:01

67 6 1
                                    

"YNAAAAAAAAA!" Tawag ko sa bestfriend ko nang makita ko s'ya sa may gate. Kasama ang crush ko?! WTH?! Eme.

"Grabe ka Ysa, yung boses mo abot hanggang doon sa palengke. Grabe ang lakas." Sabay hampas nang mahina sa ulo ko. Napakasadista talaga.

"Ano bang pakialam mo? Babatiin sana kita ng good morning pero mukhang hindi na good ang morning mo." pagalit na sabi ko sa kaniya habang naka-nguso.

"Oo, dahil sa'yo."

"Ah! Talaga lang ah?! Paano pa kaya ako?! Sira na nga ang umaga ko, lalo mo pang sinira! Buong araw na akong badtrip nito!"

"Oh ano namang pakialam ko? Saka inaano ba kita?"

"Kasama mo lang naman po ang crush ko ngayon at s'ya pa talaga ang pinagbitbit mo ng bag mo ah? Mukha ba 'yang alipin? Kung sa'yo mukha s'yang alipin, sa'min mukha kang kawal!" Naka-ngusong sabi ko at inirapan s'ya. Bigla n'ya akong binatukan. Pu-! Sakit!

"Aray ko naman! Bakit ba ang sadista mo ngayon?! Nakakailan ka na ah!" Inis kong sabi habang hinihilot ang batok ko.

"Gago ka talaga. Malamang kuya ko ata 'yang crush mo." Mas inis n'yang sabi habang kinukuha ang bag niya sa kuya niya at umakyat na papuntang room. Iniwan ako? Okay lang kasama ko naman kuya n'ya. Iuwi ko kaya 'to sa bahay? Blessings in disguise na ata ito. Baka sign na para magpakasal kami.

"Good morning, Kuya Kian!" Masiglang bati ko habang ngiting-ngiti.

"HAHAHAHA good morning, Ysa. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yong huwag mo na akong tawaging kuya?" Tatawa-tawang sabi n'ya.

"Edi baby na lang." Banat ko. Boom panes!

"Baby, I like that... But I like you more." Bulong n'ya sa'kin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha. Tanginang banat 'yan, sarap halikan eh.

Biglang sumakit ang ulo ko. "Ay letse! Ano ba naman, Yna? Kinikilig na ako eh." Iritang sabi ko habang tatawa-tawa. Sayang.

"Iyan ka na naman sa kaka-imagine mo. At ako? Mukhang kawal? Hindi kita ilalakad r'yan kay kuya." inirapan niya ako at tinalikuran. Dali-dali siyang naglakad papuntang room.

"Hoy joke lang, ito naman hindi mabiro HAHAHA! Hayaan mo na, ikaw naman ang piiiinaka-magandang kawal na kilala ko." Lumambitin ako sa braso n'ya at tumalon-talon.

Napahinto s'ya at galit na tumingin sa akin. "Anong sabi moooo?!" Galit niyang sigaw. Humakbang ako paatras at saka tumakbo.

Tiningnan ko si Yna na parang torong pasugod sa'kin "Sorry na Yna. Ikaw kase sinira mo ang imagination ko!" Sigaw ko at mas binilisan ang takbo. Kapag naabutan kasi ako noon, hindi ko na mapapakasalan ang kuya niya dahil nakalibing na ako. Hays.

Imaginary YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon