CHAPTER 3-Her Side ( Part 3)

63 13 0
                                        

JM POV:

Nakapasok na ako sa bahay at kasalukuyang nasa kwarto ko na habang hawak-hawak ang puso ko.

"Nais ko sanang ligawan ka, think about it kung pwede ba? Sleep tight tonight!"

Naalala ko pa ang buong pangyayari, at parang bata na tumatalon at tumitili. Buti nalang nakalock ang pinto kaya di maririnig ni Auntie ang mga pinaggagawa ko.

"Hay!! Ano ba ito? Sobra talaga akong kinikilig !!!! Shemay!!"

Sa gabing yaon ay di ako nakatulog ng maayos batid kong inamin sa sarili ko na may crush nga ako kay Kert na minsan kung tinuri na kahanay sa mga malapit sa puso na mga lalake.


Pero nangagamba siya na matulad ng ina, mas gugustuhin niyang mamatay agad kesa maranasan ang ganoong klase ng pagmamahal. Paano kung iwan siya ni Kert?? Paano kung wala siyang mahanap na iba?? At lalong lalo na paano kung mahalin niya si Kert?? Hay! Buhay nga naman oh!!

Kinabukasan ay tamad-tamad siyang bumangon buti Sabado ngayon at walang pasok. Alas 9 pa ang pasok niya sa restaurant. Nais niya sanang matulog ulit pero napag-isip-isip siya na imbes magmukmok eh maglalaba na lang siya at gawin ang mga bagay na kinagawian niyang gawin bukas eh mas mabuting ngayon niya gawin.

Napagdesisyunan niyang buksan ang puso niya para kay Kert at nangangako na hindi ibibigay ang lahat dahil kung sakaling iwan siya ni Kert ay hindi siya masyadong masaktan. Wala naman sigurong mali kung mahalin niya amg lalake , at tska oras na rin upang ibahin niya ang tingin sa mga lalake. Sana nga lang di siya nagkamali! Dahil sa oras na magkamali siya ay pagsisihan niya iyon habang buhay.

Mga bandang alas 7 na ako natapos maglaba. Buti nalang alas 5 pa ako nagising. Naglinis nalang ako sa bakuran. Nagpahinga saglit. Mga alas 8 na naghanda ako. Pagdating ko sa restaurant ay napaaga ako ng 15 mins. pero nagstart na akong maghugas.

6 pa kasi ay open na ang restaurant, kaya pagdating ko doon ay tambak na ang kanyang hugasin. Noong una ang hilig kong magreklamo ngunit ngayon ay sabik na sabik na akong gawin yaon. Siguro buhat na rin ng pagkasanay. Mga 11 na ng sumulpot na naman si Kert at nangungulit na sabay kaming maglunch. Libre na rin kasi ang lunch at dinner ko dito. Pero minsan dala na rin ng gutom eh umuulit ako sa bahay upang sabayan ang aking Auntie. Ang sweldo ko na P5,000 a week eh binibigay ko kay Auntie ang P3,000 at tinatago ko ang P2,000 para na rin sa mga pangagailangan ko.

Siya: "Sabay na tayong maglunch ha, pls?? Bonding na rin natin" paawa effect pa.

Ako: "Ok lang. Wala naman akong kasabay eh!"

Pagkatapos nun eh umalis na ang asungot pero maya-maya pa ay hinila na ako papasok ng office niya. Alam ko di niya type ang sumabay sa mga costumer kaya batid ko na dito talaga kami sa office niya kakain.

Pagkapasok ko pa lang amoy na amoy ko na ang mga pagkain kaya mabilis akong umupo. Eh ang gago eh mabagal pa naglakad. Ang sama ko naman kung di ko siya hintayin. Kaya pagkaupo niya eh nagsimula agad akong kumain.

Siya: "Hahahahaha ,, atat na atay ha.. PG mo talaga"

Ako: "Kumain ka nalang nga, wag kang KJ pls??

At ayun nga naubos pa namin ang mga pagkain. Akala ko ,,ako lang ang matakaw pati rin pala siya. Sa sobra nga naming katakawan ay hasta ang last na putahe ay pinag-agawan namin pero sa huli hinati niya pero sa akin ang malaki.

Sabi pa nga niya,,

Siya: "Katulad yan ng puso ko , tumingin man ako sa iba,, sa iyo pa rin ang malaki ang porsyento. Wag kang mag-alala hanggang tingin ko lang sila."

Pagkatapos nuon ay gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko.

A/N: Sorry di na ako masyadong nag UUD busy lang talaga. Ty po sa mga nakaintindi. Babawi po talaga ako.

My Knight in Shining ArmorMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon