Sa angkan ng Nirvana Moon Family ay simple lamang ang pamumuhay sapagkat isa lamang sila sa pinakamaliit na angkan ng Aeolus kingdom. Hindi sikat at walang kapangyarihan.
Subalit masaya ang kanilang angkan sa kung ano ang meron sila, Hindi sila nag hahangad ng kung ano pa man. Ang kanilang Pinuno ay si Arthur Nirvana mag iisang daang taon na syang nabubuhay, at matagal na din ng namayapa ang kanyang butihing asawa.
Habang pinagmamasdan ni Arthur ang ginagawang pagtatanim ng kanyang mga myembro ay humahangos na lumapit sakanya ang taga bantay ng kanyang nag iisang anak. Mababakas sa mukha nito ang labis na pagod at takot kung kaya naman napakunot ang kanyang noo.
"Anong problema Diego?" Mahinanong tanong nya kay diego na agad namang lumuhod sakanyang harapan.
"Pinunong Arthur! Paki usap! Patawarin nyo po ako sapagkat hindi ko nagampanan ng maayos ang aking tungkuling bantayan Astred!" Nanginginig na pahayag ni Diego.
Agad namang nabahala ang mukha ni Arthur. " Anong nangyari? Nasaan Ang aking anak?!"
"Kanina lamang po ay nakiusap ang munting binibini na mamasyal kame sa talon na sakop ng ating lupain hindi po ako nakatanggi kung kaya't sinamahan ko sya pero habang pinapakuha ako ng aking alaga ng mga hinog na bunga ng puno ay bigla nalamang syang nawala hinanap ko na sya haggang sa hangganan ng ating lupain sa gubat sabalit hnd ko nakita ang munting binibini!" Nanginginig nitong pahayag.
"Magmadali ka at tipunin ang ating tauhan upang mag hanap muli sa gubat." Ang binibini ay hindi maaaring mawala o mapahamak man lang.! Sa isip ni Arthur.
Nang matipon ang hukbo ay agad silang pumasok sa gubat at nag halughog, malapit ng mag takip silim kung kaya't lalong nadagdagan ang pangamba ng Pinuno.
"Halughugin ang kasuluksulukan ng gubat! Walang titigil hanggat wala si Astred! Hindi sya maaaring abutin ng dilim sa lugar na ito!" Malakas na sigaw ni Arthur. Pag sumasapit ang dilim ay naglalabasan ang mapapanganib na uri ng halimaw sa gubat na ito.
"Pinunong Arthur! Ang munting binibini!" Namumutlang sigaw ng dumating na si Dino.
Labis na kaba ang nadama ni Arthur ng makita ang takot sa mukha ni dino. Hindi nya makakayanan kung may mangyayaring hindi maganda sa kanyang nag iisang anak.
"Asan sya? Magsalita ka!" Arthur
"Sa tabi ng talon pinuno!" Pinapawisan nitong hayag.
Agad na nag tungo si Arthur sa nasabing talon upang lubos na magulat at matakot sa nasaksihang lagay ng kanyang anak.
"A-Astred" kanda utal nitong tawag sa anak. Ang mga tauhan naman ay hindi mapigilan ang mapaatras sa lagay ng munting binibini.
Nang marinig ng munting binibini ang boses ng kanyang ama ay agad nagliwanag ang mukha nito at makikita ang pagkislap ng magagandang pares ng pulang mata nito. Subalit ng madako ang kaniyang paningin sa kanyang taga bantay ay agad na napasimangot ang munting binibini.
"Hmph! Diego, anong naiisipan mo at iniwan moko sa gubat na ito? Kalahating araw na akong nag hihintay sayong pagbalik. Muntik ko nang isiping isa akong pusang iniligaw ng landas kagaya ng puting pusang ito." Naka simangot nitong pahayag.
Sa narinig na pahayag ng munting binibini ay napalunok ang ilan sa tauhan ng kanyang ama at ang iba naman ay napanganga.
"M-munting b-binibini!" Kung kanina ay namumutla si Diego sa pagkawala ng binibini ngayon naman ay tuluyan ng nawalan ng kulay ang kaniyang mukha.
"Mabuti nalamang ama at nakita ko ang pusang ito at ako ay may nakalaro. Hindi ako masyadong nainip sa paghihintay. Nais ko syang kupkupin upang maging alaga ama!" Masigla na nitong saad habang nakangiti sa kanyang ama. Hindi nya pansin ang mga namumutlang mukha ng kaniyang kaharap.
Kung kanina ay napalunok at napanganga lang ang mga ito ngayon naman ay halos sumayad na sa lupa ang kanilang panga sa narinig na sinabi ng munting binibini.
"Astred anak.. una sa lahat ay hindi isang pusa ang tinutukoy mo at hindi natin ito maaaring iuwi upang gawin mo lamang alaga." Napalunok muna si Arthur bago nagpatuloy sa kanyang pahayag. "Ang nilalang na iyan ay isang wolf , Ang pinaka malakas na uri ng Lobo sa buong kahariang ito. At hindi lamang sya basta isang lobo anak.. Isa iyang winged white wolf." Tumutulo ang pawis sa nuong pahayag ni Arthur.
Napakunot naman ang noo ng munting binibini at sinuring mabuti ang katabing 'puting pusa' para sakanya. Nuon lamang nya napansin ang pares ng pakpak sa likod nito. Agad nya itong hinimas himas na nagustuhan naman ng puting Lobo.
"Tama kayo ama! Mayroon nga syang munting pakpak! Pero nais ko pa rin syang iuwi at personal na alagaan!" Natutuwang wika ni Astred.
Agad napaatras ng tatlong hakbang ang mga kawal ng magmulat ng mata ang white wolf at mariing tumitig sa kanilang pinuno, Ang walang emosyong bughaw na mata nito ay nakatutuk lamang sa kanilang pinuno na para bang nag hihintay din ng hatol kung papayag ang pinuno o hindi. Nang mapansing hindi makakibo ang pinuno ay umungol ito ng mahina at tumayo sa pagkakahiga sa damuhan. Agad din namang napatayo ang munting binibini at nakipagtitigan sa mata ng white wolf.
"Nais mo bang sumama sakin sa aming tahanan munting pusa?" Inosente nitong tanong sa kaharap na white wolf.
Napalunok nalang ng laway ang pinuno at ang mga tauhan nito sa narinig na sinabi nya pero mas nagimbal sila ng marinig ang mahinang ungol ng white wolf at ang marahan nitong pag tango sa munting binibini na ang ibig sabihin ay pumapayag ito.
Masaya namang humarap Ang munting binibini sa kanyang ama at marahang nag wika. "Paano ba yan aking ama? Pumapayag ang pusang ito na aking maging alaga. Umuwi na tayo ama, ako ay nagugutom na dahil sa kapabayaan ni Ginoong diego" naninisi nitong sabi sabay tingin ng pailalim sa kanyang taga pangalaga na malapit nang mawalan ng malay.
Napabuntong hininga na lamang ang pinuno dahil alam naman nya sa sarili nya na hindi na sya makatatanggi pa. Marahan syang tumalikod at inutusan ang hukbo upang umuwi na.
Siguradong gulo nanaman ito, ang aking pasaway na anak ay alam na alam kung paano ako bibigyan ng sakit ng ulo at problema. Napapabuntong hiningang saisip ni Arthur habang tinatahak ang daan pauwi. Nag iisip na agad sya ng idadahilan sa ibang myembro ng kanilang tribo sa kung paano nagkaroon ng winged white wolf Ang kaniyang anak.
BINABASA MO ANG
The Hidden Legendary Goddess
AdventureSa mundong aking ginagalawan, Ang mahihina ay walang puwang. Upang mabuhay kailangan mong lumaban, ikaw ang papatay o ikaw ang mamamatay, isang batas para sa lahat. Mundo kung saan lahat ng bagay ay may kapalit. Bawat bagay ay may karampatang halaga...