DP-4

15 3 0
                                    

Chapter 4

"I'm Zayn Asher McCartney" aniya sabay ngiti ng matamis.

Napairap nalang ako, akala mo kung sinong gwapo ang pangit naman ng ugali. Tss. Oo tama kayo si Gago ang bago naming kaklase.

Kilig na kilig naman mga babae pati si Ma'am. Tss. Anong nakakakilig dun?

"Ahem. Okay welcome to our class, McCartney dun ka sa tabi ni Ayala" ani Ma'am.

Teka? Tama ba ang pagkakarinig ko? Sa tabi ni Ayala? Ayala? Ako yun? Sa tabi ko?

Nilibot ng mata niya ang buong classroom at nang tumigil sa akin ay napangisi ito. Tss. Tanginangto mukhang aso.

Nakangisi 'to papunta sa tabi ko. Nang nasa tabi ko na siya sinipa muna niya yung upuan ko bago umupo. Tangina talaga neto. Kalma mwoen, KALMA. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, kasi kung hindi sinapak ko na 'to.

"Swerte naman niya katabi niya si Zayn" sabi ni Ella classmate ko.

"Oo nga e" sabi ni Andy.

"Sana ako nalang siya" sabi naman ng isa kong classmate diko na matandaan name niya basta classmate ko siya.

Swerte? Anong swerte? Kung pwede lang makipagpalit ng upuan e. Tss. Palibhasa di niyo alam ugali ng kupal na 'to!

"I'm your English Teacher. Again, My name is Marisa Dizon call me Ma'am Dizon or Mrs. Dizon. I'm your class adviser also" ani'to "Our Lesson for today is about Personal Discovering Challenges" mahabang sabi ni Ma'am Dragon.

"So section A ka pala?" ani Gago. Hindi ko siya pinansin. Dahil wala ako sa mood makipag gaguhan sakanya. "Sabagay sabi nila kapag NERD, matalino" daldal nito. Hindi ko pa rin siya pinansin. Bahala ka sa buhay mo! Manigas ka. "Hoy Nerd" sabay siko sa akin.

"Ano ba?!" sabay siko ng malakas sakanya. Namilipit naman ito sa sakit. Tanginamo a! Daldal pa. Sabi ko sa isip ko.

"Ayala and McCartney! Nag Le-lesson ako harutan kayo ng harutan jan! " sigaw ni Ma'am Dragon "Ikaw McCartney kakalipat mo lang nag papasaway kana agad! Di porket Gwapo ka! " dagdag pa ni Ma'am Dragon at namula ang pisngi? Nuyon?

Napatingin naman silang lahat sa amin pati yung apat. Napayuko nalang ako. Nasisira imahe ko ng dahil sa gago na 'to.

Pinagpatuloy ni Ma'am Dragon ang lesson niya at tumahimik na rin si gago. Nag lesson lang kami sa english bukas may activity daw.

"That's all for today class! See you tomorrow" ani Ma'am. "May activity tayo bukas wag niyong kalimutan! " pahabol pa nito at tuluyan nang lumabas.

Nag ingay naman ang lahat dahil 15 minutes bago dumating ang bagong teacher. Kinuha ko ang libro ko at nag earphones, magbabasa nalang muna ako habang wala pa yung next teacher.

Habang nagbabasa ako ay biglang nag vibrate ang phone ko tinignan kung sino ang nag text. Si Niel.

___________________

From: Niel😃

Are you okay?
Kilala mo ba yung new student?

12:07 pm
Tuesday
___________________

Napangiti ako at nireplyan agad ito.

____________________

To: Niel😃

Yes and No.

12:08 pm
Tuesday
_____________________

Tipid kong reply sabay balik ng phone ko sa bag at nagbasa ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dork PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon