A/N: Mahaba po ito promise :) pambawi nalang sa pagiging mabagal ko sa pag uupdate. Last na po ito. Saranghaeyo po ❤❤❤
Ang gwapo niya po sa itaas.Hahhaa
*************JM POV:
2 months na simula ng 1st date namin ni Kert. Halos araw-araw niya na akong nililigawan, dumadalaw sa bahay upang suyuin si Auntie, lumalabas kami para mamasyal at ang sabi niya para masolo niya daw ako. Di ako bitter kaya ibabahagi ko sa inyo ang nangyari noong Sunday kung saan nagkaroon kami ng unang date ni Kert. Ito yung nangyari.
Flashback
Sabado ng gabi , oh me I say madaling araw na ng Linggo at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatulog. Alam ko na dapat natulog na ako kanina upang makabeauty-rest, pero sa akin ay beauty-distruction ata. Batid ko na kinaumagahan malaki ang eyebags ko. Pero ayos lang dahil sabi niya 6PM pa ang date namin, matutulog na ulit ako kaso sabi ni Auntie may bisita daw ako. Ang aga-aga naman 2 hrs. pa nga ang tulog ko. Tska 6AM pa kaya, Haller!! Naglalakad ako na parang multo, bahala na kung may morning glory pa ang mata ko ,, tska babalik pa ako ng tulog. Pagkalabas ko eh halos, gusto ko na ring pumasok ulit. Nako nakakahiya ang porma ko ngayon.Siya: "Good morning princess, di ko alam na excited ka pa lang makita ako, may morning glory pa nga yang mata mo, rska bakit parang di ka natulog kagabi??"
Ako: "Ako excited,, nagpapakatawa ka ba?? Kinakabahan ako hindi excited, at tska ikaw yata ang excited eh dahil sabi mo 4pm eh bat nandito ka na?? 6 Am pa kaya."
Siya: "Wala lang gusto ko lang makita ang mukha mo, wag kang mag alala dahil mas maganda ka pa sa umaga, kahit pa may panis at morning ka pa dyan sa mukha mo, I love you bye!!"
Makapagsaway ang lalaking yaon ay akala ako lang ang may malaking eyebags pati rin naman siya. At ng malapit ng mag 6 Pm halos pabalik-balik ako sa salamin. I know Im pretty but not like na sasabihin kong ako ang pinakamaganda. Hindu naman ako hambog . Maya maya pa may nag "beep" ng sasakyan sa labas. Agad akong bumaba. Kanina kaya pala maaga ang mokong dito dahil nagpaalam siya kay Auntie. Tapos na sana akong magpaalam kay Auntie at pumayag naman yun. Ang mokong sinabi na para daw sigurado baka daw kasi sinabi kong pumayag dahil siya daw ang kadate ko. Ang kapal lang ha. Minsan talaga umaandar na naman ang pagkahambog ng lalaking yaon. Lumabas na ako dahil baka pagalitan na ako ng boss ko. Nagpaalam na kami kay Auntie.
"You look great tonight" puri niya sa akin.At himala naging gentleman ang mokong. Tinaasan ko siya ng kilay ng pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Sulitin mo na ngayon lang yan."
"Sige susulitin ko na dahil huli na rin to."
"Talaga last na to?? Sasagutin mo ko agad? Wag kang mag alala araw araw pa rin tayo magdadate kahit tayo na." (sabay wink pa)
"Aba assumero rin ka pala no. Last na to means wala ng susunod."
Its a part of my joke na di ko akalain na seseryosohin niya. Naging masaya ang date napakaromantic, pero sa likod ng ngiti niya alam kong may lungkot siyang nadarama. Sana nga di buhat ng sinabi ko.
Ako: "Nag enjoy ako, salamat"
Out of the blue kung sabi siguro dahil hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay ang kasayahan.Tumango lang siya bilang sagot.
"Galit ka ba?" Nakaupo kami sa isang bench sa park.
"Ano naman ang dahilan ko para magalit?" sagot niya.
"Di ko alam"
Maya maya pa ay muli siyang nagsalita.
"Di ako galit, halika na lumalalim na ang gabi"