Dalawampu't Anim

4 0 0
                                    

Kamusta ka hindi ikaw ngunit
ang malungkot na sarili mo?
Paano ka pa ngumingiti na
abot sa tainga at mata mo?

Saan ka pa humuhugot ng lakas
ng loob para ikaw ay mag-patuloy?
Saan ka pa humihingi ng tulong
sa tuwing ayaw mo ng tumuloy?

Pagod na aking katawan isama mo
pa ang lumuluhang mga mata,
Sawa ng makulong sa apat na sulok
puno ng takot dahil pang-aalipusta

Sa bawat pikit ng mga ay ang takot
na baka bigla na lang mawala,
Mawala yung pakiramdam ng saya
at lungkot dahil na manhid na

Sino ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon