JM POV:
Halos isang buwan na din ang nakakalipas, busy ako at nasanay na sa routine ng buhay ko. Monday to Friday- umaga nasa bahay pa ako at naghahanda sa pagpasok sa school. Pagkatapos ng klase ay pupunta na ako sa restaurant upang magtrabaho. Mga 10 na ng gabi tuwing uuwi ako sa bahay.
Saturday walang pasok kaya sa pagsapit ng 9 sa umaga ay nasa restaurant na ako. Mga bandang 5 na ng uuwi ako sa bahay at syempre Sunday day-off ko, himala naging mabait na ako sabay na kaming magsisimba ni Auntie.
Pag-uwi sa bahay ay maglilinis at maglalaba na ako. Medyo gumanda ang buhay namin ni Auntie, akalain niyo na ang isang dish washer ay sumusweldo ng P20,000 kada buwan. Thanks nalang doon sa asungot na yun, walang iba kundi si Steve kaya gumanda buhay ko.
Napakasinungaling na lalake dahil halos araw- araw nandoon sa restaurant. Oh well, ano nga naman ang gagawin nun eh tapos na yun sa pag-aaral. At sa tingin ko di naman maghihirap sila dahil malaki ang pasweldo niya sa akin. Medyo nagbago narin ang turi ko sa mga lalake kahit papaano. At kahit mayabang yun ay medyo nagkakasundo na rin kami. Biyernes na pala ngayon, at bukas ay buong araw na naman ako dito. Hay!
Nakakasawa na rin ang pagmumukha ni Kert eh!! Hahahha pero seriously hindi ako nagsasawa sa pagmumukha niya kahit araw-araw ko na siyang nakikita.
"Hoy!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa likuran ko si Kert. Buti nalang tapos na akong maghugas at malapit na palang mag 10. Ang mokong eh tawa pa ng tawa, parang nakakita ng isang clown.
Sumimangot ako at nag-acting na nagagalit at nagtatampo. Medyo naging maging magkaibigan naman kami kahit papaano.
"Hoy sorry na!"
Di ko siya pinansin, bagkus nilampasan ko siya, kinuha ang mga gamit ko at lumabas na. Akala ko di na ako magtatagumpay pero himala nakibagay ang panahon.
Siya:"Hatid na kita"
"Ayoko!" cold kong sagot.
Siya: "Sorry!" bumuntong hininga siya, "Bati na tayo!"
Ako: " Ayoko!" cold ko paring sagot.
Ng magsalita ulit siya ay napansin kung parang naiiyak siya. Napakabakla! Ang gwapo pa naman niya. Sayang! Kaya bago ko pa siyang makitang umiyak eh humagalpak ako ng tawa. Nabitawan ko pa ang mga gamit ko.
Ako: "Hahahahhahahaha"
Siya: "Anong nakakatawa??" sabay kuha ng mga gamit ko.
Ako: "Hahahahahahahha, kasi ikaw , hahahahhahah parang bakla hahahahahahha"
Siya: "Sinong bakla, ako? Halikan kita diyan eh!"
Ako naman di parin nakaget-over kaya tawa parin ng tawa.
Ako: "Hahahhahahha" kaya lang napatigil ako ng tawa ng hinalikan niya ako sa pisngi. Para akong naging bato.
Siya: "Ayan tumigil ka rin. Halika na , ihahatid na kita"
Hindi parin ako gumalaw. Kaya nagulat ako ng buhatin niya ako.
Ako: "Hoy ibaba mo ko" batid ko na malayo pa ang parking lot.
Ako: " Hoy ano ba? Ibaba mo sabi" binuhat ba naman akong parang pangkasal.
Siya: "Magtigil ka nga, halikan kita ulit eh, but this time sa lips na" pagbabanta niya kaya diretsong tumigil ako.
Siya: "Tssss!"
Wala naman akong ginagawa kaya pinagmasdan ko nalang siya. Ang gwapo niya lalo na sa malapitan. Ang tangos ng ilong niya at ang haba ng pilikmata niya. Sa di sinasadya eh napatingin ako sa lips niya. Ang ganda! Hay! Bakit gusto kung halikan niya ako? Nabitin pa ako ng isinakay na niya ako sa kotse. Tahimik lang kami habang tinutungo namin ang bahay ni Auntie. Hindi naman eskwater area yun pero madami kang madadaanan na eskwater place.
Siya: "Hindi ba kayo lilipat ng bahay?" tanong niya na bumasag mg katahimikan.
Ako: " Gustuhin ko man ngunit ayaw ni Auntie tska nasanay na ako na halos 3 taon ng nakatira doon."
Pagkatapos noon ay hindi na siya muli pang nagsalita. Hanggang makarating na kami ,, hindi na siya bumaba. Kaya nagpaalam na ako sa kanya.
Papasok na sana ako ng bigla niya akong tinawag. Paglingon ko saktong nasa likuran ko na siya. Niyakap niya ako pagkatapos ay hinalikan ang noo ko.
Siya: "Nais ko sanang ligawan ka, think about it kung pwede ba? Sleep tight tonight"
Sabay halik ulit sa noo ko at kumalas na siya sa yakapan at naglakad na patungo sa sasakyan niya. Samantalang ako di pa rin gumagalaw. Kaya ng lumingon ulit siya ay nagtama ang aming mga mata.
Siya: " Kung ano man ang desisyon mo nais ko sanang magdate tayo sa linggo."
Pagkatapos noon ay pinaandar na niya ang makina at pinaharurot na ang sasakyan samantalang ako nakatayo parin at pinagmasdan ang papalayong sasakyan hanggang sa di ko na nakita.
A/N: Hope po nagustuhan niyo naisip ko lang yan kahapon. Mahilig akong magsulat ng story pero naisipan ko naman magsulat ng bago kaya kahit di pa tapos ang iba eh may iba na naman akong ginagawa na bago. Pakivote po at magcomment po kayo kung pwede??