Isa dalawa tatlo sisimulan ko
sa pagbibilang ng mga numero,
Sa paggamit ng mga pwede kong
itugmang salita sa buhay koNgunit magiging sapat ba ang mga
numero't salitang tugma saakin?
Sa mga problema at pagsubok na
dadaan sa buhay na sana hindi akinHindi sasapat ang kakaunti na mga
numero upang ako'y makilala mo,
Hindi sasapat ang salitang na kaya
kong itugma maipakilala ko lang akoNgunit masisimulan ko ang piyesa
na ito sa masasayang ala-ala,
Na tatapusin ko sa malungkot na
karanasan na aking natamasa