Chapter 2
Pagkapasok ko sa School ang dami paring mga babaeng ang sama kung makatingjn. Problema ng mga to? Buti nalang sa labas ko naka sagutan yung gago na yon, kung hindi baka masayang lang yung pag papanggap ko bilang Nerd. Isipin nila na Nerd tas ganon? Dapat mag mukha akong lampa or what.
Teka anong oras naba? Pagtingin ko sa relo ko 10:12 am Shit! Late na ako! Pota asan ba room ko! Dapat pala sumabay nalang ako kila Brix! Tae naman.
Room - C, Room - B, Room - A yun! Room - A! Pagtingin ko sa loob may teacher na, Shit naman! Bahala na nga. Pagbukas ko ng pinto lahat sila napatingin sakin pati ang apat na tukmol.
"Ah eh... G-good Morning po Ma'am I'm sorry I'm L-late" sabi ko na medyo nauutal. Kinakabahan kasi ako nakatingin silang lahat sakin, nang dahil sa gago na yun na late ako. Tss. Humanda siya sakin makita ko lang siya dito. Ay mali Nerd pala ako.
"First Day na first day late ka! Tsaka bakit ba ganyan itsura mo mukha kang kakagaling lang sa gyera" sabi ni Ma'am. Nagsitawanan naman ang mga Classmates ko maliban sa Apat kong kaibigan. Takot lang nila sa leader nila. Tss.
Napangisi nalang ako. "Anong nginingisi ngisi mo jan? Pumasok kana maghanap ka ng upuan sa likod! Dalian mo nauubos ang oras ko" mahabang sabi nito. Mukhang matinding pagtitiis ang buong taon ko na 'to a.
Pagpasok ko nagtayuan ang apat. Nagulat ako pati mga kaklase ko sabay sabay ba naman sila. Tinignan ko sila ng masama dahil gusto alam ko na ang ibig sabihin nila.
"Dito kana nalang MJ- Este miss" sabi ni X, muntik pang madulas. Tss.
"Ito upuan" ani Brix sabay kuha ng bag niya.
"Wen" sabi naman ni Niel
"Hey sexy" ani Tim. Tinignan ko naman siya ng masama gagong 'to.
Nilagpasan ko lang silang apat sabay upo sa pinakalikod. Pagkatingin ko sa harap nakatingin nanaman silang lahat sakin. Ano nanaman ba? May dumi ba ako sa mukha? May papel ba ako sa likod? Kinapa ko wala naman!
"What was that?" Girl 1
"I don't know" Girl 2
"I think that nerdy girl is a witch, akalain mo yung apat na Prince natin ibinibigay yung upuan nila" Girl 3
"Weird" Girl 4
Tanginang mga to mag bubulungan na nga lang naririnig ko pa. Tss. Tsaka ano? Prince? Apat na prince? Hahahahaha di nila kilala mga tukmol mga babae nga naman.
"Kayong Apat jan! Kung magdadaldalan kayo magdamag jaan LUMABAS KAYO SA KLASE KO!" sigaw ni Ma'am nakakaloka tong teacher na 'to. Napayuko naman ang Apat. Tss. Mga papansin "Get ⅛ sheet of paper at ilagay ang buong pangalan nyo at ipasa sa harapan! 1! 2!" Sigaw ulet ni Ma'am.
Kami naman di mag kakanda aruga kumuha ng papel dahil ang bilis ni Ma'am mag bilang. Pagkatapos ng lahat ipinasa sa harapan. Kapag nabunot ang pangalan ay magpapakilala sa harapan.
"Amanda Claire Santillan" sigaw ni Ma'am tumayo naman ang kaklase kong babae ang ganda niya a.
"Hi Everyone I'm Amanda Claire Santillan you can call me Manda for short, i hope maging kaibigan tayong lahat" sabay bow niya, kinikilig naman ang mga boys na akala mo bulateng nabudburan ng asin. Lalandi. Sabagay maganda naman kasi 'tong si Amanda.
"WHOAH! Kaibigan lang? Ka-ibigan pa e!" Sigaw naman ng kaklase ko. Gagong to di manlang natakot kay Ma'am. Nagtawanan lang ang mga kaklase ko at ako syempre.
BINABASA MO ANG
Dork Pretender
AçãoDork Pretender Isang babae na nagpanggap na NERD sa kanilang Campus ngunit Leader pala ito ng isang 'GANG'. Ano ang magiging reaksyon ng mga nambubully sakanya? Ako si Mwoen (pronounced as Owen) ito ang aking kwento.