Chapter 4: Sagad Sa Buto!!!

43 2 0
                                    

CASSIE:

Ughhhh!!!! Bwisit talagang lalaking yun! Lagi na lang pinepeste ang araw ko! Pag ako talaga makaganti sa kanya! Haha! Tingnan lang natin kung guguluhin pa niya ang araw ko!!!

*katok*

Oh sino naman to!

*katok*

"Bukas na yen kaya wag mo ng hintaying ako pa ang magbukas para sayo!" Naiiritang utos ko sa kung sino man yung kumakatok...

Nanginginig naman sa takot na pumasok yung Co+officer ko na si Shammy na madalas nabubully kasi mataba ito at malaki pa yung eyeglasses na suot na kulay rainbow! Seriously??? O_O

Napataas naman ang kilay ko na mas lalong nakadadag ng takot

"S-SoRry po Ms.Pres kung nakakaabala ako! May na-naiwan lang po akong gamit!" Mahinang sabi niya na nakayuko lang saka dali-daling kinuha yung naiwan nga niyang gamit

"S-sige po mauna na po ako sa inyoh!" Paalam nito saka mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ito sa Office!

Hayz! Hanggang kelan ba nun kakayanin ang mga pang-aapi ng ilang kaschoolmate namin sa kanya!

Oo mataray ako minsan sa kanya kasi naman gusto ko lang turuan siya kung pano maging matapang ng hindi na siya magiging-LaughingStock ng mga barumbadong schoolmates namin! Pero WALA pa ring pagbabago! Kesyo takot daw talaga siya!

Naku! Talaga naman !!!

"Kuya Calling*

"Yes Kuya?" Sagot ko

"Saan ka na?" Tanong ni Kuya sa kabilang linya

Napasapo naman ako sa noo ko! Paktay! D ko pala nasabi kay Just na hindi ako makakasabay pauwi!

"Ahmm! Kuya kasi May Detention po ang maladyosa nyong kapatid dahil sa nalate po ako kanina remember?" Sabi ko sa kanya at hindi nga rin pala ako nakasabay kaninang umga sa kanila kasi ayaw ko namang malate din sila! Kaya nagItaxi na lang ako na sa kasamaang palad eh naubusan ng gasolina yung Mamang Driver :3 oh pag-kadyosa ka nga namn ng Kamalasan...

"Hihintayin ka na lang namin ni Justine!" Sabi ni Kuya

"Ay naku Kuya salamat na lang! Mauna na po kayo! Ayos lang ako at saka haler baka nakalimutan po ninyong mas lalaki pa ako sayo! Haha joke lng! Takot lang nila sakin kung yun ang ikinabahala mo Kuya" sabi ko na habang natatawa!

Kasalukuyang naglalakad na din ako patungo sa Library

"Ikaw talaga puro ka din kalokokohan!" Natatawang sabi nman ni Kuya

"Oh siya! Mag-ingat ka ah! Pag hindi ka pa nakauwi ng 6:OO pm Tatawag na ako ng NBI para hanapin ka!" Dugtong pa niya habang tawang-tawa naman ako!

"Grabi naman Kuya NBI agad? Dba pwedeng FBI para mabilis ang paghahanap sakin? Hahaha" hirit ko naman sa kanya!

"Ate kahit hindi ka na mahanap tiyak magkakasundo tayo! Wahahaha!" Singit naman ni Justine na tuwang-tuwa pa sa biro nito tsk

-_______-

"Hoy! Pototoy kah! Humanda ka sakin mamaya pag-uwi ko! Magtago ka na sa kabaong mo kung ayaw mong ibaon kita na walang kabaong!" Sagot ko naman sa kanya!

"Blehh!" Tanging sagot niya!

"Oh tama na yen! Kayo talaga! Siya Cass mauna na kami! Tumawag ka pag hindi ka pa nakasakay ah!" Bilin naman ni Kuya

"Yes po Master! Haha! Ingat din kayo! At paki-hulog sa kanal si Pototoy kuya ah tnx!" Sabi ko

"Aish! Ate wag nga Pototoy eh!" Iritadong sagot nito

B-I-T-T-E-R si AKO P-A-K-I MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon