Chapter 2: The Chaos

12 3 0
                                    

Malakas na hampas sa lamesang kahoy ang nagpatahimik sa isang silid pulungan sa tribo ng Nirvana Moon Family. Makikita ang nagdidilim na anyo ni Arthur sa harapan ng lamesa.

Kasalukuyang nag pupulong sina Arthur at ibang elder ng tribo sa naturang pamilya dahil sa pagkupkop sa isang winged white wolf. May sumasang ayon sa ideya pero meron din namang natutol dahil sa posibleng panganib na dulot nito.

"Walang magandang maidudulot ang init ng ulo nyo sa pagpupulong na ito! Wala na tayong magagawa kung hindi ang kupkupin at hayaang alagaan ni Astred ang lobo. Kusang sumama ang lobo na iyon sa kanya at hanggat wala itong masamang naidudulot ay mananatili ito sa ating tribo."pinal na wika ni Arthur.

"Pero paano kung mabalitaan ng ibang angkan ang tungkol sa winged white wolf na ito? Oh ng mga maharlika? Siguradong gagawa sila ng paraan upang makuha ito. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ganitong uri ng lobo ay bibihira lamang, o mas tamang sabihing 'nagiisa lamang?"  Hindi mapalagay na saad ng pangalawa sa nakatataas sa angkang ito, si elder brutos.

"Ang lobong iyong ay hindi basta basta, paanong napunta ito sa ating lupain? Alam nating isa itong spirit guardian." Si Payne ang tinuturing na pinaka matalino sa tribo dahil sa hilig nitong magbasa ng mga libro.

"Spirit guardian?! Sigurado Ka ba riyan Elder Payne? Kung totoo mang isa itong spirit guardian ay kailangan natin itong ipag bigay alam sa Hari!" Elder Carleo, ang pinaka malakas sa pakikipaglaban sa kanilang tribo.

"Hindi, hindi ito maaring malaman ng ibang angkan lalo na ng maharlika. Maari tayong manganib at lusubin ng ibang tribo o grupo." Elder Payne

Napapaisip ng malalim ang mga nasa lamesa kung ano ba ang maaring gawin.

"May maimumungkahi kaba elder Payne?" Pinunong Arthur.

"Ilihim muna natin ang bagay na ito. Ang isang spirit guardian ay namimili ng kanyang tahanan. Kung sumama ito kay Astred ay ibig sabihin lamang na may koneksyon ang dalawa." Elder Payne.

"Sang ayon ako kay Elder Payne, matyagan muna natin ang lobo kung mananatili ito o aalis din." Elder brutos

Napatango tango ang lahat hudyat na sang ayon sila na ilihim muna ang bagay na ito para narin sa ikabubuti ng kanilang tribo.

"Kung gayon ay aking ipinaguutos na walang lalabas na balita tungkol dito para sa kaligtasan ng ating angkan." Madiin na saad ni pinunong Arthur.

Matapos ang pag pupulong ay bumalik na sakanya kanyang gawain ang lahat. Samantalang patungo si Arthur sa kanyang tahanan upang makita ang lagay ng anak.

ASTRED POV

"Waaahhhhh snow!! Wag!!!!" Sigaw ako ng sigaw habang tumatakbo patungo sa luob ng aming tahanan. Nakikipag laro ako kay snow, Hindi ko na alintana ang putik na nakabalot saking katawan na tumutulo sa sahig ng aming bahay. Wala narin akong pake sa mga gamit na kumalat dahil naka harang saking daan. Basta maka layo ako kay snow dahil pag naabutan nanaman nya ako ay siguradong kikilitiin nanaman nya ko.

Tumakbo ako patungo sa lamesa at umikot muli upang tumakbo palabas nahihirapan si snow sa paghabol dahil sa sikip ng lugar para sakanya nang mabunggo ako sa isang malapad at matigas na bagay. Napaupo ako sa sahig at napaungol, pero hindi ko na nainda Ang sakit ng parang kulog na dumagundong ang boses ng aking ama sa lugar na sa aking pakiwari ay narinig sa buong nayon.

"Astred!!!! Ano sa palagay mong ginagawa mo?!!!!" Hiyaw nito ng buong pwersang may talsik pa ng laway. Palihim nalang akong napaiwas. 'argh patay'.

Namumutlang napatitig nalang sya dito. Hindi nya alam kung natatakot sya sa galit nito sa kanya o mas natatakot syang mapatid ang litid nito dahil sakanya.

"Ama... " bulong nya 'baka maputukan ka ng ugat' dugtong nya sa isip na kung maririnig ni Arthur ay baka masakal sya nito. Nakagat nalang nya ang labi sa nerbyos.

Ultimo ang white wolf nya ay hindi nagawang lumapit sakanya,marahil ay natakot din ito sakanyang ama.

"Maligo ka at sumunod sa silid aklatan!" Nanggigigil nitong saad bago tumalikod sakanya at umalis.

Nag mamadali akong sumunod sakanyang utos. Batid kong mapaparusahan ako saking kasalanan subalit hindi ako papayag na ako lang ang tatanggap sa parusa. Dapat si snow din dahil sya ang dahilan nito.

Nasa tapat nako ng silid aklatan ni ama, saking tabi ay mahigpit akong nakahawak sa balahibo ni snow, nais kong dalawa kaming haharap kay ama. Kumatok ako ng tatlo sa pinto na patungo saking katapusan.. huhuhu

"Pumasok ka!" Narinig kong boses ni ama. Naisin ko mang tumakas sa parusa ay hindi ko magawa. Alam kong mas bibigat ang parusa pag ginawa ko yun.

Maingat akong pumasok sa loob ng silid at marahang humakbang patungo saking naka upong ama sa likod ng malaking lamesa. Napapangiwi akong ngumiti sakanya at kumurap ng marami bilang pag papaawa dito na natuloy sa tuluyang pagpikit ng ihampas nito ang kamay sa mesa.

"Kailan pa naging palaruan ang loob ng bahay Astred?" Madilim ang mukang wika ni ama.

"Ama.. si snow po Kasi.. -" napalingon sa gawi ko si snow ng marinig ang kanyang pangalan, napakurap pa ito na animo hindi makapaniwalang siya ang sisisihin ko. Hehehe

"Hinahabol nya ako ama.. at pag hinahabol nararapat lamang na tumakbo palayo hindi po ba?" Painosente kong katwiran.

"Simula ngayun Astred hindi kana gagawa ng kahit anong kaguluhan sa loob ng bahay nato o ibabalik ko sa gubat ang iyong alaga."pinal na desisyon ng aking ama.

"Masusunud po ama" mahinang tugon ko pero sa luob ko nag iisip nako ng paraan kung pano pupuslit kay ama.

"Kung nais mong makasama ang iyong alaga ay kailangan mong sundin ang kaakibat nitong responsibilidad astred. Ang isang winged white wolf ay hindi ordinaryong hayop lamang, ito ay may pambihirang kakayahan na angat sa ibang hayop. May sarili rin itong pag iisip at hindi basta napapaamo ng ordinaryong tao lamang. Kailangan mong tandaan anak na ang bagay na ito ay dapat panatilihing lihim lamang, Yun ay kung gusto mong manatiling sayo ang wolf na ito." Mahabang paliwanag sakin ni ama at nakikita ko sa mata nya ang bigat ng usaping ito.

"Naiintindihan ko ama. At masusunod po." Wika ko sabay yuko bilang tanda na gagawin ko ang nais nya.

Arthur's POV

     Napahinga na lamang ako ng malalim habang nakatingin sa aking anak na nanatiling nakayuko. Panatag ako na gagawin nya ang aking bilin. Tumayo ako at lumapit sa aking anak marahan kong ipinatong ang aking kamay sa ibabaw ng kanyang ulo upang ipaalam na umaasa ako sakanyang salita.

"Sige na, bumalik kana sa iyong silid at magpahinga upang may lakas ka sayong ensayo at aralin mamaya."

Matapos marinig ang aking sinabi ay agad napatingin sakin si Astred, bakas sakanyang mukha ang pagkasabik. Napangiti nalang ako ng mabilis na tumalikod sya at magtatakbo pabalik sakanyang silid. Labis ang kanyang hilig sa pag aaral ng tamang paggamit sa mga armas gayundin ang pagkatuto sa pakikipaglaban gamit ang pisikal na lakas. Wala man kaming kapangyarihan at mga ordinaryong mamamayan lamang ay mayroon naman kaming pisikal na lakas para sa pakikipaglaban. Ngunit iba si Astred, pagsapit ng kanyang tamang edad ay ang paglabas ng kanyang kapangyarihan, Kung ano ito ay hindi ko rin alam. Sana lamang ay handa ang kanyang katawan sa oras na iyon. Kailangan mong magpalakas habang bata kapa kailangan mo nang maintindihan ang lupit ng mundong ito. Kung maari lang kita itago habang buhay, Pero hindi maari. Wala akong sapat na lakas upang gawin ang bagay na iyon aking anak.

The Hidden Legendary GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon