DP-1

18 5 2
                                    

Chapter 1

"OWEEEEEN!!!!!!!" sigaw ni daddy sabay katok ng malakas sa pinto. Hay nako si daddy talaga, ang aga aga sigaw, di niya ba alam na may tulog pang kapitbahay. Nakakahiya. Tss.

"Morning too" sabay halik ko sakanyang pisngi, Akala niya siguro tulog pa ako. Kaya nagulat nalang siya na makitang nakabihis na ako. Sa dati ko kasing School e lagi akong late kung hindi late e absent! Ganon ako. Pero di naman mababa ang grades ko, dahil sa bawat late at absent ko ay bumabawi naman ako.

"Akala ko natutulog kapa rin e" aniya "Ngapala anjan na mga kaibigan mo sa labas, kanina pa nag iintay ang bagal mo kumilos" Himala ang aga ng mga tukmol. Tss. Alam ko na mga balak ng mga yan. Sabay kuha ng tinapay at palaman sa Lamesa. Sabagay First day of School nakakahiya naman kung late kami.

"Hayaan mo mamuti mga buhok nila kakahintay dy" sabi ko sabay kagat sa tinapay. Habang kumakain ako ay susuotin ko na ang mga pinamili ko kahapon.

Ano kaya magiging reaksyon nila hahaha. Bahala. Bahala rin sila maghintay, ang kukulit kasi sabi ko sakanila na wag nang sumabay sa akin kasi--.

"Nak? Ano yang suot mo? Bat ganyan itsura mo?"ani daddy. Ano bang mali sa suot ko? Paldang flower flower na hanggang ankle, long sleeve na puti, at salamin para kunyare NERD.

"Dy may lakad ka?" Iniba ko nalang ang usapan. Aga naman niya. Kasi sa trabaho niya ay 12pm siya pumapasok ngayon, 9am palang nakaligo na siya at mukhang may lakad, papasok ba siya? Nakaka panibago lang. Nga pala Teacher ang Daddy ko, Joen Rox Ayala ang name niya. 35 years old na siya. 10 years na siyang Teacher. Cool diba.

"Yup! Marami akong studyante ngayon, kaya maaga ako dalian mo jan at malelate kayo anong oras na" aniya.


Habang nag aasikaso ako ay magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Mwoen Jia L. Ayala MJ for short you can call me WEN/OWEN too. 17 years old, BABAE, simpleng tao lang ako. Galing kaming ibang bansa doon ako nag aral ng High School simula 1st-3rd year kaso bigla kaming pinauwi ni daddy, kaya andito kami sa Maynila. Tama ang nababasa mo KAMI, kasama ko ang mga kaibigan ko mamaya ko na ipapaliwanag. jaa nee~

Pagkatapos ko ay inubos ko na ang tinapay ko and nag paalam na kay daddy "Dy Alis na kami" pagkalabas na pagkalabas ko sa bahay, bumungad ang mga naka busangot na mukha ng mga tukmol hahaha.

"Akala ko wala ka nang balak pumasok e." sabi ni X, Xander Tan, 17 years old, My bestfriend since Grade 4. Masayahin, Gwapo, Pero Laitera kaya kapag nakasama moto puro lait matatanggap mo, kaya dapat dika pikon. Pero para sa amin ay di kami napipikon sakanya dahil sanay na kami sa isa't isa.

"Ulol, maaga pa nga to e!" sabi ko, sabay sakay sa kotse ko, tinatamad ako mag drive. kaya sa passenger seat ako sumakay si X nalang ang pinag drive namin, sabay-sabay daw kasi kami papasok sa 'NEW SCHOOL' kuno, na pinag enroll-an namin. Kahapon lang kami nag enroll, buti nga e nakahabol pa kami e.

"Kahit anong gawin mong hilod sa katawan mo MJ di kana
Tatangkad" Sabi naman ni Tim, Timothy Scott, 17 years old din My bestfriend too since Grade 4. Babaero sa tropa, syempre Gwapo rin, Maganda Katawan. Di ko pinagnanasahan kaibigan ko a! Sadyang Honest lang ako, Ayan ang dahilan kaya lapitin ng babae.

"Anong konek non? Gusto mo ikaw hiludin ko hanggang sa dumugo balat mo?" sabi ko sabay irap. Siraulo talaga to si Tim kahit kelan. Nagsihagikgikan naman sila na mga parang tanga. Yung totoo? Mga baliw ba sila?

"Ganyan naba talaga suot mo palagi wen?" napalingon naman ako sa nagsalita si Niel, Daniel Ford 17 years old, Siya ang pinaka matalino sa amin matalino naman kami di lang kasing talino nya ganon hahaha, napaka seryoso neto lagi, Masiyahin rin naman ito, nakikipag usap lang siya sa mga kaibigan lang niya which is kami.

Nakuha namin ang atensiyon ng tatlo kaya sinuri nila ang suot ko. Ang mga tukmol kung maka tingin parang nasusukang ewan! Kanina pa nila ako kasama ngayon lang napansin, kung hindi pa sinasabi ni niel. Bigla tuloy ako nailang. Tignan ba naman nila katawan ko. Tss.

"Hoy! Mga mata nyo, baka gusto nyo dukutin ko yan." Sabi ko "Bakit niel may problema ba sa porma ko?" Sabay ngisi ko.

Natawa siya. Tss. Iba talaga kapag napapatawa mo yung seryosong tao. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam, dahil bilang lang sa mga daliri namin kung ilang beses palang namin nakikitang tumawa si Niel. Weird diba.

"Wala ang cute mo lang, nasanay kasi kami na laging panglalaki suot mo" aniya. Totoo naman dahil di naman ako sanay mag palda, dress o bestida.

Kailangan ko lang magmukhang NERD dahil sa school na'to ay walang nakakakilala sa totoo naming pagkatao. Na kung ano talaga kami, hindi kami masamang tao o sindikato hahahaha gusto lang namin ay makapag tapos ng pag aaral, pagkatapos ay babalik na kami sa US.

"We're here" ani Brix na pupungay pungay pa ang mata, nagising ata sa kadaldalan namin mukhang antok pa si gago. Brix Perez, Antokin talaga yan, Mabait, Masiyahin, Matakaw kaso di tumataba kaya namemaintain ang kagandahan ng katawan.

Silang Apat magaganda ang katawan kaya maraming nagkakagusto sa kanila, May sari sarili silang ka gwapuhan kaya maraming babaeng nakikipag kaibigan sakin mapalapit lang sakanila. Tss.

"Una na ako bababa, wag nyo akong papansinin sa loob ng Campus a! Kahit ano mang mangyari WAG" sabi ko sabay sikbit ng bag ko sa likod. "Kita kita nalang tayo sa loob mga tukmol" sabay labas ng kotse.

Ano kaya magiging buhay ko sa loob ng School na ito? Tanong ko sa sarili ko. Si Dad naman kasi kung kelan last year nalang namin e tsaka pa kami pinauw-

"Aray!" Pota naman o! Sino ba tong Gagong to! Sabay tingin sa lalaking nakabangga ko.


"Hoy NERD tignan mo ginawa mo sa Uniform ko!" Sabay turo ni Gago sa uniform niya sa puting puti na akala mo binabad sa zonrox ng ilang buwan na mantsahan ng ano yan? Juice? Aga aga juice? "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" Sabay tulak sakin kaya natumba ako. Tangina sakit ng pwet ko.

"Gago ka pala e! Sarili mong katangahan sinisisi mo sa iba" sabay tulak rin sakanya na mas malakas kaya natumba siya tas nauntog pa sa bakal. Tss. Buti nga sayo. Bilis ng karma ni gago.

Pag tingin ko sa paligid ang dami palang nanonood. At ang mga babae mga nanlilisik ang mga mata. Tss. Akala ba nila matatakot ako? Di porket naka NERD attire ako e diko sila papalagan. Shit! Oo nga pala! Nakalimutan kong mag panggap nerd pala dapat ako.

Dork PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon