Chapter 5

1 1 0
                                    

Diamond Pov's

"Long time no see"

"Yeah, long time no see girl. Saan kaba nag susuot na babaita ka ha?"

"Just roaming around?" I answered lazily.

Umupo na ako sa upuan nitong coffee shop.

Ang nag tanong kanina saakin ay isa rin sa mga nakaligtas na mga babae. Her name is Althea Ve Lorrence. We call her Vee or Alt. Ang isa naman ay si Leaxily Ane Brouck. O mas kilala sa Ane

"Roaming around or killing people around?" Tanong nya na nag pangisi saakin.

"Both"

"You little devil."

Napailing nalang ako. Naging magkaibigan kami simula noong iniligtas ko sila. Ayaw ko sana kaso, singkulit sila ng isang bata at naiinis na ako kaya pinayagan ko na. Ano ba magagawa ko? Lahat lahat na ginawa ko para itaboy sila pero nadadagdagan lang nais nila na maging kaibigan ako.

"By the way, pinapatawag ka ni daddy miss ka na daw nya." Tukso saakin ni Ane.

Napairap ulit ako. Ang tinatawag nyang daddy ay ang nag ligtas saamin. Naging Daddy daddy namin syang tatlo. Infact, gustong gusto nya ngang tinatawag namin syang daddy.

Ewan ko ba, ang weird nya. Wala naman syang asawa at hindi naman sya ganon katanda. Mga nasa mid 40's lang ata sya. Busy sa pagiging agent eh kaya ayan tumamdang binata.

Pagkatapos naming mag usap usap ay dumretsyo na agad ako sa Head quarters. I'm not totally an agent but sort of. Get me?

Kumbaga, andon lang ako kung kailangan nila ng back up or special mission na masyadong delikado. Im just doing this for the sake of our daddy. You know, makatulong naman at syempre makabawi sakanyang pagtulong saamin.

Hindi rin kasi basta basta ang tinulong nya saamin. Maari syang mamatay pag nahuli sya. So I'm just gaving back the favor. Sya na kasi ang namumuno ngayun simula nong inambush ang pamilyang Tyker na syang founder talaga ng organization.

But since Daddy Seidon is the best agent and also the best friend of Mr. Mrs. Tyker sakanya iniwan ang organizastion.

"Ba't ang tagal naman ata dumating ng anak ko?" Dinig kong usal nya. Nakakunot pa ang noo nya at parang inip na inip na talaga sya.

"Sabi ng pumunta ng 10 sharp eh, Bilhan ko kaya sya ng relo ng hindi malate?... Tama ,tama ... Magandang ideya ngayun" usal nya ulit.

Tahimik naman akong tumawa. Nakakatuwa talaga kasi minsan ang Daddy. Para syang timang na kinakausap sarili nya.

"Sino kinakausap mo dad?" Tanong ko sakanya na ikinagulat nya ng sobra. Nalaglag pa sya sa upuan nya.

"Ay juskong bata ka! Papatayin mo ba ako sa gulat!"

Napatawa nalang ako sa priceless nyang reaksyon.

"Tamatanda ka na talaga dad. Kahit pandama mo humina na. Hindi mo man lang nararamdaman na kanina pa ako nandito.  Wala ka pa bang planong mag-asawa?" Tudyo ko sakanya. Umasim naman ang mukha nya.

"Hoy, anong tumatanda. Hindi ah. Sadyang madami lang talaga akong iniisip kaya di kita napansin. Pero talaga bang kanina kapa?"

"Medyo, tamang tama lang para makita ko ang pag kausap mo sa sarili mo. Bakit di ka nalang kasi mag asawa para naman may makausap ka. Hindi yung para kang timang dyan" i rolled my eyes after saying that.

"Wag kang mag alala Ash anak dahil malapit na"

"Talaga Dad. Sino namang malas na babaeng nakabihag sa pihikan mong puso"

"Grabi naman 'to makamalas. Swerte kaya sya. Atsaka sya lang talaga ang babaeng minahal ko. Sya ata ang first love ko... Teka nga bakit ba natin pinag uusapan ang first love ko.?"

Napahalakhak nalang ako dahil hindi nya namalayan na nagdadaydream na pala sya at  nasasabi ang nasa isip nya.

"Ikaw talagang bata ka napaka maloko mo. Naisahan mo ko dun ah. Anyway, pinatawag kita dahil may misyon akong ibibigay sayo at please mag ingat ka masyadong delikado ito. Ayaw ko man na ikaw ang gumawa nyan pero wala na akong ibang pag kakatiwalaan, bukod sayo. At hindi lang ito simpling misyon lang kaya double ingat ka.Understand?"

Tumango nalang ako dahil busy na ako sa pag babasa ng impormasyon.
Napailing nalang ako at napangisi.

"Hey, hey, stop that creepy grin of yours. Kinikilabutan ako eh" sita nya saakin. Na dama ko pa ang pag kabahala at takot nya. Na nag pahalakhak ulit saakin.

"Jesus Christ!!" Kita ko ang takot sa mata nya at pag kamangha. Well ,my laugh is really creepy parang nasa isang horror house ka at malapit kanang mamatay. Yun yun. Kaya nga takot ang mga agents dito saakin.

Masyado silang ilag, pero meron parin namang nakakayang sabayan ang kalukuhan ko.

"Okay, okay I'll stop. And this mission, I think I'll have fun" at ngumisi ako sakanya.

Napailing nalang sya. Tumalikod na ako at lumabas. Pag kalabas ko ay parang may isang halimaw ang dumaan dahil lahat ng madadaan ko ay nahahawi. Parang takot na takot. Para bang kakainin ko sila ng buhay. May ibang napatakbo, may ibang napayuko at napaiwas ng tingin. Napailing nalang ulit ako.

Scaredy cats!

》》》》》》》》》》》》》∞《《《《《《《《《《《《《
To be continue.......
》》》》》》》》》》》》》∞《《《《《《《《《《《《《
Author: Little_KCEmpress

Un-contented Brat (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon