~I saw an old friend of ours today , she asked about you and I didn't quite know what to say~
Nakita ko ang isa sa mga matalik nating kaibigan kanina, nagtanong siya sakin tungkol sayo. Pero 'di ko alam kong ano ang sasabihin ko.
~Heard you've been making the rounds 'round here. While I've been trying to make tears disappears~
Nakakainis rin minsan ang buhay na meron tayo. Minsan hindi tayo nakokontento. Sinasabi nating kontento na tayo ngunit ang totoo'y hindi.
May kulang palagi sa puso natin. Gaano man karaming materyal na bagay na meron tayo ngayon, hindi iyon basehan upang maging maligaya tayo.
Minsan sa buhay natin, kailangan natin ng pagmamahal.
Pagmamahal galing sa pamilya.
Pagmamahal galing sa mga kaibigan
At
Pagmamahal galing sa taong mahal natin, taong hinahangaan at taong ating nagugustuhan.
At ang pagmamahal na iyon ay hindi natin makukuha kailanman. Dahil, ang taong minamahal natin minsan , ay may mahal ng iba, at alam nating hindi TAYO yun.
~Now I'm Almost overyou, I've almost shook these blues. So when you come back around, after painting the town, you'll seeI'm almost over you~
Matapos mong lagyan ng kulay ang madilim kong buhay, umalis ka na.
Apat na taon na itong nararamdaman ko para sa iyo.
At mag-iisang taon ka nang wala rito kasi pumunta ka na sa ibang lugar.
Lugar na malayo rito.
Clary, kumanta ka, maganda naman pala ang timbre ng boses mo eh. Huwag mong ikahiya. Sabi mo nang nakangiti.
Napapikit ako. Naririnig ko na naman ang boses mo sa isipan ko.
Napangiti ako ng mapakla. Di bale, makakalimutan rin kita. Limang taon ka dyan sa lugar na iyan diba? Di bale, makakalimutan talaga kita. Hindi ko kakalimutan ang pagkatao mo, kundi..
...ang nararamdaman ko para sa iyo.
~You're such a sly one with your cold coldheart. Maybe leavin' came easy but it tore me apart. Time heals all wounds and I should know 'coz it's seems like forever but I'm letting you go~
Papakawalan na kita Jaymarc. Kahit mahirap, kailangan.
Napangiti ako ng mapakla.
Hindi ko pa naranasang umiyak ng dahil sa lalaki. Umiyak ng tahimik.
BINABASA MO ANG
I'm Almost Over You
Teen FictionLimang taon kong sinubukang kalimutan ka. Limang taon akong nagdusa at nagpanggap na masaya para lamang makalimutan ka. Limang taon akong nagpaka busy, maalis ka lamang sa puso't isipan ko. Bakit ganun? Kung saka ko na natutunang magmahal at kalimut...