Prologue: The Cloak and Arrow

15 3 0
                                    

Sa isang tagong kagubatan, maririnig ang awit ng mga ibon, huni ng mga insekto at lagaslas ng tubig mula sa isang talon.

Ang talon ay may taas na trentang talampakan at sa baba ay may malawak at malalim na bagsakan ng tubig na umaagos patungo sa lupain ng Nirvana, isang maliit na angkan sa Aeolus Kingdom, Isa sa apat na kaharian ng kanilang mundo.

Balik tayo sa talon, sa parteng binabagsakan ng tubig ay may isang tagong kweba, sa bungad ng kweba ay nakaupo ang isang nilalang na nakasuot ng itim na balabal at sa likod nya ay nakasabit ang lagayan ng palaso at pana na gawa sa pinakamatibay na kahoy sa kahariang iyon.

Ang kanyang mga mata ay nakapikit at Ang kanyang pag hinga ay pantay at payapa na para bang nasa isa lamang syang mahimbing na pagtulog.

Sa hindi kalayuan ay isang maliit na nilalang ang lumilipad papalapit sakanya. Nag lalabas ang katawan nito ng berdeng uri ng liwanag.

Nang makalapit ang munting nilalang sa nilalang ay agad itong lumapit sa kanyang tenga at nagsalita.

"Ito na ang tamang oras Mistress." Maliit pero matinis ang tinig ng munting nilalang na nag pamulat sa kanyang mistress.

Ang kanyang pares ng mata ay kulay pula at matalim tumitig. Pares ng matang hindi mo nanaising makatitigan sapagkat ang mga matang ito ay napakalamig at walang ibang emosyon kundi ang pagkasabik, pagkasabik sa isang bagay na matagal nang pinaka aasam at ngayong dumating na ang tamang oras walang sinuman ang makapipigil sa kanya.

Gumuhit ang isang malamig na ngiti sa kanyang labi ngunit ang kanyang walang emosyong mata ay nabahiran ng poot.

The Hidden Legendary GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon