CHAPTER 1-Her Side (Part One)

117 13 0
                                    

Noong una pa lang di na ako naniniwala sa love at 1st sight. Ano yun ??? Dahil gwapo na-inlove ka agad??

Para sa akin ang love ay isang mahabang proseso. Oo galit ako sa mga lalake kagaya ng ginawa ng totoo kong ama. Pitong taon pa lang ako ng iniwan kaming dalawa ni Mama ng Papa. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon.

Hindi ko masyadong dinamdam yun dahil pinadama naman ni Mama sa akin ang magkaroon ng masayang pamilya kahit kaming dalawa lang.

Dumaan ang dalawang taon at nagkaroon ng bagong kinakasama si Mama. After one year na pagsasama ay nagpakasal sila. Sobrang saya ko nun dahil magkakaroon na kami ng buong pamilya at lalo na itinuri kung tunay na ama ang step-father ko.

Lumipas pa ang tatlong taon na masaya kaming tatlo lalo na nung graduation ko sa elementary.

Ngunit sa pagdaan pa ng mga taon lagi ng nag-aaway si Mama at ang kinikilala kong Papa, dahil sa bisyo at pagkababaero. Akala ko hanggang doon nalang pero hindi pa pala.

Third year high school na ako noon at labing-anim na taong gulang na. Naalala ko pa nun na umagang-umaga nagsisigawan na sila. Halos gabi-gabi na din umiiyak si Mama. Papasok na ako sa campus nun, nagpaalam na ako sa kanila. Nakasanayan ko ng humalik sa pisngi nila, ngunit labis kung gulat na ang lalake ang humalik sa pisngi ko. Inilayo agad ako ni Mama. Alam ko na lasing lang ang lalake.

Masaya pa ako nun sa school ko ngunit di ko inaasahan na may pangyayaring masama sa aming mag-iina kinagabihan.

Pag-uwi ko sa bahay nagulat ako ng hinigit ng lalake ang kamay ko papunta sa kwarto. Hinuhubaran niya ako, alam kung gagahasahin niya ako ,, sobrang malaking impact ito sa akin dahil tinuri ko siyang totoong ama. Nanglaban ako ngunit malakas siya. Maya-maya pa ay dumating si Mama na may dalang kutsilyo. Natamaan sa braso ang lalake buti nalang nakakuha ako ng damit dahil wala ng saplot ang pangtaas ko. Akala ko makakatakas na kami ngunit nadapa si Mama na siyang dahilan upang maabutan kami. Ayokong umalis dahil alam ko ang mga consequences kung aalis ako o hindi.

Ngunit tinulak ako ni Mama sinabi niya na iligtas ko na ang sarili ko. Tumakbo ako ng tumakbo ng medyo malayo na ako ay tinanaw ko si Mama at nakita ko kung paano siya pinatay ng hayop na yun. Gusto king manlumo sa sarili ko nun dahil sa ginawa ko. Galit na galit ako na kahit halos dalawang taon na ang nakalipas at ako ay nasa 1st year college na ngayon ay hindi parin ako nakakarecover.

Buti nga buhay pa ako at nakatapos ng high school kahit wala na akong ibang ginawa kundi ang magloko. Lumipas ang taon ngunit ang alaala ko sa nakaraan ang bumalot ng buong pagkatao ko. Labis akong natrauma dahil nakita ko kung paano pinatay ng walang kalaban-laban ang Mama ko at wala akong nagawa upang iligtas siya. At ang hayop na yun na pumatay ayun nakapiit sa bilangguan at habang buhay na mananatili doon.

Ako nga pala si Jane Marie Velasquez o mas kilalang JM . Nakatira sa bahay ng aking tiyahin na kapatid ng aking yumaong ina. Masyado na akong pabigat kaya maghahanap muna ako ng trabaho na pang-gabi. 1st year college na ako ngayon at taking a course of Business Administration. Oo, boyish ako at NBSB parin sa edad na 19 na taon. Wala akong pakialam sa mga lalake. Hindi ako man-hater dahil kinamumuhian , galit na galit at sira-ulo lang ang tingin ko sa kanila. Masyado lang silang anghel para sa anak ni Satanas na tulad ko.

