"Kumusta ka?" Biglang tanong ni Yna. Huminga ako nang malalim bago umub-ob muli.
"Hindi ko alam. Hindi ko na alam." Iiling-iling na sabi ko. Tumunghay ako at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nila.
"Walang kaaway si mommy kaya paano 'yon nangyare? Napakabait n'ya, para na nga s'yang anghel eh." Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Nagulat ako nang niyakap ako ni Kairo.
"Everything happens has a reason, Ysa. Magpakatatag ka, kaya mo 'yan. 'Wag ka masyadong mag-overthink, baka makasama sa'yo 'yon." Sabi ni Kairo at humiwalay sa pagkakayakap sa'kin.
"Yeah. Wala naman akong magagawa kung hindi ang magpakatatag. As if namang may choice ako." Tumulala na lang ako sa kisame. Ramdam ko ang pag-aalala nila sa akin. Kahit anong gawin kong hindi pag-iisip, hindi nakakatulong. After noon, madalas akong lutang at kung saan-saan napapadpad. One time, para akong nasa langit.
"Nakikita mo pa ba yung lalake sa imagination mo? O baka nananaginip ka lang nang gising?" Pagbubukas ni Kian sa topic.
Umayos ako nang pagkaka-upo. "Hindi ako nananaginip nang gising, Kian. O kung imagination man 'yon, para talagang totoo. Hindi naman ako mag-iimagine ng gwapong mas mataray pa sa akin 'no. Ano 'yan? Enemies to lovers trope? Iw naman. At! Bakit may mukha s'ya sa imagination ko 'di ba? Detailed na detailed! Ikaw? Kaya mo bang gumawa ng detailed na mukha sa imagination mo? 'Di ba hindi?" Sunod-sunod na sabi ko.
Totoo naman eh. Imposibleng makalikha ka ng imahe mula sa utak mo nang ganoong kalinaw at boses na hindi mo pa naririnig kahit kailan.
"Malay mo, nakita mo na s'ya dati tapos hindi mo lang matandaan. Alam mo 'yon? Ini-imagine mo s'ya kase nakita mo na. Hays, ewan ko." Sabat ni Krien habang naka-tingin pa rin sa libro n'ya.
"It's still impossible to get what exactly his features is when you just throw a glimpse on him. Maybe you'll remember but not that detailed." tugon ko kay Krien.
Lumipas ang mga oras at natapos na ang klase namin. Hanggang sa bahay ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Krien. Paano nga kung nakita ko na s'ya dati? Eh saan ko naman s'ya makikita eh pang-ibang bansa o planeta yung features niya? Walang ganoon kagwapo rito sa Pinas ano? I mean, I've never seen a face like that before. He's just so unique that you can't compare to anyone. Even on celebrities.
"Hoy! Ysabella! Ano ba't lutang ka na naman d'yan? Magluto ka na ng hapunan at baka dumating na ang pinsan mo, wala pang pagkain!" Sabay pingot sa'kin ni Tita Amy.
"Aray ko, Tita! Bakit po ba hindi kayo ang magluto? Baka nakakalimutan ninyong bahay pa rin namin ito?" pagtatanggol ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang tainga ko.
"Baka nakakalimutan mong ako ang pinamahala rito ng daddy mo at s'ya ang nagpatira sa amin dito." pagtataray n'ya habang nakapamewang.
"Pinatira kayo ni daddy rito para may kasama ako. Kahit kapatid ka pa n'ya, wala kayong karapatang alipinin ako. And Tita Amy, FYI ako dapat ang pinagluluto ninyo, that's why daddy called you. To look after me. Baka gusto ninyong sabihin ko kay daddy ang ginagawa n'yo sa'kin? Knowing daddy, mas paniniwalaan n'ya ako!" Mataray kong sabi. Nagulat ako sa nasabi ko. Nakita ko ang gulat at takot sa mukha ni Tita.
I didn't mean to scare her like that. These past months, napapansin kong ang bilis ko mairita. And yet, what I did was right. Hindi sa lahat ng kwento ang tunay na anak ang naaagrabyado. Hindi ko igagaya ang kapalaran ko tulad sa mga nababasa ko sa libro. Tinalikuran ko s'ya at umakyat na sa kwarto ko.
Pabagsak akong dumapa sa kama. Kinuha ko ang unan ko at doon umiyak nang walang ingay.
"Mommy balik ka na rito. Nalulungkot na ako nang sobra. Wala na akong kachismisan tuwing dadating ako galing sa school. Wala ng nagluluto para sa'kin. Wala na akong kakampi. Mommy, nahihirapan na ako. Miss na miss na kita. Saan ka ba kasi pumunta?" Humihikbing sabi ko. You just vanish into thin air without leaving a trace. Where are you, mom? Where are you?
Dahil sa sobrang pagod at dahil na rin sa pag iyak ay nakatulog agad ako.

BINABASA MO ANG
Imaginary You
Fantasy"Why do you only exist in my imagination? Why do you need to enter my life and take my heart even you know I would leave you behind? "