CHAPTER 21

9.9K 249 23
                                    

J A S M I N E    B R E I    C L A Y T O N




7 years ago…

It's already past ten, pero hindi pa rin dumadating si Scarlett.

May usapan kami ngayong magkikita kami dito sa secret place namin pero kanina pa ako nag-aantay rito hindi ko man lang nakita kahit na anino niya. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi ma-contact yung phone niya.

Alam kong may rason siya kung bakit hindi siya nakasipot ngayon at aantayin ko na lamang ang paliwanag niya bukas.

Nag-aalala man ay napag-desisyonan ko na ring umuwi dahil baka nag-aalala na rin sa akin ang parents ko dahil gabi na rin. Malapit lang sa lugar na 'to ang bahay namin kaya nilakad ko na lang pauwi, tutal gusto ko ding mag-munimuni habang naglalakad dahil ang ganda ng kalangitan ngayon at antahimik pa nang kapaligiran.

Habang patuloy kong tinatahak ang kahabaan ng madilim na daan ay may biglang bumusinang sasakyan sa akin. Nagtatakang napalingon ako dito dahil nasa sidewalk naman ako at hindi nakaharang sa daanan ng sasakyan kaya bakit kailangan niya pa akong bumusinahan?

Tumigil ako sa paglalakad at tumigil rin ang sasakyan sakto sa harap ko. Unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan at laking gulat ko ng makita kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang ito.

It's Scarlett's mother.

"Hija, it's already late and dark. Hop in and I'll take you home." She softly said but a bit formally.

Matagal kong tinitigan lang siya dahil parang hindi maiproseso ng isipan ko kung anong sinabi niya at kung bakit nandito siya sa harap ko ngayon.

"Hija," Napukaw nito ang atensyon ko kaya muli akong nabalik sa realidad.

"U-uh… H-hindi na po, baka maka-abala pa po ako sa inyo. At saka gusto ko po talagang lakarin pauwi dahil malapit lang naman po." Nahihiyang turan ko at umiling-iling pa. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito bago nagsalita ulit.

"No. I insist, besides I want to talk to you as well, so c'mon. Take a ride and I'll take you home." Mahinahong sabi nito ngunit hindi mo ito makikitaan ng tuwa sa mukha o kahit ngiti man lang.

Sobrang soft spoken niya mag-salita to the point na para kang laging hinihele ng boses niya kaya hindi malabong mas nagmana nga talaga si Scarlett sa Daddy niya dahil sa lamig at pagkawalang emosyon nito palagi kahit nakangiti na ito.

"Hindi na po—"

Pinutol niya agad ang dapat na sasabihin ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nilukob ng kaba ang puso ko na kanina lamang ay payapa pa. Nanlalamig na din ang aking mga kamay at nanginginig na din ang mga tuhod ko dahil sa kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Jusko! Hindi naman siguro ako ipapasalvage nitong nanay ni Scarlett, 'di ba? Maamo at mabait naman ang mukha niya pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko ngayon, e.

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon