Crush On You ¦ BAE173 Muzin

2 0 0
                                    

【 Crush On You 】
【 Kim Muzin One Shot 】

"Isa kang dakilang pahamak, Park Junseo! Hindi ka lang mabantot, ang ingay-ingay mo pa!" Ito na ata ang pinakatahimik kong sigaw. Pilit kong itinago ang nakasilip na bumbunan nitong si Junseo dahil muntik na kaming makita. Sana pala si Bit o si Doha na lang ang kinakuntsaba ko para kahit papaano ay ligtas kong maipupuslit ang tatlong kartong wuyu.

"Ano bang natipuhan mo sa Hyunwoo namen? Eh mas mabaho pa ang utot sa akin niyan eh!"

Gagawin ko pang perfume kahit anong amoy! Kyaaah... hindi talaga ako makapaniwalang may schoolmate akong para bang bida sa drama. Ako ang shy at magandang bida sa school, kaya ako na mismo ang gumagawa ng paraan para makamit ko ang aking love story! Hihihi!

Malapit sa akin si Hyunwoo. Matagal na rin kaming magkakilala dahil iisa lamang kami ng circle of friends. Pero kapag magkakasama kami nila Junseo at kuya Hangyul at bigla siyang susulpot - tinatakasan ko sila!

"Adik ka talaga. Lapitan mo kaya para magkapuntos ka naman. Gaga." Kinaltukan ako ni Junseo.

Naglalakad kami pabalik sa department. Hay. Ang onting minuto ko lang tuloy siya nakita. Alam niyo ba yong feeling ng may crush ka sa eskwelahan? So estudyante pero sobrang worthy nung pakiramdam. Paggising ko pa lang sa umaga, gusto ko nang takbuhin ang school para sa chances na makasabay ko siya. Sa tanghali naman, bibigyan ko siya ng lunch na para bang isang girlfriend. (hindi nga lang niya alam na ako ang nagbibigay non pero no probleeeem.) Kapag vacant time ako, ito ang pinakamasayaaa dahil malaya ko siyang natititigan sa field kasama ng iba pa niyang barkada. At kapag oras na ng uwian, gustong-gusto ko yong feeling na sabay sabay kaming uuwi nila Youngseo, Bit, Doha at Junseo na para bang anlakas ng kapit ko sa friends niya. Madalang naming nakakasabay sila kuya J-min Yoojun dahil mga gurang na yon. Si Hangyul at Dohyon naman ay may mga inaasikaso pang girlfriend. Oh diba? Kami na lang talaga ni Hyunwoo ang kulang para makumpleto ang triple date!

"Ngek? Anong puntos ka jan? Mukhang hindi naman siya interesado sa rela-relasyon na yan eh." Nanlulumo kong sabi.

"Ikaw kasi eh. 2003 liner ka pero daig mo pa yong Noona ni Dohyon sa kakereng-kengan."

Luh? Ano naman ang karengkeng don? Gusto ko lang naman siya matingnan ng malapitan ah? Gusto ko lang naman hawiin ang yeppeo boijanha niyang buhok. Hihipuin ko lang naman yong noo niya. At sisinghutin na rin yong mukhang pang yuletide niyang polo shirt. Mga simpleng bagay lang naman to na normal lang isipin ng mga cute na babaeng kagaya ko.

Lumipas ang mga nakakaburingot na klase pero si Hyunwoo pa rin ang iniisip ko. Paano ba kasi niya ako mapapansin? Alangan namang magdukit ako sa harapan niya, diba? Hindi rin naman pwedeng magtarararan ako kapag nakasalubong ko siya sa hallway.

Gusto ko maging pormal sa paningin niya. Hindi ko rin naman siya pwedeng utusan na, "Hoy Muzin! Pormalan mo ang tingin sakin ha!"

"Ahh... anong gagawin ko?"

Nangunguna-nguna akong lumabas sa room nang magpaalam ang huling subject teacher namin. Bye bye, mga walang lovelife! Dahil ako - ako ay gagalaw na!
Hihihi. Ansaya saya tuloy ng hapon dahil kay Hyunwoo! Pati mga uwak, nagdidiwang para sa akin! Pakiramdam ko lahat ng estudyante gusto ako batiin ng, "Congratulations! Mapapansin ka na ni Hyunwoo!"

Wohohohoho. Kenekeleg eke!!!!!!!

Pagkatapos kong gawin ang aking plano, kakain ako ng masarap na sushi sa tapat!
Bago ako matulog, hindi ko muna masyadong iisipin na malaki ang tsansa na magustuhan rin niya ako. At bukas pagkagising ko, maliligo ako ng matagal para fresh hihihi. Syempre, kailangan kong maging maganda dahil naaamoy ko na ang crushback. Antalino ko talaga! Napakagandang plan-

>. <

#&%!!!!!!!!

ACKKKKKKK

A... aray!

A-anong n-nangyare...

Ba-baket siya nandito?

Ang gwapo~ napapaawit ako dahil sinasalubong na yata ako ng anghel~ Anlapit-lapit niya sa mukha ko, oh!

"Uy... Ayos ka lang?"

"H-hindi" ako ayos Hyunwoo!

Huhuhuhu. Dahil wala sa plano kong tumilamsik sa kalawanging bakal ng drainage!

"Anong hindi? Masak-"

"Argh! Hindi sabi masakit!"

"H-hindi kita crush! Hindi kita balak puntahan dito, ano!"

" It's a little embarrasing
but I'll tell you,
I really like you.
I'm confessing now"
- BAE173 Crush On U

S.C.H 소확행 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon