag isip muna ako kung nasaan sya. sa Rooftop. Sa rooftop kase kame laging tumatambay, kahit nung nasa dati pa nameng school. Kaya pumunta na kagad ako. Nakita ko sya. Iyak ng iyak. Sa araw-araw na magkasama kame lagi ko na lang siyang nakikitang umiiyak. Umiiyak sa sakit na nadarama nya. Nilapitan ko na sya.

Ate!! Sabi nya at humagulgol na sa pag iyak.

Shhh. Tama na.

Ate! S-sawang s-sawa na k-kong umiyak. Sabi nya.

Gusto mo ba na bumalik na tayo ng London?

Ayoko A-ate. A-ayoko. Sabi nya.

Alam mo namang sawang sawa na kong makita ka na umiiyak diba? Kaya kapag nakita kitang umiyak ulit. Hindi ko na sasabihin sayo, at kakaladkarin na kita papuntang London. Ayoko ng nakikita ka na nasasaktan. Nagkakaintindihan ba tayo?

O-opo. Sabi nya at pinunasan na ang mga luha nya. Hinalikan ko na lang ang noo nya. Mahal na mahal ko si Kath bilang kapatid. Kahit ampon lang ako. Hindi nya ko tinuring na iba. Maya-maya nakatulog na si Kath sa balikat ko. Magcu cut na lang kame ng class..... Makalipas ang ilang minuto nagvibrate ang phone ko. May tumatawag (nakasilent po kase nga may klase dapat sila hehehe) pagtingin ko si Miles

(Nadine-Miles)

Hello? Bakit?

Nasaan kayo?

Sa rooftop. Bakit ba?

Ano kase si DJ.

Ha? Ano?

Basta pumunta na lang kayo dito sa ***** hospital.

Hindi pwede.

Bakit naman?

Kailangan ako ni Kath ngayon.

Ha ano naman nangyari kay Kath?

Sabihin ko sayo mamaya, punta ka sa condo na toh #026. 7 pm sharp. Girls only. Bawal ang boys. Sige na bye.

Bye.

-end of convo.

Kahit magalit si Kath, wala akong pake kelangan na malaman ng girls ang mga nangyayari. Para ma protectahan din sya. Para sa kanya din itong gagawin ko.

MY AMNESIA BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon