Photograph (FaTunay Tandem)

757 14 3
                                    

Look and think before opening the shutter. The heart and mind are the true lens of the camera. - Yousuff Karsh
________________________________

"You're fired" paulit-ulit na naglaro sa isip ni Kim fajardo ang sinabi ng boss nya. Tinanggal na sa trabaho dahil sa pagbebenta nya ng mga litrato ng makilalang tao na walang paalam sa ibang tabloids. Nakarating sa management nila ang ginawa nya.

"Kim, kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo ako."

KIM: Salamat Carmela.

Nang makaalis sya sa office at pauwi na sana sa apartment nya, hindi pa sya nakakapasok nang biglang sumulpot ang landlady nya na kanina pa umuusok ang ilong.

"Hoy Kim, kelan ka magbabayad? Aba hindi bahay ampunan dito para kupkupin kita."

KIM: Magbabayad po ako.

"Kelan?"

KIM: One of these days po.

"Naku...siguraduhin mo ah."

Ang totoo nyan, wala syang ipon dahil na rin sa pakikipag-date, party, bisyo pwera droga. Pagpasok sa lwarto, " Malas ba talaga ako?" Tanong sa sarili. Pero bata palang naranasan na nya ang hirap.

Lumaki sya sa bahay ampunan. Nakita sya sa simbahan malapit sa bahay ampunan at dun na rin inalagaan. Bata palang sya kinukutya na sya kase maitim at patpatin. Palagi pa syang inaaway. Pero nung may nag-ampon sa kanya na mga milyonaryo, bago sya umalis sumipsip yung mga nang-aaway sa kanya.

6 years old sya nung minsang magbakasyon sila pero sa kasamaang palad, bumagsak ang kanilang eroplano. Balita nun na walang nakaligtas. Pero sya, nabuhay sya at nakita syang naghihingalo ng isang albularyo. Tinuring syang tunay na anak.

Nung nag-sampung taon sya, may isang businessman at kanya asawa na photojournalist ang nakakita kay Kim. Ikinuwento ng albularyo ang nangyari kay Kim. Nung una, hindi pumayag ang albularyo na ipa-ampon si Kim kase napamahal na sa lanya ang bata peeo kalaunan pumayag din dahil nangako sila na aalagaan sya at pag-aaralin.

True to their word, pinag-aral sya hanggang mag-college sya, kumuha sya ng Journalism. Nagsumikap si Kim at naging isa sa pinaka-sikat na photojournalists sa bansa. Nominado pa minsan ang gawa nya sa Pulitzer Awards. Tinatamasa nya ang tagumpay , hanggang sa nangyari na natanggal sya. Ayaw naman nyang lumapit sa magulang dahil gusto nya independent sya. At kahit may trist fund sya galing sa magulang nya, hindi rin nya makukuha hangga't hindi nag-aasawa...ng lalake.

KIM: San naman ako maghahanap ng lalake na papatol sakin, eh kapareho ko sila ng hinahanap. Tsk. At iisa ang tinitibok ng puso ko, si Carmela Tunay.

Naghanap sya ng dyaryo at tinignan ang ads at may available sa "Flash Photo Studio. Hi di na sya nag-aksaya ng panahon. Pinuntahan nya kinabukasan. Nasa pagitan ito ng bookstore at xerox copy center. Pagpasok sa loob namangha sya sa sobrang ganda. Ibang palamuti ang ginamit. Nakaupo ang isang matandang lalake na kamukha ni Master Pai Wei ng Kill Bill 2.

KIM: Sir I'm looking for a job. Eto po yung resumé ko.

"You're hired" sabi ng matanda

KIM: Po? Wala na pong interview?

"Interviews are for the insecured ones. Bakit ka pa tatanungin ng walang kwentang tanong kung alam nila na makakaya ng isang tao ang ipapagawa nila. Dapat deretso training na. May tiwala ako sayo. Alam kong magaling ka. Isa lang tanong ko.

Napatanga si Kim. Nagulat sa unang sinabi ng matanda.

"Tapat ka ba, yung hindi marunong magsinungaling?"

Unearthly/Make-Believe( FaTunay,KaRa,Camveza,Cienne )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon