Isang araw sa isang gubat may nakatirang isang babae na ang pangalan ay Ylva,si Ylva ay ang anak ng isang leader sa isang grupo.Hindi lang sila basta-bastang normal na tao na nakikita nyo sa mga gubat,sila ay may kakayanan na magpalit ng anyo katulad ng lobo,dati lahat ng grupo ng mga lobo ay iisa ngayon ay nahati na sila sa dalawa,ang puting lobo at ang itim na lobo,nagsimula ang lahat ng ito sa isang pag-aakala,isang gabi natutulog na ang mga taong lobo sa kanikanilang mga tirahan pero ang isang taong lobo ay gising pa dahil binasted sya ng isang babaeng lobo gusto nya sana na kausapin ito kaya ang lalaking lobo ay pumunta sa bahay nung babaeng lobo,pagpasok nung lalaking lobo nakita nyang patay yung babaeng lobo at nakita nya rin yung patalim sa lapag,ang ginawa nya pinulot nya ito at pinagmasdan hanggang sa dumating yung tatay at nanay ng babae nakita nila na may hawak syang patalim,ang ginawa nung tatay nung babae nagpalit sya ng anyo ng lobo at sabay atake sa lalaking lobo.Pagkatapos nun sinumbong ito nung tatay nung babae sa leader nila hanggang sa nagalit ang leader nila na si Ulfa,isang babaeng leader sa kanilang grupo,hanggang sa pinalayas nya lahat ng mga puting lobo sa kanilang teritorya,lahat ng hindi aalis sa kanilang teritorya itatapon nila ito sa isang lugar kung saan nandun ang mga normal na tao naninirahan,kaya dahil sa isang pag-aakala nahati ang lobo sa puti at itim.