I'm here at the school backyard. The sound of the trees and chirps of the birds make me calm. It is my secret place. I often come here to relax and ease my mind. There are so many things happening to me after that incident, I need to escape sometimes. The touch of the wind make me feel like I'm floating. Wait, what?! Nakalutang ako?
Tinitingnan ko ang hinigaan kong damo kanina. Nakalutang nga ako! May powers ako, ang galing.
"That is not a power, woman." Nakarinig ako ng boses na parang isang lalaki kaya hinanap ko kung saan ito nanggagaling. "Can't you see my handsome face? Over here, Ms. Trespasser!" Sigaw niya. Tiningnan ko s'ya habang nakasandal s'ya sa may monkey bars.
Natigilan ako ng makita ko siya. Tinitigan ko s'yang mabuti para malaman ko kung nakita ko na ba s'ya. "Bago ba s'ya rito sa school? Mukha s'yang anghel. Kulay asul ang mga mata niya, matangos at perfect ang ilong, maninipis at mapupula ang mga labi, bagsak pero malinis tingnan ang buhok. Napaka-amo ng mukha niya. Matangkad, may pagka-payat pero malalaki ang muscles. Hays, may mala-anghel na mukha pero may demonyong ugali. Anghel pero anak ni Satanas." Sabi ko sa isip ko.
"What?! What kind of thinking is that?!" Singhal n'ya. Pumitik s'ya at nahulog ako.
"Kyaah!" Sigaw ko.
"Ay potek! Hoy Ysa, kanina ka pa ah. Nagsasalita ka r'yan mag-isa at sinasabi mong anghel na anak ni Satanas? Tapos bigla bigla kang sisigaw?! Itigil mo 'yang daydreaming at pag-iimagine mo." alog sa akin ni Yna. Kahit naiirita ang tono niya ay nakikita ko pa ring nag-aalala na siya sa akin.
"Huh?" Nalilitong tanong ko. Imagination lang 'yon? Bakit parang totoo?
"Ay abnoy! Nagsasalita ka po r'yan mag isa, kanina pa." pang-aasar n'ya ulit.
"Saglit. Kanina pa ba tayo rito sa room?" Tanong ko nang mapansing nasa room na pala kami.
"Oo, kanina pa. Ysa bakit ba palagi kang lutang? Pa-check up ka nga. Baka may sakit ka HAHAHA!." Biro ni Kian. Hays. Nakakahiya. Bakit ba sinabayan niya pa si Yna sa pagpasok eh ahead naman yung age n'ya sa'min?
"Oo nga Ysa. Nakakatakot ka. Baka bigla mo na lang kaming sapakin habang nag iimagine ka HAHAHA!" loko rin ni Kairo.
"Kapag hindi ka tumigil, sasapakin talaga kita" iritang sabi ko at hinaya ang kamao ko sa kaniya. Tumigil s'ya pero halata pa rin ang pagpipigil niya ng tawa.
"Tama na iyan, baka umiyak si Ysa HAHAHAHA!" sabi ni Yna at sabay-sabay silang nag-tawanan.
"Bakit ako iiyak? Grades ba kayo?" pataray kong sagot.
"Tama na iyan. Hindi na kayo nasanay r'yan. Parang baliw palagi. Nagsasalita mag-isa ampota." Singit ni Kriencier
"Mga gago!" Inis kong sabi sa kanila. Lintek naman kasing anghel na anak ni Satanas. Kasalanan n'ya ito eh.
"My fault?! How come? Be careful with your words. And for you information, I'm not the son of that demon, Ms." Hinanap ko kung saan nagmula ang tinig n'ya. Hanggang sa mapansin kong ako lang pala ang nakarinig. Huh?

BINABASA MO ANG
Imaginary You
Fantasy"Why do you only exist in my imagination? Why do you need to enter my life and take my heart even you know I would leave you behind? "