Clarissa Hargreaves's POV
1 week na ang nakalipas simula nang malaman kong si Jaymarc pala ang aming bagong photographer.
Napapansin ko din na palagi siyang nakatingin sa akin.Nandito kami ngayon sa office dahil pinatawag kami ng manager namin.
"Four, anong meron?" Bulong ko sa tenga ni Four na katabi ko lang.
Pinisil ni Four ang ilong ko at ngumiti ng nakakaloko.
"Papakasalan mo na daw ako haha"
Hinampas ko siya sa braso."Lul" napatawa ako sa sinabi niya at di mapigilang di mapangiti.
"Ehem" napabaling ang aming atensyon ng may nag 'ehem'
Nakita ko na nakatingin na pala si Jaymarc sa direksyon namin.Di ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Pero nginitian ko na lamang siya.
Dumating na din ang manager namin na Tita din ni Four.
"This past few days, palagi nalang tayong pagod" panimula niya habang nakangiti.
Nakinig lang kami ng may maramdaman akong may umakbay sakin. Napatingin ako sa kamay niya at napatingin sa taong may ari ng kamay na ito.
Nakita kong seryoso lang siyang nakatingin kay Manager. Di ko alam kung bakit kusa na lamang gumalaw ang mga kamay ko at kinurot ang kamay niya. Haha
"Aray" pasigaw na bulong niya habang nakatingin sakin ng masama.
Napatawa ako at pinandilatan na lamang siya ng mata.
"Galawang breezy mo kwatro" mapang-asar kong sabi.
"Wag mo sabi akong tawaging kwatro. Gusto mo talagang halikan kita no?" Mapang-asar niyang sabi at nag smirk siya. Kinabahan naman ako dun dahil naalala ko naman na muntik kaming magkahalikan nun.
Napatitig na lamang ako sakanya at napababa ang tingin ko sa labi niya at napatingin ulit ako sa mga asul niyang mga mata at napalunok.
"Sabi na. May pagnanasa ka sakin haha"
Natauhan ako at nahampas ko na naman siya ng malakas. Kaasar. -_-
"Asa psh" tugon ko at inirapan siya. Narinig ko pa siyang tumawa.
"Ehem" napabaling kaagad ang aming atensyon kay manager at nakitang nakatingin na pala siya samin.
"Narinig niyo ba ang sinabi ko?" Ha? Sinabi? Meron ba? O sadyang di lang talaga ako nakinig? Haha.
"Uhmm..." di ako makapagsalita. Di ko naman kasi narinig yung sinabi ni manager. Si Four kasi eh.
"Ah yes Tita. Pupunta tayo sa Tagaytay at mag stastay tayo for three days to bask" seryosong tugon ni Four.
"Hmm. Yes. So this coming Friday, aalis na tayo okay? And by the way, isasama ko ang bago nating photographer para at least naman kahit magpapahinga tayo ay magkakaroon padin tayo ng pictorial." Nakangiting sabi ni Manager.
BINABASA MO ANG
I'm Almost Over You
Fiksi RemajaLimang taon kong sinubukang kalimutan ka. Limang taon akong nagdusa at nagpanggap na masaya para lamang makalimutan ka. Limang taon akong nagpaka busy, maalis ka lamang sa puso't isipan ko. Bakit ganun? Kung saka ko na natutunang magmahal at kalimut...