At sa wakas nakakita rin ako ng establihismo , to be more specific ay isang bar na nangangailangam ng....

Oh ano yang iniisip niyo?? Bartender lang!! Ano ako GRO ?? YAKKKSsSS !!!! NEVER BE,,, OVER MY HOT,SEXY,GORGEOUS BODY.

Hindi na bago sa akin to dahil dito ako mahilig tumambay upang maglasing last year. Pagkagraduate ko sa high school ay hindi agad ako pumasok sa kolehiyo dahil nasasayangan ako sa pera. Oo nga at may kaya si Auntie , lalo pa wala siyang pamilya at ako lang ang tinuturi niyang pamilya, kaya ngayon pumapasok na ako ng tulad sa mga normal na estudyante. Hay!!

Masyado ng mahaba ang kwento ko sa nakaraan kaya dumako muna tayo sa kasalukuyan.

Sa ngayon ay pumasok na ako sa naturang bar, nagulat pa ako ng sinabihan ako ng pasok na, naghihintay na ang customer mo sa loob, maya-maya pa ay may humaplos sa braso ko. Sisikuhin ko na sana ang lalaking yun ng may biglang sumuntok sa kanya.

"Tarantado ka ha!" Sabi ng lalaking sumuntok.

Alam ko na, siguro nagalit siya dahil nais niya siya ang gumawa nun ngunit naunahan siya.

"At ikaw babae, ang bata-bata mo pa nandito ka na sa bar para maghanap ng trabaho. Alam kung di ka maruming babae dahil diyan sa suot mo, pero sana di ka pumunta dito!" sigaw niya sa akin.

May ganito pa rin pa lang lalake kaya lang wala na akong paki.

"At sino ang may sabi na bata ako?? 19 na ako siguro naman pwede na ako dito. Excuse me sino ka para diktaran ako kung saan ko gusto magtrabaho??" pabulyaw ko ring sabi.

"Wala akong paki sayo. Baka gusto mo pang isigaw ko na ako ang may-ari ng bar na to. Kaya kung maari lumabas ka! Baka di mo ko kilala ako lang naman si Kert Steve Hernaez ang anak ni Carlos Hernaez na presidente ng Pilipinas. Mali ang binabangga mo". Sabi niya.

"Aw ok! Pasado ka na, halos binigay mo na ang bio-data mo. FYI wala akong paki, Goodbye Arrogant Guy!!"

Tseee!! Pinapainit niya talaga amg ulo ko. Lumabas na ako sa naturang bar.

Dumaan pa ang ilang araw at sa wakas nakahanap na din ako ng trabaho, ngunit sa di inaasahan ay si Arrogant na mayabang na lalaki ang may-ari ng restaurant. Ang malas ko talaga. Kailan kaya ako bwebwenasin??

Siya: "Uy! What a coincidence nga naman. Nagkita na naman tayo Sungit" sabi niya.

Ako: "Sorry but I resign na po. Baka kasi lalo pang magkagulo at yumaman ka pa lalo sa kayabangan mo pag nandito ako" ganti ko rin sa kanya.

Siya: "Oh well P5000 a week ang sweldo mo dito bilang dishwasher,medyo kaawa-awa ka pa naman. Wag kang mag-alala dahil paminsan-minsan lang ako dumadalaw dito,, so its a deal???" sabay lahad ng kanyang kanang kamay.

Nag-isip ako ng mabuti pero malaki ang sweldo naman at wala siya kaya OK na.

Ako: "Deal" sagot ko. At kinuha ang kamay niya at nag shake hands kami. Bat ganun may kuryente na dumaloy sa kamay ko ng mahawakan ko kamay niya. Kaya agad ko yung binitawan. At ang gago ngumisi pa!

Bakit bigla siyang gumwapo sa paningin ko???

A/N: Sorry kanina ko pinose pero ito pa ang 1st chapter ang taas kasi di ako sanay pero nais ko na before mag end ang March eh tapos na to kaya hope nagustuhan niyo.

Vote, and comment pls. Promise idedecate ko sa inyo ang next chapter :)

KatrinaComedia25

My Knight in Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon