WATCH 365 DAYS WITH MY KUYA

1 0 0
                                    

"Suzy, aalis na kami ng daddy mo. I-lock nyo ang pinto. Initin nyo na lang ni kuya mo ang ulam sa ref ha." malakas na sigaw ni mama mula sa sala.

"Opo, mama. Ingat po kayo." sigaw ko pabalik mula sa hagdanan. Bababa ako para uminom sa kusina at para i-lock na din ang pinto.

Dumeretso muna ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Hudyat ng pagkasarado ng pinto ang maingay na pagbagsak nito kaya naglakad na ako upang i-lock ito. Pagkatapos ay pumanhik na ako muli sa aking kwarto.

Pagkapasok ko ay hindi ko na inabalang ilock pa ang pinto. Nakadapa akong humarap sa laptop ko at naghanap ng bagong movie na magandang panoorin.

Halos sampung minuto akong naghanap pero wala man lang nakakuha ng aking pansin kaya naisipan ko na maghingi ng suggestion kay kuya.

Tumayo ako muli para lumabas at nagdiretso sa kwarto ni kuya. Kumatok muna ako bago pumasok.

"What? Anong kailangan mo?" masungit na bungad sa akin ni kuya.

"Hmm kuya, may alam ka bang magandang movie? Wala na kasi akong mapanood. Any suggestion?" nakanguso kong tanong.

Lumingon sya sa aking pwesto at matamnam na tinitigan. Nagtaas muna sya ng kilay bago sumagot, "Gusto mo talaga ng magandang movie? Action o comedy?"

"Action na lang kuya. Boring ang comedy, ang oa." pairap-irap kong sagot.

Ngumisi sya at sinabing, "365 DNI. Samahan na kita manood kapatid kong pacute."

Nagkibit balikat lang ako bago bumalik sa kwarto ko.
Sinearch ko ang sinabi nya at agad ko naman itong nakita. Pagkaplay na pagkaplay ko ay tumabi sa akin si kuya sa pagdapa. Seryoso syang nakinood sa laptop ko.
------

"Ano ba yan. Action ba talaga 'to? Pang ilan na scene na yan ha. Sisipain na kita, kuya." nakatakip sa matang sabi ko kay kuya habang sya tawa lang ng tawa.
Wala syang ginawa sakin kundi tawanan ng tawanan reaksyon ko. Kada-takip ko sa mata ko para hindi makita nangyayari dinedescribe nya naman.

"TANG INA MO KUYA! NAPAKAMANYAK MO! KADIRI KA. LUMABAS KA DITO. LABAS!" pinagtutulakan ko sya palabas sa kwarto ko habang sya tawa naman ng tawa.

Maayos naman sa una sana. Hindi naman naiiwasan sa isang kwento ang bedscene pero noong nakailan ng s** scene na tapos ang wild pa ng nangyari nakahalata na ako. Erotic ang sinuggest nya. Pinagtitripan ako ni kuya.
Umaandar na naman kapilyuhan nya.

Lesson learned: Kung gusto mo ng magandang movie, wag ka sa manyak magtatanong. Dudumihan ka lang nila.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now