Chapter 3: Ensayo

4 0 0
                                        

Astrid's POV

   Masama na ang aking tingin saking kaharap. Hinihingal ako habang nanginginig ang aking mga kamay na nakahawak sa aking itim na espada, ang espadang ito ay ginawa ng pinakamagaling na blacksmith sa aming tribo. Ang blacksmith na iyon ay ibinabase sa taong mag mamay-ari ng espada ang bawat detalye nito. Ang aking espada ay may lapad na isang dangkal at may habang isang dipa, masasabi kong isa itong dual blade dahil sa mga talim sa likod ng espada, ang gitna ng espada ay may guhit na pula hanggang sa mismong hawakan nitong kulay pula rin.Tagaktak ang aking pawis na bumabasa saking pulang kasuotan na hapit saking katawan. Magulo na din ang aking buhok na nakatali ng mataas upang hindi makasagabal saking ensayo. Kasalukuyan kaming nasa isang malawak na espasyo sa gilid ng talon na aking paboritong lugar.

  " Sumusuko kana ba binibini?" Nakangising wika ni Elder Carleo. Sya ang naatasang mag turo sakin ng mga dapat kong malaman sa pakikipaglaban. Malaki ang tiwala sakanya ni ama pagkat sya ang pinaka malakas sa aming tribo sa pakikipaglaban. Pisikal na laban man o may gamit na sandata. Aaminin kong kamangha mangha ang kanyang kakayahan at nararapat lamang sya para sa titulong pinakamalakas. Ngunit naiirita ako sakanyang kayabangan. Tsk ! Pangisi ngisi pa ang bwiset.

  Ngumisi rin ako upang ikubli ang aking inis. "Yun na ba yon elder? Yun na ba ang totoong lakas mo?" Nangungutya ko pa syang tinignan upang mainis din sya hehe.

Sumeryoso ang mukha ni elder Carleo bago ako matiim na tinignan. "Kung aking ibibigay ang isangdaang porsyento ng aking lakas ay siguradong hindi tatagal ng sampung minuto ang ating ensayo binibini." Carleo

"Masyado mo naman ata akong minamaliit?" Tumayo pako ng tuwid at bahagyang lumiyad para ipakitang hindi ko nagustuhan ang kanyang winika.

"Hindi ko intensyong maliitin ka binibini pagkat ako lamang ay nag sasaad ng katotohanan." Carleo

"Kung gayon, simula sa araw na ito ay nais kong ibigay mo ang isangdaang porsyento ng iyong lakas." Matatag kong sinabi ang bawat salita upang bigyang diin na seryoso ako saking nais. Sinalubong ko ang matiim na titig ni Carleo upang ipaalam sakanya na hindi matatapos ang argyumentong ito ng hindi ko sya napapapayag.

"Kung iyan ang iyong nais ay pagbibigyan kita." Carleo

Napangiti nalang ako saking narinig " Mabuti naman-"

"Sa isang kundisyon binibini." Nakangising putol nito sa akin. Tsk Bastos!

"Ano naman yon?" Pinaningkitan ko pa sya ng aking mata para damang dama nyang naiinis nako.

"Sating ensayo ay kailangan mo akong magalusan, isang sugat lang sa kahit saang parte ng aking katawan binibini. Ito ay kung may sapat kang kakayahan?" Mapaghamon nyang turan na akala naman nya ay ikinagandang lalaki nya ang kahambugan nyang ito.

"Hmp! Magsimula na tayong muli kung ganon." Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay agad na akong sumugod sa hambog na matanda. Pawasiwas kong inihampas sakanya ang hawak kong espada na agad naman nyang naharang ng kanyang asul na espada. Umatras ako ng isang hakbang at mabilis na umikot kasabay ng mabigat na hampas ko sa aking espada na nakapag paatras sakanya. Sinamantala ko ang pagkakataon gamit ang aking kanang paa ay sinipa ko sya sa sikmura subalit mabilis nyang nasalo ang aking paa gamit lamang ang isang kamay, hinila nya ang aking paa at mabilis akong pinaikot ikot sa ere, nabitawan ko nalamang ang aking armas at napasigaw ng malakas ng bitawan nya ako at marahas na tumalsik sa kung saan.

  "Waaaahhhhhh !" Mabuti nalamang at likod ko ang kumayod sa lupa na may damo at may kasama pang bato kung nagkataong nakadapa ako ay baka nabalatan na ang aking mukha. Matapos kong sumadsad sa lupa at gumulong gulong ay nagdilim na ang aking paningin. 'Ahhh Tanda! may araw ka rin.' hilong banta ko sa isip.

Carleo's POV

Naitakip ko na lamang ang aking kamay saking mata matapos matabunan ng alikabok si binibining Astred. 'hmn. Mukhang napasobra ang aking ginawa. Patay'

"Dino paki buhat ang binibini at ihatid sa kanyang silid. Ipatawag ang manggagamot at mukhang napinsala si astred."

"Masusunod po Elder Carleo." Dino

Napabuntong hininga na lamang akong muli habang tinitignan ang pagbuhat sa dalaga ng aking kanang kamay na si Dino. Nalalapit na ang ika-labing anim na taon ni astred, Ito ang edad kung saan sinabi ni pinunong Arthur na dapat ay handa na ang binibini. Kung para saan ay sya lang ang nakakaalam.

'habang lumalaki si Astred ay sya namang pag babago ng pisikal nitong anyo. Hindi maikakailang napaka ganda nitong dalaga, ang mapula nitong mata ay talaga namang kakaiba. Sa buong buhay ko ay sya pa lamang ang nakitaan ko nang ganitong mata. Ang kulay ng kanyang buhok ay naiiba rin. Dati itong purong kulay ginto ngunit habang lumalaki sya ay nahahaluan ito ng pula. Sino ba talaga ang batang ito Arthur?' sa isip ni Elder Carleo habang pinupulot ang espada ng dalaga. 'maging ang espadang ito ay kakaiba rin'. Kung ano man ang iyong hinaharap Binibini, sana'y magtagumpay ka.

3rd Person POV

Makalipas lamang ang dalawang araw ay muling bumalik sa ensayo si Astred. Kating kati sya makaganti kung kaya't wala na syang sinasayang na sandali. Nagtagumpay rin sya sa hamon ni Elder Carleo kung kaya't ang mga sumunod na araw ng ensayo ay talaga namang hindi basta-basta. Lahat ng armas ay ipinagamit sakanya ni Elder Carleo.  Lahat ng maaring ituro sa pakikipaglaban ay kanyang itinuro sa dalaga. Alam nyang naging marahas sya sa ensayo nito ngunit wala syang magagawa pagkat para rin ito sa dalaga.

Lumipas ang siyam na buwan at bukas na sasapit ang ika-labing anim na taon ni Astred.

Hindi mapalagay sa loob ng silid aklatan si pinunong Arthur. Bakas sa kanyang mukha ang matinding pagalala sa isang bagay na nakatakdang maganap. Naisin man nya itong pigilan ay wala syang kakayahan. Napapabuntong hininga syang tumayo at lumabas ng silid. Sa paglabas nya ay ang pag salubong sakanya ni snow. Tahimik lamang ang lobong nakatingin sakanya. Ang mata nito ay matiim na nakatitig kay Arthur na para bang may nais ipahiwatig.

"Ama! Nariyan po pala kayo. May nais po akong sabihin." Si Astred na kapapasok lamang ng bahay.

"Ah anak. Ano iyon? Halika't dito sa loob natin pag usapan." Arthur

Matapos muling tignan ang lobo ay tumalikod na ito at muling pumasok sa silid. Kasunod naman si Astred na tinapik muna ang lobo bago marahang pumasok at sinara ang pinto.

" Ama bukas nga po ay akin nang kaarawan, abala na rin ang ating mga katribo sa paghahanda sa magaganap na paligsahan." Sabik nitong pagbabalita.

"Hmn Mabuti naman kung gayon. Handa ka na ba?" Arthur

"Handang handa na Ama! Dahil sa kaarawan ko iyon ay sisiguruhin kong ako ang Manalo!" Tugon ni Astred na may desididong ekspresyon.

"Kung gayon ay galingan mo anak. Ano man ang mangyari bukas ay kayanin mo sana." Marahang hinawakan ni Arthur ang kamay ni Astred na nakapatong sa lamesa. "Mahal na Mahal kita anak." May gusto pa sana itong sabihin ngunit nagpasya itong huwag nang ituloy.

Naguguluhan man si Astred ay ngumiti na lamang din ito ama. "Mahal din kita ama." Tumayo na ito at nag paalam. "Mauuna narin po ako upang magpahinga ama." Matapos makalabas sa silid ay napahinto si Astred at marahang tumitig sa pintong nilabasan. 'May bumabagabag saking ama, kung ano man ito'y sana hindi na tumagal pa.' dahil sa wala namang ina na naabutan si Astred na ayon sa kanyang ama ay namatay pagkasilang sakanya ay itinuon nya ang pagmamahal sa ama na tumayo na rin nyang ina. Ang lahat ng kanyang pagsisikap ay para sa ama. Para mapasaya ito at para matulungan ito at ang tribo. Nais nyang iangat ang kanilang estado sa abot ng kanyang makakaya.

Na hindi kailan man mangyayari dahil sa isang malupit at masakit na trahedyang magaganap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden Legendary GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon