Dalawampu't Isa

17 0 0
                                    

Natulog ng may dala-dala
at iniisip na sama ng loob,
Nagising ng masaya may ngiti
sa labi na parang labag sa loob

Nanaginip ng kakaibang panaginip
na para bang pwedeng magka-totoo,
Na tila ba sinasabi at pinahiwatig
nito na ang pangarap ay entablado

Entablado kung saan mag lalaban
ang mga tao para sa pangarap,
Hindi mo na kailangan tignan sila
kung mataas o mas angat sila

Minsan magigising ka na lang bigla
ka na lang makakaramdam ng lungkot,
Pero mas madalas didilat ka na lang
mararamdaman mo na okay ka na

Sino ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon