"THREE-POINTS SHOOT SA PUSO NI CRUSH"

1 0 0
                                    



"WOAH! ANG GALING GALING MO DRAKE! I-SHOOT MO! IKAW NA ANG MVP DYAN!" malakas na pagchecheer ko sa crush ko.

"Ano ba yan, jeannil? Nasasapawan ng boses mo yung cheering squad!" pagsaway sa akin ng best friend kong si Ella.

Matagal ko ng crush si Drake. Elementary days pa lang lagi ko na syang napapanood sa mga laro nya. Siya ang team captain ng varsity sa school namin. Palagi ko siyang chinecheer.

"WOAH! THREE POINTS FOR MY LOVE!" sigaw ko pang muli ng makapuntos ulit si Drake.

Pinagtitinginan na ako ng ibang nanonood dahil sa ingay ko pero wala akong pake. Hindi pa tumitingin sa akin si Drake. Kailangan nya makita kung gaano ka-supportive future wife nya. Oh future wife agad hindi pa nga najojowa self.

"Jeannil, napakaingay mo. Hindi ka niya papansinin. Tumahimik kana."

Hindi ko pa rin pinakinggan ang sinabi ng bitter kong kaibigan. Palibhasa may girlfriend na ang crush nya.
Kailangan ko pa lakasan ang boses ko. Kailangan mapansin nya ako bago matapos ang laro.

"PUNTOS NA NAMAN NI DRAKE! WOAH! LAGI KA NA LANG NAKAKASHOOT, LOVE! PATI SA PUSO KO PASOK NA PASOK!" mas malakas na sigaw habang tumatalon-talon ko pang cheer.

Talon lang ako ng talon ng biglang lumingon sa kinaroroonan ko si Drake. Hindi pa ako makapaniwala noong una kaya tumingin ako sa likod ko tapos humarap ulit sa kanya. Nginitian nya ako ng pagkatamis-tamis at nagflying kiss pa.

"HUTANGINERS! WAAHHH! DRAKE MY LOVE! HULOG NA HULOG NA AKO SAYO!" kinikilig na sigaw ko pa sa kanya dahil sa flying kiss na ginawa nya.
--------------------

"Tara na, jeannil. Umuwi na tayo. Matagal pa yung crush mo na iyon." pagpipilit pa ulit sa akin ni Ella. Kanina pa sya bitter sa pagiging supportive ko. Epal sa lovelife ko.

"Mamaya na, Ella. Mananagot siya sa ginawa nya kanina. Nahulog ako lalo sa kanya! Waah!" kilig na kilig na sabi ko kay Ella habang niyuyogyog ang balikat niya.

Pinaghahampas naman niya ang kamay ko. Naiinis na ang best friend ko. Bitter kasi sa akin.
Niyugyog ko pa sya ulit para inisin nang marinig ko ang papalapit na tawanan ng team nila Drake.

"Girlfriend ata ni Drake yung babae kanina e. Nagflying kiss pa sya. Mukhang ganadong-ganado maglaro kanina." natatawang sabi ng kasamahan ni Drake sa basketball na nagpatawa din sa kanilang lahat.

"Drake! Kanina pa kita inaantay, love! Panagutan mo ako." agad kong sabi kay Drake habang payakap yakap pa sa braso nya.

"Aba! Girlfriend nga ata talaga. Binata na pala si Captain." malakas na kantyaw ng isa sa grupo nila.

Natawa ako sa narinig pero naisip ko na baka itanggi ako ni Drake tapos mapahiya ako kaya magsasalita na sana ako ng biglang

"Oo, pre. May Date pala kami. Una na kayo sa party."
may pakamot-kamot pang wika ni Drake sa mga kasamahan niya.

Napatulala naman ako sa gulat. Tumalikod ako kay Drake at pinagsasampal ang sarili ko ng mahina. Totoo ba? Hindi ako nananaginip diba? Sinabi niyang girlfriend nya ako, omg! Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang tumatawa. Omg!

"Oo, Love. Hindi ka nananaginip. Boyfriend mo na ako ngayon. Naka three-points shoot ka din sa puso ko mula noong unang beses mo pa lang akong sinuportahan sa laro ko." malambing na wika niya sa akin habang titig na titig sa mga mata ko.

HUTANGINERS! JOWA KO NA CRUSH KO!

F; 04/02/20

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now