Chapter 1

2 2 0
                                    

Dia Pov's

Nagising ako sa mahinang tapik sa mukha ko. His/ her hand is cold. Parang takot at nerbios ang nararamdaman nya. Nanginginig kasi sya. Dahan dahan kung iminulat ang mata ko. Nasilaw ako una dahil sa liwanag kaya pumikit akong muli.

Nang sa tingin ko ay nakaadjust na ang mata ko ay imulat ko ulit.

"Maris?" Tanong ko. She's my best friend. Napakunot ang noo ko ng makitang maputla sya at may kaunting sugat sa mukha.

"Ano ang nangyari sayo?" Tanong ko bago inilibot ang tingin kung nasaan kami.

To my horror , napapalibutan kami ng mga kagaya kong dalagang babae. Halos lahat ay nanghihina maputla. May umiiyak , may iba nakahiga sa sahig at puro rin sugat.

Marahas akong napalingon sa kanya. Rinig ko ang pag hikbi nya. Niyakap ko sya at hinimas ang likod.

Hindi ko na kailangan pang maging matalino para hindi malaman kong ano ang nangyari at nasaan ako. Inalala ko muli ang nangyari saakin. Nag layas ako sa bahay, sumakay ako ng taxi at...

I've been kidnapped, yun lang ang naisip ko. Pero bakit? Kidnapped for ransom ba? Mukhang hindi naman.

"Okay kana ba?" tanong ko sakanya.

"O-kay lang ako. Ikaw ayos kalang ba? May ginawa ba sila sayo?" Tanong nya. Habang chini check kung may sagot ba ako.

Umiling naman ako bilang sagot. Inilibot ko ang tingin sa loob. Naghahanap ng pwedeng magamit at lagusan  para makatakas.  Hindi ako papayag na gawin nilang parang hayop ang mga babeng ito.

"Dyan ka muna hahanap ako ng paraan para makatakas tayo dito"

tatayo na sana ako pero hinatak nya ako pabalik. At isa pa naka kadina pala ang isa kong paa. Kagaya rin ng iba pang babae .

"Wag, wag kang tumayo dilikado. At wag kanang mag hanap ng paraan para makatakas dahil ilang beses na namin sinubukan ang tumakas pero nahuhuli lang kami. Ayokong parusahan karin"

"Hindi kailangan mong makatakas, kahit kayo nalang ang mailigtas ko."

Determinado akong itakas sila kahit sila nalang. Alam ko magiging mahirap ang pag takas dahil nakita ko ang mga malaking lalaki at armado na nag babantay. Pero kailangan kong subukan.

"Wag na ayos lang. Baka mapahamak ka" ramdam ko ang pag alala nya at takot. Ako din natatakot pero pilit kong pinapalakas ang loob ko. Ayaw kong maging mahina.

"Hindi pwe...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may dumating na isang malaking tao na feeling ko ay isa syang foreigner. Mataas sya at malaki ang katawan.

"Get the girl" sabi nito na nag kumpirma na foreigner nga.  He's Mexican i guess.

May pumasok naman agad na dalawa pang armadong lalaki at kinuha ang isang babae na sa tingin ko ay bago rin dahil wala pa itong sugat, tanging magulo ang buhok at basa ang mukha dahil sa pag-iyak.

Pwersahan nilang kinuha ang babae na nagpupumigalas. Sinikmuraan sya ng isang lalaki kaya nanghina ito. Sinunduan ko sila ng tingin. Pinalabas na ang babae sa seldang kinaroroonan namin. Mga mahigit isang daan din siguro ang babaeng kasama ko dito.

"Ahh, tama na" marahas akong napalingon muli sa dinalhan nila sa babae. They are injecting something on that girl. Hindi ako bobo para hindi malaman kung ano ang dahilan ng pagkidnap nila sa amin.

They are using us to be their human test experiment. Tila nablangko ang utak ko dahil sa nasaksihan. Hindi ko man kaano ano ang babae ay nakaramdam ako ng awa. Hindi lang sakanya kundi sa lahat ng babae dito. Alam kong yun din ang ginagawa nila sa iba pa . At alam kong yun din ang gagawin nila saakin. Gusto kung maiyak sa isiping iyon pero tila pati luha ko ay umurong na.

