"Mom, where are you going? Why are you in so much hurry?"
"I'll go to the grocery. We don't have any supplies of food and water."
"But mom, a new law has been implemented earlier. We should stay here at home or else it's either the virus or the government will kill us. Specially you, mom."
"We don't have any choice, son. Kung hindi ako lalabas ay mamatay naman tayo sa gutom. Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo? For pete's sake inaapoy siya ng lagnat!"
"But mom..."
"No buts son. Bantayan mong mabuti si Sam. Exactly 11:00 pm painumin mo siya ng gamot dahil every 6 hours iyon. Be responsible kuya to her."
Lumipas na ang apat na oras pero wala pa din si mommy. It's 11:00 pm kailangan ko na painumin ng gamot si sam.
"Sam, wake up. Sam, you need to take your medicine na. Bangon ka na muna."
"Kuya, where is mommy? Is she cooking soup for me again?"
"No sam go take this."
"Eh sleeping? Napagod ba siya dahil sakin kuya?"
"Sam, mommy loves us. Diba lagi nyang sinasabi na she never get tired on us."
"So where is she kuya?" napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayaw kong problemahin niya din ang pag alis ni mom lalo na't nilalagnat pa siya.
"Go, sleep again. Pagdating nya gigisingin kita so you could ask her." sabi ko na lang kay sam. Ayokong pati sya bulabugin ng kaba na nararamdaman ko.
Wala pa din si mommy. Yung kaba na nararamdaman ko bago siya umalis ay tila nadoble pa. Nag-aalala ko na baka nahuli na sya. Inip na inip na ako kakahintay kaya napagpasyahan ko na lumabas sandali para tignan kung may iniwan ba ulit ang tatay namin na pagkain o kahit anong gamit.
Matagal ng hindi umuuwi sa amin si daddy. He chooses his otherwoman over us. Over his family. Nag iiwan sya ng pagkain o gamit pero hindi mapapawi ng kahit anong ibinibigay niya ang hirap at sakit na ipinadanas niya kay mom. I hate him for leaving us. I hate him for hurting my mom. I hate him for letting us suffer for the whole six years. I hate him for not being a man. A man who stands for his family. A man that is selfless just to protect his family. I hate him a lot.
Nang makita na walang kahit anong meron na iniwan sa labas ng pinto namin ay napagpasyahan ko na pumasok na sa loob. Baka nagising na ulit si Sam. Akma kong pipihitin ang door knob nang marinig ko ang kaluskos sa gate. Kaluskos na nagdala sa aking mga mata sa direksyon ni mommy.
Nakahinga ako ng maluwag. Finally, she's here. Sasalubungin ko na sana si mommy ng mapatingin sya sakin. Halo halong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mukha. Pagod, hirap, takot at pangamba. Humahangos din sya na tila nakipagkarera ng takbo sa kabayo.
"Anong ginagawa mo dito sa labas? Pumasok ka, bilis!"
"I'll help you mom. Let me carry that plastic bag."
"No! Go inside! Now!" ngayon lang ako sinigawan ng ganoon ni mom. Gusto ko man pilit tumulong ay hindi ko na sinubukan pa. Mabilis akong pumasok sa loob at sumilip sa bintana.
She is now trying to lock the gate. Hindi niya malock-lock agad dahil sa taranta at panginginig. Anong nangyayari, mom? Naguguluhan ako sa ikinikilos nya. Nahuli ba sya kaya siya ganyan? May kinatatakutan ba siya higit sa virus na nakakahawa?
Kumalampag ang gate ng malakas na ikinagulat ko at ni mommy na ngayon ay nasa harapan na ng lalaking nakasuot ng isang puting suit na bumabalot sa kanyang buong katawan at mukha. Nakita kong parang naestatwa si mom. Hindi sya makagalaw at tila takot na takot habang pinagpapawisan.
"Trabaho lang Mrs. Summer Leondale. Alam nyo naman po siguro ang nakasaad sa bagong batas. Tama po ba?"
Pagtango at pagyuko lamang ang isinagot ni mommy. Tila alam na ang kahahantungan. Ang kabang kanina ko pa nararamdaman ay mas lalong tumindi pa. Hindi ako makahinga sa takot para sa aking ina. Sa aking ina na walang ginawa kundi alagaan at pagsilbihan kaming magkapatid. Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay ang pagtutok ng lalaki ng baril sa nanay ko. Napapikit ako sa pagbabakasakaling maililigtas pa si mommy ng dasal ko. Ngunit ang mga mata kong nakapikit ay napadilat din agad ng marinig ang tatlong sunod sunod na putok ng baril.
Nakikita ko ngayon kung paano naliligo sa dugo ang isang magiting na nanay. Isang magiting at matapang na nanay na handang gawin ang lahat para sa kanyang mga anak. Isang nanay na inagaw ng hindi makataong batas. Isang batas na sumira sa mga pamilyang sinubukang humanap ng makakain sa labas. Isang batas na naging dahilan ng tuluyan naming pagkaulila.
f: 03/20/20
![](https://img.wattpad.com/cover/265893258-288-k901d4f.jpg)