Four Clinton's POV
Nginitian ko nalang ang fans ko at hinarangan na sila ng mga guards.
Nagtungo na ako sa backstage habang nakangiti.
Aamin na ako kay Clarissa, aaminin ko na sakanya na ako si FLC.
Nang makarating ako sa backstage, unti unting nawawala ang ngiti sa labi ko
Nakakita ako ng isang eksenang hindi kanais-nais na siyang naging dahilan ng pagkirot ng puso ko at pagkuyom ng palad ko.
Isang lalaking umiiyak habang niyayakap si Clarissa.
Nakatalikod si Clarissa sa direksyon ko.
"Miss na miss na kita Clary"
Shit lang. Gusto kong makapatay. Selos, nakakapatay pero pag tinamaan ka, gustong gusto mong makapatay.
Aalis na sana ako nang magsalita si Clarissa.
"P-po? Ahm.. Kuya, hindi po ako si Clary." Sabi niya at kumalas sa yakap sa lalaki. Mukha siyang pamilyar sa akin.
Namumukhaan ko siya.
Nakita kong nagulat ang lalaki sa inasta ni Clarissa.
"Hindi mo ba ako kilala.. Clary?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki. Nakita ko rin na nagtatakang umiling si Clarissa sakanya at ngumiti ng pilit.
"P-pasensya na po talaga kuya ha? Pero hindi po kasi kita kilala at natatandaan man lang. Pasensya na po talaga. Aalis na po ako, baka hinahanap na po ako ng manager ko" ngumiti lang si Clarissa at tumalikod na.
Nagulat siya nang makita ako pero seryoso ko lang siyang tiningnan. Napatingin siya sa kamay ko at nagmamadali siyang lumapit sakin.
"Napano yang kamay mo? Bakit dumudugo yan? Four, My gosh. Ano bang nangyari--" sa di malamang dahilan niyakap ko siya at naramdaman kong nabigla siya at yumakap rin sakin pabalik.
Di ko namalayang inihampas ko pala ang kamay ko sa pader ng napakalakas.
Tumingin ako sa direksyon ng lalaki kanina at nakitang wala na siya.
Ito na ba ang sinasabi ni Tris?
Fuck! What the fuck! Jaymarc, bakit ngayon pa?!! Bullshit. Kung kailan aamin na ako, saka ka lang babalik.
-------------********-------------Jaymarc's POV
Napatawa ako ng mapakla habang nakahawak sa manubela.
"K-kuya? Are you okay? Nawala ka kasi kanina eh. Diba sabi ko , I'll be back? Sayang hindi mo na meet ang mga friends ko" sabi ni Bianca habang nag tetext.
BINABASA MO ANG
I'm Almost Over You
Teen FictionLimang taon kong sinubukang kalimutan ka. Limang taon akong nagdusa at nagpanggap na masaya para lamang makalimutan ka. Limang taon akong nagpaka busy, maalis ka lamang sa puso't isipan ko. Bakit ganun? Kung saka ko na natutunang magmahal at kalimut...