DP-3

13 4 2
                                    

Chapter 3

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na agad ako. Ang apat nasa kusina na naghahain, habang si daddy ay nagluluto ng ulam. Tumulong ako sa paghain at nagsi upo na kami. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami.

"Kamusta ang firat day sa bago mong schook nak?" Tanong no daddy habang kumakain.

"Boring" tipid kong sagot.

"MJ, sino yung babaeng yumakap sayo sa cafeteria?" Tanong ni Tim. Napatingin naman silang lahat sa akin. Nag aantay ng sagot.

"Hindi ko kilala yun" ani ko at pinagpatuloy ang pagkain. Kahit na kilala ko talaga ito. Sa pangalan. Malay ko ba sa babae nayon.

Pagkatapos namin kumain ay naghugas ng plato si Tim at dumiretso ng kwarto si X. Tinatamad daw sila sumama. Kaya ang sumama nalang ay si Niel at Brix.

"San tayo?" Tanong ni Brix habang nag d-drive.

"Sa bookstore" tipid kong sagot sabay tingin sa labas. Sa edad kong ito mas gusto ko ang magbasa kesa sa gumamit ng teknolohiya. Sa panahon kasi ngayon, maraming kabataan ang lulong sa teknolohiya.

Maraming nagiging tamad. Opinyon ko lang yan a! Wala kang paki sa opinyon ko.

Nang malapit na kami ay bumaba kaming tatlo. Sabi ko sakanila ako nalang mag isa bumili, kaso nagpumilit pa rin sila. Pagkapasok namin sa bookstore ay iniisa isa ko ito. Kinukuha ko ito kapag gusto ko at kung hindi naman, syempre ibabalik alangan naman magnakaw ako may pambayad ak-

"MJ ano mas maganda ito o ito?" ani Brix. Nagulat naman ako dahil bigla bigla nalang sumusulpo- "Ano ba napili mo? Ayan?" sabi pa ulit nito "Panget yan! Ito maganda-"

"Tangina Brix! Ikaw nalang kaya bumili" sabi ko. "Ayan! O! Ito pa! Yan!"sabay bigay sakanya ng mga librong napili ko. "Ikaw na magdesisyon sa buhay ko" May narinig naman akong tumatawa sa gilid.

Inis kong nilingon ito. Ang pabebe kasi tumawa kala naman kinaganda niya. Tss. Paglingon ay namukhaan ko 'to. Classmate namin 'to a? Ano na ngang pangalan neto? Amy? Andy? Mandy? Manda?

Ayun! Si Amanda!

Anong ginagawa neto dito? Tawa pa rin siya ng tawa? Baliw ba siya? Ang dami namang baliw sa pilipinas. Tss. Kinuha ko ang libro ko at iniwan silang dalawa ni Brix. Inaantok na ako gusto ko na umuwi.

"Tapos kana? Akin nayan isasabay kona may binili rin kasi ako" ani Niel sabay kuha ng libro. Hinabol naman ni Brix ang kanya.

Nang matapos na ay lumabas na kami ng bookstore nang biglang.

BANGGGGG!

BANGGGGG!

BANGGGGG!

BANGGGGG!

Napa upo kami dahil sunod sunod ang putok ng baril. Nagkagulo ang mga tao. Sigawan dito sigawan doon. Nilibot ko ang mga mata ko at hinanap kung saan galing ang putok ng baril. Mukhang may nagaganap na holdapan sa loob ng bangko.

Nagkakagulo ang mga tao doon. Tumakbo kami papunta sa kotse. "Umalis na tayo dito delikado!" sabi ni Brix sabay paandar ng sasakyan.

"Tulungan natin sila" wala sa sariling sabi ko. Napatingin naman silang dalawa na ani'moy nagulat at nagtatanong ang mga mata. Tumango ako at nginitian sila.

Ganon pa rin sila nakatingin sa akin. Gulat na nakatingin si Brix at si Niel naman ay nakatitig lang. Nginitian ko sila. Maya maya pa ay.

"Tutulungan natin sila" pag sang ayon ni Niel. Tinignan ko ito at nginitian. "Right Brix?" Tanong ni Niel kay Brix. Napatingin naman kaming dalawa ni Niel sakanya.

Dork PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon