【 Fate 】
【 Joo Changuk One Shot 】“We got this young...”
“Young!”
“Young, Young blood ~ ”
Nasa hallway pa lamang ako ng applied music department ay rinig na rinig ko na ang taginting ng boses.
Hindi ako dapat naririto. Siya lang naman kasi ang dahilan kumbakit naglakas loob akong tumapak dito. Nakakatakot kasi ang nakakapanliit na tingin nila kuya Hyeop, Yoon Jeunghwan, Choi Suhwan, Song Yuvin at Kang Hyeonsu. Mas masaya pa sa dance department namin no!
“Psst. Junho!” Break time ngayon kaya mukha na naman silang mga nakawala sa hawla.
Mukhang wala siya dito. Wala naman kasi akong nararamdamang kakaiba pagkatapak na pagkatapak ko sa pinto eh. Walang mga kutitap, walang mga rosas, ni walang puso.
“Si Changuk? A-andito ba sya?” Tsk. Bakit ko pa tinatanong? Ilang beses ko na siyang kinontak pero hindi sinasagot. Wala rin akong nakuhang positibong sagot kay Dodong na pinakamalapit sa kaniya.
“Hindi siya pumasok. Kanina pa nga namin hinihintay yon eh kaso hindi naman sumipot.”
“Anong hindi pumasok? Bakit hindi siya nagsabi sa akin?”
“Hindi ba dapat ikaw ang mas nakakaalam niyan?” Pinunasan niya ang bibig matapos uminom.
“Malapit na ang evaluation ng mga national producer. Sayang lang na wala siya ngayon dahil hindi siya nakapagpractice.”
Evaluation? May hindi ba siya sinasabi sa akin?
Buong akala ko pa man din ay sabay kaming makakakain ng lunch ngayon. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Noong nakaraan lamang ay hindi niya ako hinintay sa aking huling klase kaya naman solo akong umuwi. Madalang na rin niya akong tawagan. Kapag may libre naman akong oras para bisitahin siya ay lagi namang may vocal practice. Ni wala akong natatanggap na pangangamusta mula sa kaniya. Iniisip ko kung ano ba ako para sa kaniya. Kung may balak ba siyang ipaalam sa akin ang nangyayari... kung may pakialam pa ba siya sa akin... o kung may problema ba kami. Mas matanda siya sa akin nang dalawang taon. Wala pa akong sapat na kaalaman sa rela-relasyon na yan. Minsan papaturo na ako kay kuya Hyeop, expert yon eh.
Hirap kapag INFJ ang boyfriend. Hindi ko mahulaan ang takbo ng isip niya. Kung nagtatampo ba siya. Kung nagagalit ba siya. Ang hirap niyang basahin. Maski ang mata niya ay parang tamad na tamad lagi kung tumingin. Kung hindi pa lalabas ang parang pating niyang ngipin ay hindi ko pa masasabing masaya siya.
Pero may problema nga ba kami? Naging mabait naman ako sa kaniya diba? Hindi ako pasaway at hindi rin naman ako nagkulang. Pinupuri ko naman siya kapag bago ang suot na hoodie. Hindi ko rin siya inasar noong mga nakaraang araw tungkol sa blood seoro.
Kagaya rin lamang kami ng mga ordinaryong magkarelasyon. Lumalabas kapag weekend. Nagtatawagan. Nagkikita sa eskwelahan. Nililibre rin niya ako sa labas pagtapos ng klase.
Bagsak balikat ako nang lumabas ng studio. Hindi ko na rin ramdam ang pamamanhid ng aking paa dahil kanina ko pa iniisip kumbakit kakaiba si Changuk. Mas toyo pa yata sa akin ang isang yon.
Wala tuloy akong kasabay pauwi. Iniwan na rin kasi ako nila Dahyun at Sohee. Kung kailan naman kailangan ko nang kausap tsaka ako nag-iisa nyayon. Hay. Sana pala sumama na ako kanina nung inaya ako ni kuya Hyeop at Minseo.
Pagkahubad na pagkahubad ko ng uniporme ay nagbihis ako ng komportable. Pinakamalaking hoodie na galing pa sa kaniya. Hmm.. a-amoy Changuk. Sana pala ay hindi ko na lang to nilabhan mula noong binigay niya. Naghahalo na ang detergent sa natural niyang amoy.
Nakakamiss.
Uhm... pakiramdam ko tuloy may mali talaga.
Pupuntahan kita. Nangangati na ang pwet ko kakaisip! Malapit lang naman ang tinutuluyan niyang apartment, hindi naman siguro masamang takbuhin ko siya mula dito, ano?
Mabibigat na katok ang binungad ko. Sana nandito siya. Sana nandito siya. Sana nandito siya.
“C-changuk!”
“Anong ginagawa mo dito?”
Kakagising lang ba niya? Ang gulo ng buhok niya. Lukot rin ang black shirt. Mukhang bubwit na ilang araw nagtago sa dilim.
“Changuk... hinintay kita. Bakit hindi mo sinabi sakin na hindi ka pumasok? Edi sana hindi na rin ako pumasok.”
Nalibot ko na ang sala ay hindi pa rin ako nakatanggap ng tugon. Iimik ka ba o kukulitin kita?
“May p-problema ba tayo? Hindi naman tayo nag-away ah?”
Bakit ba iniiwasan niya ako ng tingin? Hindi naman siya ganito sa normal naming araw dahil ako lagi ang mas umiiwas sa tingin niya. Ikaw ba naman tingnan ni Wolfoo.
“Oy! Ano?” Pinagyuyugyog ko siya. Bahala kang mairita sa akin basta kukulitin kita!
Wala pinapakitang emosyon ang mga mata niya. May amblyopia ba siya?
Mukhang wala siyang balak sabihin sa akin. Na naman. Hindi ba ako mukhang mapagkakatiwalaan. Gusto ko rin namang malaman ang mga iniisip niya para mas makilala ko pa siya. Pero sadyang mahirap siyang aralin. Hay.
“Evaluation na namin next week.”
Nilingon ko siya. Nagsalita siya?!
“At hindi maganda ang feedbacks sa akin ni Miss Ana sa vocal na pwede kong ikabagsak.”
“Ilang beses nang x ang naririnig ko sa instructors. A sila Junho at Hyeop.”
Nakayuko lamang siya habang hiyang-hiya sa sarili. Sinasabunutan niya ang manipis na buhok at blanko na naman ang mata.
“Narinig na ba ni miss Ana ang blood seoro mo? Aawayin ko si miss Ana... ano bang gusto mong gawin—”
Ni... niyakap niya ako?
NIYAKAP NIYA AKO!
Sana mas makilala ko pa siya sa kabila ng mga pinapakita niyang emosyon. Kung may isipin ba siya, o kung may nagpapasama ng loob niya. Si Changuk, gusto ko pa siyang kabisaduhin. Kung anong kinaignorante ko, hindi ko alam na may pinoproblema pala siya dahil sa bwisit na instructor nila sa applied music.
So it's a fate, jikyeojulgae till the end.
Siguro nga nakilala ko si Changuk para may makaintindi at makaappreciate sa kaniya.
“Uhm... Changuk?” Ayaw ko nang bumitaw sa yakap. Magpaplano muna ako ng pagganti kay miss Ana!
*to be continued
“ Go above something,
fly higher, higher and higher
We'll do everything together,
It's a fate”
— Drippin Fate