Credits to: Jpaas yung gumawa ng BC nito thank yah :)
A/N: wala na ata pumapasok na idea sa isip Ko! Wala akong maisip sa lahat ng story na ginawa Ko...kaya hala sige tapusin na! Lolxx....matagal talaga ako mag-update kc tamad ako + wala ako sa mood kadalasan...wala din sa mood magbasa...
JOSHKIM:
Alam mo yung feeling na halos katabi mo na ang taong pinapangarap mo dati hanggang ngayon? Grabi pinagpawisan na yata ako dito sa pagda-drive!
"Anong nangyari sayo?"Biglang tanong ni Cass sakin na nakataas na naman ung kilay! Tsk...
Sh*t nahuli pa ako sa aktong pinapaypayan yung sarili ko! Ano ba yen!
"Ah?! Huh! Wa-la! M-may ano kasi ahm...bumubuo ako ng kanta sa isipan ko at alam mo na nakagawian ko na din ang sabay na pagkumpas ng kamay sa ere!" Palusot ko naman sabay kamot sa buhok ko....
Hay Grabi JK Ikaw na talaga! Ang galing mong mag-isip ng dahilan,,,,!!! Tsss...
Umirap lang siya sakin saka nagpatuloy sa patingin-tingin sa nadadaanan namin...
"TsSs...whatever!..just drive and keep your eyes on the road if you want us to get home both alive!" Sabi niya na walang kaemo-emosyon
Suplda din!
Haixxt...bakit ako lang yata ang na-aawkward saming dalawa?
Malamang Ikaw may gusto ka sa kanya! Eh siya gusto ka ba? Ano naman magiging ikaka-awkward niya?
Sita naman ng isipan ko!
Mag-attempt ka kaya ng conversation nyo! Baka natutuyuan na siya ng laway oh! Hirit pa nitong isipan ko... Galing mo! -__-
"Ca--"
Ayun! Ang galing mo mag-isip! Tsk!
Hindi ako pinagpatuloy ni Cass sa sasabhin ko dahil agad niya akong pinapa-Zip Your Mouth!
"Sabi ko nga!" Inis ko namang sabi sa sarili ko...
Maya-maya ay nagpasya na lang akong magpatugtog!
Ng pumailanlang ang tugtog na
Nagulat na lang siya ng bigla itong patayin ni Cassie...
"Te-teka! Bakit mo pinatay?"Inis niyang tanong kay Cass
Madilim na mukha naman ang nakikita niya kay Cass! Problema nito? Dahil lang sa kant----
Aish!!! Bakit hindi ko naisip yun? Baka themesong nila un! Eh malay ko naman kung kanta nilang dalawa kung sino mang damuhong yun!
"S-sorry hindi ko naman alam na-" umpisa ko pero sumabat siya agad...
"Just drive!" Mariing wika ni Cass at may nababakas akong napaluha na naman ito...
Ganoon ba talaga ito nasaktan ng damuhong iyon? Sobra ba niyang mahal yun at apektadong-apektado siya?
Grabi parang gusto kong manuntok!!! -______-
Kapag nakita ko talaga yun baka hindi na yn aabutin sa hospital! TssssS...
Kahit ang tahimik ng biyahe namin ay naka-abot na din kami sa bahay nila...
Automatikong bumukas ang gate nila ng makita ng CCTV na si Cass ang nasa loob ng Kotse ko
Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila ang llawak ng garden ang agad mong mapapansin na may malaking fountain sa gitna nito...
At kailngan pa naming umikot sa lawak ng garden nila... At nakaabot na nga kami ilang minuto sa tapat na mismo ng bahay nila...
Kung gaano kalaki at kalwak ng garden nila ganoon din ang mansyon ng De La Fortez!

BINABASA MO ANG
B-I-T-T-E-R si AKO P-A-K-I MO?
Teen FictionSabi nila ang mga taong nagsasabing walang ForeVer ay ang mga taong BITTER! ! Paano kung dumating sa buhay niyang muli ang kababata niya na hindi niya kaclose na lihim siyang minamahal dati pa? At makatagpo niya ang isang love Hater na kailanman a...