"A" FOR APPLE

14.9K 527 563
                                    

"Ito ang pinakamahirap na desisyon na gagawin na'tin, Hazel." Magkasalubong ang kilay ng seryosong si Andro.

Tumango si Hazel. "Oo. Pinakamahirap na desisyon sa tanang buhay natin."

Pumikit at nag-sign of the cross pa ang kaibigan. "Sige. Ikaw na bahala."

Humarap ang dalawa sa isang tindahan na namumutiktik ng mga nakabitin na chichirya. Kinuha ni Hazel ang inipit nitong pisong barya sa butas ng tainga.

Binigyan kasi siya ng lola niya ng piso kanina matapos mahanap niya ang pustiso nito kaya masaya niyang binalita iyon kay Andro.

Ngayon, heto sila... sabay na gagawin ang desisyon...

Kung anong chichirya ang bibilhin nila.

"Iyong Ding Dong kaya?" Kumunot ang noo niya.

Umiling si Andro. "Huwag. Hangin lang nagpapabigat niyan."

"Iyong Mikmik?"

"Napapaubo ako niyan. Pass. Sakit kaya kapag pumasok sa ilong. Namumuti kulangot ko."

"Muncher?"

"Ayaw ko sa green peas."

"Safari?"

"Matigas sa ngipin."

"Lollipop?"

"Tapos ano? Magsasalitan tayo sa pagdila sa lollipop?"

Ngumiwi siya. "Stik-O nalang kaya?"

"Tapos mabibitin lang tayo? Hazel..." Bumulong ito. "Alalahanin mo... isang piso lang pera na'tin."

Napalunok siya at lumapit sa tindera. "Aling Divine."

"O?" Mataray na sagot ng babaeng panay ang paypay sa abaniko nito.

May tinuro siya.

"Yes!" Napasuntok sa hangin sa saya si Andro sa desisyon niya. "Ang talino mo talaga, Hazel!"

Masayang pinagsaluhan ng dalawang paslit ang binili nilang isang Alibaba* habang nakaupo sa gilid ng lumang tulay na gawa sa kahoy. [*Alibaba – a Filipino junkfood equivalent to sweet corn.]

Their feet dangling.

Their smiles reflected on the shallow river beneath them.

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎

Hazel's black high-heels made a sound as she walked at the quiet hallway of the Regional Trial Court that afternoon. She smiled.

Yes, that's her sound of victory.

She won another case again.

Carrying her closed laptop and maroon leather journal, she flipped her hair. Her winning streak in court still unmarred. That's 22 wins – 0 loses. Dahil unti-unti na siyang nakikilala sa larangan ng abogasya'y marami na ang lumalapit sa law firm nila para kunin ang serbisyo niya. Dati, noong bagito pa ang firm nila, kulang nalang matulog ang mga staff nila dahil walang pumapasok na trabaho. May oras ngang napilitan silang magtanggal kasi sa loob ng tatlong buwan, isa lang ang kaso nila – robbery pa.

Now, their number of staffs are expanding to properly manage the incoming cases.

Jada is already thinking of renting the upper floor above them to make more space.

The Boss, The Bitch and The Baby (A Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon