"B" FOR BOSS

11.2K 486 575
                                    

ANDRO & HAZEL – 6 YEARS OLD

Nakatingala ang anim na bata sa puno na santol na namumutiktik ng bunga.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko, Andro?" Nakangising nilingon ng uhuging si Mason ang katabi.

Abot-tainga na rin ang ngiti nito. "Treehouse."

"Pero..." sumandal si Frea sa katawan ng puno. "Hindi ba dapat hihingi tayo ng permiso sa may-ari?"

Tumaas ang kilay ni Hazel. "Para saan?" Tinuro niya ang kalapit na bahay na may pinalibutan ng bakod na hanggang dibdib ang taas. "Hindi naman sa kanila itong puno kasi nasa labas naman ng bakuran nila."

Pumalakpak si Daniel at Aries.

"Oo nga 'no!"

"Galing mo talaga, Haze."

Mabilis na naakyat ni Andro ang puno. Nakatayo na ito sa isang matayog na sanga sabay pitas ng isang bunga. "Woah! Ang ganda rito sa taas! Hazel, Hazel," tawag nito sa kababata. "Kita ko rito ang bintana ng kwarto mo, o!"

"Talaga?!" Yumakap siya sa katawan ng puno para sana umakyat pero nadudulas ang mga paa niyang hindi sanay sa akyatan. Tiningala niya ang batang lalake. "Androoooo~" Lumabi siya.

Lumuhod ito sa sanga at inabot sa kaniya ang kamay nito.

Napapikit siya nang tumama sa mata niya ang sinag ng araw. Sinalag niya ang palad sa may noo para maaninag si Andro.

♂️ ♀ ♂️ ♀ ♂️ ♀ ♂️ ♀ ♂️ ♀ ♂️ ♀ ♂️ ♀ ♂️ ♀ ♂️ ♀ ♂️ ♀

PRESENT

"Miss, are you okay?" A deep but soothing voice asked her.

"Huh?" Dahan-dahan siyang tumingala at dahil tirik na tirik ang araw ng oras na iyon ay hindi niya agad naaninag ang mukha nito.

"You called me?"

Sinalag niya ang kamay sa may mata niya.

Slowly, she recognized that familiar sharp jawline and smooth cheek and kissable red lips and prominent nose...

But Andro, instead of recognizing Hazel, first noticed the apple stuck between her teeth. "Oh. Y-You got something in your t-teeth."

Hazel immediately played unconscious after she recognize Andro and how he noticed the apple between her teeth first. 'Fuck! This is so embarrassing!'

Nakahilata sa mainit na kalsada'y mabuti nalang talaga at nakatakip sa mukha ang buhok niya.

'Please don't let him recognize me... please... please...'

After more than ten years of not seeing each other, this is definitely not the way she planned to meet him again!

'Please... please...' Nanlaki ang mata niya nang makitang papalapit sa kanila ang pamangkin niyang si Kitty. She blew her hair that covered her eyes and gave her a warning look. 'Huwag! De pungal! Huwag na huwag kang lumapit!'

Huminto naman ito at nagtataka sa panlalaki ng mata niya. "Inaatake ba siya ng epilepsy?'

'Huwag kang lumapit! Please, let me at least have my dignity intact! Hayaan mo akong mahimatay rito!' Mabilis niyang sinara ang mga mata nang lumuhod sa tabi niya ang binata. 'Diyos koooo~'

The Boss, The Bitch and The Baby (A Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon