ALARIC ZED:
"Tss...akala ko ba may manners yung mga mayayaman"
"Tss...pagkatapos mong kumain ligpitin mo yan! Pumasok ka lang dun sa bandang kaliwa at may kitchen sink dun, may SABON at SPONGE rin at pagkatapos mong hugasan ilagay mo dun sa katabing lalagyan para patuyuin! Naiintindihan mo ba?" sunod-sunod kong utos sa kanya.
CASSIE:
Napatunganga lang ako sa magkasunod niyang utos. Like what? Me? Uutusan niyang gumawa ng gawaing bahay? No freaking way! Not in my wildest dream!
"Nagpapatawa ka ba?" sarcastic kong tanong sa nakatayong lalaking.
"Do I look like a clown?" ganti naman nito sa tanong ko. He's really damn serious! I'm so not gonna let him do this to me! Kaya tumayo ako at nakipagsukatan ng tingin sa kanya.
"Look! Nagpapasalamat ako sa tulong mo sa akin sa araw na to but you have no right to boss me around just like that!" mariing sabi ko sa kanya.
"Gusto ko ding linawin to sayo! Una, pinatuloy kita dito dahil sa tinawag ka ng kalikasan!" umpisa niya
"Ah hindi pala mas nauna ka pang pumasok kesa sa may-ari ng bahay at nagdemand ka pa ng kung anu-ano na nakakarindi sa tenga! Pangalawa, yung pagkain at ulam ko inubos mo, hanggang hapunan ko pa sana yun! Kaya bilang ganti mo sa akin ligpitin mo yung pinagkainan natin. Take note wala ng libre sa mundong to!" mahabang litanya niya
" Ano tutunga ka na lang diyan? O baka kelangan ko pang itranslate yun sa ingles?" nanunuyang sabi niya sa akin
"Fine! But let me tell you this Mr. ( tingin sa kabuuan niya) oh-so-mighty-dead-walking-stick, you'll pay for doing this to me !" pagbabanta ko sa kanya.
Naniningkit yung mga mata niya habang palapit siya ng palapit sa gawi ko.
"What are you doing?" nahintakutang tanong ko habang pilit na lumalayo sa kanya
Napapikit na lang ako ng lumapit yung mukha niya sa'kin!
(Isang pagkakamali lang ng hinayupak na ito talagang makakatikim na to sakin! God forgive me sa mga naiisip kong gawin sa kanya)
"Tsss..." ang siyang tanging narinig ko lang kaya nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita ko na lang papalayong rebulto niya"Watduh!"
"Baka gusto mong iwanan na kita dito?" Nagulat naman ako ng bigla siyang lumabas sa lungga niya lintek ambilis niyang magbihis ni hindi pa nga ako nakapaghugas eh...
"Ikaw kaya ang magligpit!"supladang wika ko sa kanya
"tsss..paano na lang kung mag-aasawa ka na! Tapos di ka marunong sa mga gawaing bahay edi pinapabalik ka ng magiging asawa mo sa inyo!" Sabi naman niya bigla
(Ano daw?) 😲
"Asawa agad?" Sabi ko naman
"Sinasabi ko lang yung kahihinatnan mo kapag ganun!" Sagot niya
"Sus! As if naman mag-aasawa ako! Eh yung pagkakaroon nga ng boyfriend nakakadagdag lang ng problema nakakawalang gana nakakasawa at sakit lang yan sa damdamin pag-aasawa pa kaya! No thanks!" Sabi ko naman saka nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan sabay abot sa kanya.
"Masyado ka lang Bitter sa ngayon kaya mo yan nasabi!" Walang gatol na saad niya.
"Hindi ako Bitter okay! I'm just stating the fact!" Ganti ko
"tss...bitter ka na nga denial ka pa! " segunda niya
"Hindi nga sabi eh!" Galit kong sabi sa kanya
"Hindi? Eh galit ka nga dyan! Mga babae talaga!"
"Oo na! Bitter na kung Bitter! Eh paki mo naman ha! May magagawa ka ba?" Sabi ko sa kanya ng mariin
"Wala akong magagawa para sayo pero ikaw may magagawa ka para sa sarili mo!" Mahinahong sagot niya sabay kinuha sakin yung mga pinggan
"Mag-ayos ka na baka malelate pa tayo! Ako na lang tatapos dito baka maisipan mong basagin ito!" Dugtong niya nang di ako nagsalita
"Psh...yung mukha mo yung gusto kong basagin! Tsk!" Sabi ko sabay walkout sa kanya
Okay na sana eh kaso may nabasa ako sa isang wall na nakalagay "Don't be a Bitter version of you! Be a Better version of yourself!" Psh 😣
Bakit ba pinapamukha nilang ang bitter ko? 😔 masama ba?
A/N: Pampatanggal stress haha kakatapos lang ng defense sa minor namin lels 😁
lalalalalala.....The heart that truly loves never forgets....Thank you for the fond memories.....medg
BINABASA MO ANG
B-I-T-T-E-R si AKO P-A-K-I MO?
Fiksi RemajaSabi nila ang mga taong nagsasabing walang ForeVer ay ang mga taong BITTER! ! Paano kung dumating sa buhay niyang muli ang kababata niya na hindi niya kaclose na lihim siyang minamahal dati pa? At makatagpo niya ang isang love Hater na kailanman a...