"Bes, wag kangtumingin okay? Saakin kalang tumingin. Wag mong pansinin yan. Gagawa ako ng paraan para itakas ka rito." Napakurap ako ng mata dahil tinakpan na ng mukha ni maris ang babaeng ginagawa nilang hayop na pinag e- experimentuhan.

"Hindi ako tatakas hangang hindi ka kasama. Itatakas ko kayong lahat." Madiin kong sagot. Hindi ko pwedeng pabayaan nalang ang mga babae na nakidnap rin. Wala akong paki alam kung nag fefeling hero ako. Basta gagawa ako ng paraan.

Hindi ko alam ang gagawin. Dati rati ay sa imagination ko lang ito naeexperience. Hindi ko akalain na magiging totoo ang kathang isip lamang na pangyayari.

Gusto kung mag sisi dahil sa pabayang decision ko. Kung hindi sana ako nag layas sa bahay baka hindi nangyari ito saakin. Pero wala na, nangyari na , andito na ako sa sitwasyong ito. Totoo nga ang sinasabi nilang , nasa huli ang pag sisi.

Pero okay narin atleast nakita ko ang best friend ko. Kaya pala mag dadalawang buwan na simula ng huli naming pag kikita ay hindi ko na sya muling nakita dahil sa nakidnap pala sya.

"Ilang araw kana dito?" Tanong ko. Kinakalma ko parin ang sarili ko. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin at maging matatag, dahil wala namang magandang idudulot kung magpapanic ako at umiyak kagaya ng natural na reaksyon ng mga babae pag ganito ang nangyari.

"M-mag dadalwang buwan na" mahinang saad nya. Ramdam ko ang pag hihina ng katawan nya. Maputla narin sya.

Pinahiga ko sya sa balikat ko para malakapagpahinga sya kahit kunti. Alam kong wala na silang mabuting tulog.

"Alam mo best, belib na talaga ako sayo. Kahit na ganito na ang nangyayari, kalmado ka parin" sabi nya.

I chuckled a little bit. "Wala namang magagawa ang pagpapanic at pag iyak ko sa sitwasyon natin. Kailangan kong maging kalamado para gumana ng maayos ang utak ko at makagawa ng plano para makatakas. "

Totoo naman. Kung mag papanic ako at umiyak. Puro nagative thoughts ang papasok sa utak ko. Kaya kailangan kung kumalma kahit gusto kunang magwala at umiyak.

Dyan naman ako magaling eh ang mag papanggap. I smiled bitterly at that thought.

They know me as jolly and happy kid. Kalmado at mabait. Kilala nila ang ms. Goody two shoes na katauhan ko pero ang Ms. Brat ay hindi. Dahil nanataling imahinasyon ko ang katauhan nya. Kahit na ang totoo si Ms. Brat naman ang totoong ugali ko.

Napa baling ulit ang tingin ko ng bumukas muli ang selda. Pabagsak na ibinalik nila ang babae kanina. Bago kinadinahan muli ang paa.

Tiningnan ko ang lalaki kanina na nag uutos na kunin ang babae. He's looking around like he's going to order his meal at the restaurant.

"Get that girl" may itinuro nanaman ulit ito na babae. My Best friend.

Agad kong iniharang ang katawan ko sa harapan ng kaibigan ko na walang kamalay malay at natutulog ngayon. Tinititigan ko sya ng malamig. Nakita ko ang pag daan ng takot sa mukha nya pero agad ding napangisi.

"Eres valiente por una mujer" napapangising saad nya saakin.

(Your brave for a woman)

Natakot ako sa klase ng ngisi nya pero hindi ko pinahalata. Nakakatakot ang mukha nya. May malaking pelat kasi sya sa mukha na nag papadagdag ng nakakatakot nyang mukha.

"Y tu cobarde por secuestrarnos mujer indefensa."

(And your coward for kidnapping us helpless woman.)

I mocked. Nakita ko ang pag kagulat sa kanyang mukha. Hindi nya siguro akalain  na marunong ako mag spanish.

Mag sasalita pa sana ito ngunit may tumawag na sakanya. Tiningna nya akong muli pero nginisihan ko sya. Gusto kung matawa sa reaksyon nya dahil sobrang epic kaso wag nalang pala tinatamad ako

》》》》》》》》》》》》》∞《《《《《《《《《《《《《
To be continue.......
》》》》》》》》》》》》》∞《《《《《《《《《《《《《
Author: Ms. Kim Canoy

Un-contented Brat (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon