Chapter 11:

6 2 0
                                    

CASSIE:

"haixxt... bwisit na lalaking yun!" pagmamaktol ko pagkatapos kong maglinis at saka lumabas na.

Nakita ko naman ang patpating lalaki na naghahanda ng pagkain sa mesa. Nakamasid lang ako sa kanya habang paroo't parito siya. Ano kayang problema ng isang to? wait meron ba? para ngang wala eh... I wonder kung nakakaramdam pa ba ito!

"Stop scrutinizing me..." biglang sabi nito na nakatalikod pa sa kanya.

"Wow gara...may mata ka sa likuran mo? tss.." sarkastikong sagot ko sa kanya saka lumapit sa mesa.

"Even without having an eyes on my back I know what you were doing and what you've been thinking" walang gatol na sagot nito sa kanya

"Oh spare me with those used up lines...So what's this?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko ang mga pagkain na nasa mesa... (Gah! ito ba yung ipapakain niya sakin? seriously?)

"Pagkain! ano pa nga ba?" sagot nito sabay umupo na sa kabilang upuan.

"You're not serious, right?" paninigurado ko sa kanya

"Alam mo, kung ayaw mong kumain bahala ka! hindi naman ako ang mahihimatay sa gutom!" walang emosyong sagot nito habang nilantakan na ang pagkain nito.

"Eh kasi naman ! Anong klaseng pagkain ba yang mga iyan huh? sigurado ka bang malinis iyan huh? paano kung may--"

Napatigil si Cassie ng marahas na inilapag sa mesa ni Alaric ang kanyang kutsara at tinidor.

"Kung ayaw mong kumain, umuwi ka na sa inyo! ikaw na nga ang tinutulungan at pinapakain , ikaw pa itong maraming reklamo!" sagot nito sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.

(O siya! galit na siya sa lagay na iyan! sheyte naman! ano ba kasi ang naisipan ko at sumama pa ako sa taong hindi ko naman kilala! At saka hello? hindi ko nga alam ang pangalan ng mga ulam na ito eh...yung kulay golden brown yung isda, yung isa naman may tubig na isda!)

ALARIC ZED:

Pinagmamasdan ko lang ang babaeng kasama ko ngayon habang tinitingnan niya ng maigi yung tuyo at isdang paksiw na nandidiri! halatang mayaman nga siya ni hindi niya alam kong paano ito kakainin dahil ginamitan niya yung tuyo ng tinidor at kutsara.

"Wala bang canned goods dito? pwedeng yun na lang ang kakainin ko?" nagmamakaawang tinignan niya ako at hindi pa rin siya nakakasubo ng kahit isang kutsara lang.

"Wala!" matipid kong sagot. Narinig ko siyang nagmamaktol.

"Ganito ba siya kahirap at ni canned goods wala siyang pambili?tss.." dinig ko mula sa kanya"

"Eh may tindahan ba dito? bibili na lang ako! pahiram muna ng pera saka ko na lang babayaran pagdating natin sa school!" hoping na tanong nito sa akin

"May nakita ka bang tindahan sa paligid kanina? at isa pa wala akong pera kung meron mang tindahan dito!"

"Ano ba iyan! nananadya ka ba huh? at lahat na lang WALA!" naiiritang sagot nito

"Ano ba ang gusto mong gawin ko? sa wala naman talaga! gusto mo bang magtatae ako ng pera at tindahan para tumigil ka na sa kakabunganga mo?"mariing sagot ko sa kanya!

Nakakaubos pasensya talaga ang babaeng to!

Akmang nadudura naman ito sa sinabi ko! psh...

"Kelangan mo pa talagang sabihin yun noh? ang galing! hindi na nga ako makakain tinodo mo pa!" sarkastikong saad nito

"Kumain ka na lang at isa pa hindi iyan ginagamitan ng kutsara at tinidor! kinakamayan yan!" sabi ko naman

"Yucks!!!! nagloloko ka ba? Don't you know that our hands have millions of germs?" maarteng reklamo nito.

"Ang dami mong satsat! kung gusto mong makakain sundin mo na lang! tss.. marumi pala ang kamay mo! ngayon alam ko na!" sagot ko sa kanya at nanlilisik naman ang mata nito na nakatingin sa akin.

"Excuse me, germ-free tong mga kamay ko noh baka sayo!" birada niya

"Sige nga! patunayan mo nga magkamay ka nga!" hamon ko sa kanya.

"Teka-"

"Sirit ka na agad? totoo naman pala eh!" sabi ko naman ng akmang aangal pa siya.

"OKay Fine! I'll do it!" mariing sagot niya.

Napapikit muna ito saka binitawan ang hawak na kutsara at tinidor saka kinamay ang tuyo at sumubo ng kanin!

"Tss.. susunod nnaman pala!"

"hmmmm....masharhap nhamhan phalah..." sabi nito na maraming pagkain pa sa bibig

"Mayaman ka nga wala ka namang manners sa pagkain!" sabi ko sa kanya. Kaya lumunok muna ito at saka nagsalita.

"Sorry huh! ikaw na ang saksakan ng kabaitan! tss..."

"Bumabait ka kapag maraming pagkain sa bibig mo! hala kumain ka pa!" sabi ko sabay abot sa kanya ng isang pinggang kanin.

"Tss..." tanging sagot niya at sumubo ulit ng kanin at sabay kuha ng isa pang tuyo! at akmang isasawsaw niya ito sa patis.

"Huwag mong isawsaw sa patis yan! Bawal yan kapag may ano ka! A---alam mo na!"

"Huh? sino naman may sabi?" takang tanong niya.

"Ako!" simpleng sagot ko sa kanya habang tinitingnan ko siya kung paano niya nilantakan ang pagkain niya na para bang wala nang bukas tss..

"Labo mo!" reklamo niya at nagpatuloy na naman 

"tss ang takaw mo naman!'

"Ang sharap phrah nhito!" sabi niya na may laman pa yung bibig niya 

"Mayaman ka nga wala ka namang manners!" komento ko sa kanya

"Ay sorry huh! di ako katulad mo saksakan ng kabaitan! tss..." sarkastikong sagot niya tss.. mabuti pa talagang may laman ang bibig nito ng hindi na makapagkomento pa

"Kumain ka nga lang!" sabi ko sabay abot sa kanya ng isang basong tubig dahil para na itong baboy sa inaasta nito at agad naman niya itong nilagok

"teka nasusuka ako!'  sabi niya hawak yung tyan niya pagkatapos

"Nasobrahan kasi sa katakawan kaya ayan! oh ito para hindi ka masuka!"

"Wow! thank you huh! tao ka din pala!"

"tss..para kang timang" komento ko habang pinipigilan kong matawa sa pagiging sarcastic niya.

"OMEMGII!! Hala siya oh nagreact ka nah! congratz achievement yan!" tuwang-yuwang saad nito sabay pang pinsil ang magkabilang pisngi ko na agad kong hinawi.

"Aish.. ano ba! makatsansing ka naman dyan!" saway ko sa kanya.

"Hala siya! feelers ka ah! pweeh wake up dude! :-p" parang batang bumelat pa siya sa akin..









B-I-T-T-E-R si AKO P-A-K-I MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon