🩺⚖️🩺⚖️🩺⚖️🩺⚖️🩺⚖️
ANDRO & HAZEL | 16 YEARS OLD
Lying on her stomach on her bed that morning, Hazel was grinning from ear to ear as she read a Japanese manga Aries printed from the internet. It's a story about a girl who wanted a boyfriend and woke up the next day receiving a package with a robot who looks and feels like human being – manufactured to act like a boyfriend.
With her lower leg up in the air, she crossed them and giggled as she flipped another page.
"Hazel!"
Narinig niya ang sigaw ng tita niya pero hindi niya ito pinansin.
Kinagat niya ang yakap na unan para huwag mapatili.
"Hazel! Andito si Andro sa labas!"
Doon na siya napatingala. "Teka... Linggo ngayon, a." Their group of friends have this silent agreement that Sunday is always and must be a family day. Hindi sila nagkikita-kita sa araw na iyon para magkaroon ng oras sa pamilya – mag-simba o maligo sa dagat.
"Hazel!" Muling sigaw ng tita niya.
Tumayo siya na salubong ang kilay. "Ano kaya sadya niya—" Napalingon siya sa kalendaryo sabay napasinghap. "Ow shit! Hala! Ngayon pala iyon!"
Nakasuot pa siya ng pantulog kaya dali-dali niyang hinubad iyon at pabalandrang binuksan ang closet.
"Hazel!"
"Teka laaaaanggg!" Naghablot siya ng short. "Nagbibihis paaaaa!" Napalingon siya sa paligid. "Peste! Nasaan ang bra ko!"
🩺⚖️🩺⚖️🩺⚖️🩺⚖️🩺⚖️
Halos matumba si Andro nang ihinto at ihiga nito sa tapat ng gate ng mga Dela Merced ang bike niya. Tumatalon-talon agad siya para tingnan sino ang nasa hardin para pagbuksan siya. Sumilip siya sa fence. Nagbibilad ng mga unan sa labas ang nakakatandang pinsan ni Hazel na si Pearl.
"Psst! Ate Pearl! Ate Pearl!"
Lumingon ito at nang makilala siya'y lumapit ito para buksan ang gate. "O, Andro? Aga-aga mong nag-ala-Dora The Explorer, a."
"Si Hazel?" Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Pumasok siya sa bahay at isa-isang hinalikan ang mga matatanda sa sala.
Lumabas mula sa kusina ang Tita Sharon ni Hazel. "Oh, Andro. Andito ka."
Mga kamay nasa beywang, huminga siya nang malalim. "Sasamahan daw kasi ako ni Hazel na magpapabunot ng ngipin."
"May sira?" tanong ni Lola Angelita na noo'y umiinom ng tsaang salabat.
"Opo, 'la. Buong linggong akong pinahirapan ng ngipin ko. Bawal kasi ipabunot kapag masakit kaya pinainom ako ni Mama kagabi ng mefenamic. Ngayong hindi nangingilo, ipapabunot ko na."
"Hazel!" Tumingala si Tita Sharon sa second floor. "Hazel! Andito si Andro!" Nilingon siya ng ginang. "Umupo ka muna, 'toy. Baka nagbibihis pa iyon. Hindi pa lumalabas iyon mula kanina."
Umumpo siya sa tabi ni Lola Fausta na nakapikit na nakaupo sa rocking chair.
"Hazel!" Muli sigaw ni Tita Sharon.
"Teka lang! Andiyan na!" Sagot ng kababata sa loob ng kwarto nito.
Dumaan ang ilang minuto'y umiling ang ginang. "Puntahan mo na nga lang, Andro. Baka nabuhol ang leeg no'n ng damit."