Twilight ¦ WEI Daehyeon

1 0 0
                                    

【 Twilight 】
【 Jang Daehyeon One Shot 】

"Mag-ingat ka sa kaniya, kabisado ko na ang takbo ng isip ng lalaking yan!" Ito ang natanggap kong message galing sa aking nag-iisang pamilya, si Seokhwa. Matagal na silang magkaibigan ni Daehyeon pero oras na kami ang usapan, nawawalan siya ng tiwala rito.

Tinignan ko ang lalaking tinutukoy ni Seokhwa. Siya ang nagmamaneho ng pinagmamalaki niyang mini van. Nakarolyo ang kaniyang sleeves. Nagpapanggap rin siyang hindi niya alam na tinitingnan ko ang bawat galaw niya. Nako, Jang Daehyeon, kabisado na kita.

"Ano... kapag nakapag-adjust na ako, tutulong ako sa mga bayarin sa bahay." Ngayon ang araw na lilipat kami ng tinutuluyan sa probinsya. Taong syudad siya pero mas pinili niyang manirahan kami sa simpleng lugar. Siguro iniisip rin niya ang personal na kagustuhan ko. Estudyante pa lamang ako. Uhm, estudyante ako... noon. Tumigil ako dahil nawalan ako ng suporta mula sa aking magulang, nawala ako sa kanilang puder. Sa kabila ng aking edad ay mas pinili kong sumama sa kaniya. Hindi naman siguro ako pagugutuman ng marangyang ito, hindi ba?

"Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin ang tungkol don? Sa akin ka na. Kahit isama mo pa ang pinsan mo, sagot ko kayo parehas." Naiimagine ko tuloy si Seokhwa na kasama namin sa pagkain, pagtulog at sa pagcudd- no way.

"Magpahinga ka muna, gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo." Hinawakan niya ako sa kamay.

Napakabata ko pa nga pala talaga para kiligin sa simpleng paghawak niya. Ah basta! Ang alam ko lang, wala akong pinagsisihan na sumama ako sa kaniya.

"Masyadong malawak para sating dalawa. Sabi ko sayo isama natin pinsan mo eh." Natatawa niyang sabi habang ipinapasok ang mga bagahe.

Wala pa ako sa ulirat nang sumunod sa kaniya. Ni hindi ko man lang tuloy naenjoy ang itsura nito mula sa labas.

"Sige na, ituloy mo muna yang antok mo. Ako nang bahala dito."

"Hindi... gising na ako. A-ako nang magpapasok niyan." Inagaw ko sa kaniya ang aking backpack na puro pagkain ang laman. Shemay. Pati ba naman pagbuhat niya sa bag ko, kinakikiligan ko pa?!

Hay. Matindi siguro ang kupu-kupu ko sa utak.

"Pakituro na lang ang kwarto ko. Ipapasok ko na to."

"Anong kwarto mo? You mean, sa kwarto natin?"

Huh? Anong eskandalo yon? Seryoso ba siya? Minor pa ako, oh!

"Namumula ka oh... dahil ba saken?" Gago.

"Daehyeon..." Namumutla na yata ako sa nerbyos. Nawala ang antok ko sa kaba.

"Seryoso ako. Pero wag kang mag-alala, malinis ang intensyon ko."

Pumasok na ako sa bahay... n-namin. Bawat kwarto ay ininspekyon ko. Kulang na lang ay pati tubo kumpunihin ko. At ang pinakanghuli - ang kwarto daw... n-namin.

"Nagustuhan mo ba? O masyadong old sa taste mo?" Nasa likuran ko na pala siya.

"Ano yun?" Tinuro ko ang pares ng pambabaeng school uniform na nakasabit malapit sa kama. Gusto kong makasiguro. Imposible naman sigurong may iba siyang babaeng binabahay dito, ano? Hindi rin naman siguro siya bading para magsuot non.

"Hindi mo alam kung ano yon?"

"Uniform... akin ba yon? Mag-aaral ba ulit ako?!"

"Bakit ayaw mo ba? Mag-aaral ka habang nagtatrabaho ako. Susunduin kita sa school at ipagmayabang mo na rin na asaw- ARAY PUTANGINA!"

"Ya! Jang Daehyeon!" Sa mga oras na to, mas pula pa sa buhok niya ang mukha ko.

Hindi ko alam kung ano bang tawag dito. Bahay-bahayan? Hindi siya yong tipo ng lalaki na bubuhayin ako sa wala. Responsable siya. Siraulo. At nakakakuyakoy ang presensya.

Gusto ko siya. At gusto ko ang ideya na maninirahan kami ng magkasama.

Simula ngayon... ihahanda ko na ang sarili ko sa buhay kasama siya. Pero bago ko gawin yon, allyeojweoyo how to make a simple way? ~

" I'm dreaming
As I've fallen into those eyes
that look at me
Drawing it out hundreds
of times "
- Wei Twilight

S.C.H 소확행 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon