Plastic Flower ¦ Oneus Xion

1 0 0
                                    

【 Plastic Flower 】
【 Son Dongju One Shot 】

8:00 PM ¦ Seoul City

Hindi ko pinansin ang sunod-sunod niyang phone calls. Malamang ay kanina pa nangangati ang puwit non kahihintay sa akin. Nang matapos ang field day ay nagpaalam ako sa kaniya tungkol sa after party na ginanap sa bahay ng kaklase kong si Kangmin.

Gusto kong tumanggi sa mga kaklase kong sina Aisha at Swan para ilaan ang aking gabi kasama siya. Pero nakakahiya naman kasi tumanggi sa mga schoolmates ko. At isa pa, ayokong masabihan ng kill-joy.

"Hey, naririnig mo ba ako? Sabi ko, turn mo na. Tunggain mo na!" Malakas ang pagkakasabi ni Kangmin sa akin. Tumataginting ang pangit niyang boses kahit anong lakas na ng sounds.

Sumunod naman ang mga kantyawan sa amin ng mga hinayupak kong kaklase. No. Breezy lang talaga ang isang ito at alam kong pinagtitripan lamang ako. Pero ang mga kaklase ko, ship na ship kami.
Kung sana ay kilala lamang nila si Son Dongju, hindi ako mapepressure ng ganito.
Si Son Dongju, kinakausap niya ako sa mababang tono... mas madalas niya akong kinakausap kapag kami lamang dalawa ang makakarinig at higit sa lahat, sumosobra sa sampung segundo ang tingin niya sa akin hindi katulad ng Kangmin na ito.

"Kailan mo ba kasi balak sagutin si Kangmin? Naiinip na yan sayo, girl!"

Kapag nakapasok na ang Astro sa insurance. Tsk. Bwisit na Aisha ito. Nagmamagaling na naman. Feeling niya lagi kasali siya.

Hindi nila kilala si Dongju dahil magkaibang university ang pinapasukan namin. Hindi nila alam ang tungkol sa amin.

"N-no. May boyfriend na ako."

"Hmp. Puro ka may boyfriend, wala ka namang ipinapakita sa amin!"

Uhm, matakaw siya. Mahaba ang nguso. Lowkey magpagwapo. Kung makahawi ng buhok, akala mo siyang-siya na!
Parang ulzzang kung magselca. Maganda ang mata. Mababa ang boses. Hindi pa tapos ang kwento, tumatawa na. La vie en rose. Nako, Aisha, baka agawan mo pa ako kapag nakita mo!

"Miss, lagyan mo naman ng dahas ang kilos mo. Kaya type na type kita eh! Gusto mo bukas na bukas ligawan na kita?" Inaabot sa akin ni Kangmin ang panibagong shot.

Uhh t-tatanggapin ko ba? Pero ayaw ko na. Dahil ayaw kong umuwi kay Dongju na amoy alak pa ako. Kababae kong tao tapos... ah basta! Nakakahiya naman sa kaniya.

Pero ano daw?! Ligaw? Seryoso ba ang pangit na ito? Sobra ka na!

"E-excuse me. Comfort room lang ako." Palusot ko.

"Ho-ho-hoy! Baka indianin mo lang kami!"

"Hahaha kinakabahan ka ba kay Kangmin?"

"Shh! Let her. Bigyan natin siya ng oras para makapag-isip." Tumayo siya bago ulit ako lingunin, "Babalik ka naman ulit diba?"

No. No way. Kadiri ka!

Tiningnan ko lang siya. Iyong play safe na tingin. Hindi sumasang-ayon, hindi rin naman obvious na tumatanggi.

Naglakad ako ng normal, at nang hindi na ako abot ng kanilang tingin ay kumaripas na ako palabas.

"Son Dongju!" Ambango niya. Ambango ng likod niya. Hihi.

"Tsk. Sinabi ko naman sayo, chat me kapag pauwi ka na. Sana man lang ay nasundo kita." Ginulo niya ang buhok ko nang binigyan ko lang siya ng cheeky pose. Hihi.

"Eh kasi naman..." Pagmamaktol ko habang nagsasalin ng tsaa.

Iniisip ko kung anong mga pinagkaabalahan niya kanina habang wala ako. Magulo ang kama. May mga hindi naubos na chips sa center table. Amoy perfume rin niya ang buong kwarto. Huwag niyang sabihing naligo lamang siya magdamag mula nang nawala ako?

"Kasi ano? Kakauwi mo pa lang, nakanguso ka na agad..." Naupo siya sa kasalungat na upuan.

"Kumain ka na? Hindi mo ako hinintay?"

"Kelan ko ba ginawa iyon? Psh. Magbihis ka na muna. Tingnan mo itsura mo, mukha kang kulang sa aruga."

"Ayoko. Sayang ang oras. Tutulog na tayo maya-maya eh, ibig sabihin, mababawasan ang oras na kasama kita. Ang cute cute pa man din ng gabi kapag kasama kita tapos -"

"Ang daldal mo, alam mo ba yon?" Tumawa siya.

Lub. Dub. Lub. Dub. B-bastos! Ambastos-bastos! Amoy alak pa nga ako tapos... kiniss ako! Nakakainis!

"Son Dongju, may sasabihin ako."

"Oh?"

"Dito na muna tayo. Let's stay awhile. Gusto kong bumawi sa iyo. Pwede?"

Naiihi tuloy ako! Eotteokhae~
Paano ko ba ito sasabihin nang hindi masasabihang makiri ng mga kapatid ko?!

K-kailangan ko lang naman ng quality time kasama ang boyfriend ko.

Kung pwede nga lang na hindi ako matapos sa kakahigop ng tsaa para lamang makasama siya ng mas matagal-tagal ay ginawa ko na!

Sa tagal ko nang kasa-kasama siya sa iisang bahay, hinahanap ko na gabi-gabi ang mababa niyang boses na numero unong dahilan kumbakit ayoko pang matulog.

"You mean gusto mo pang mahalikan kita?"

Aish! B-baliw!

" I just think simply cause
I like you so much
As the only thing I have
are my guts "
- Oneus Plastic Flower

S.C.H 소확행 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon